"Arkiel!" I can see that he was shocked by the sudden change of my mood.
Who wouldn't be?
"I'm sorry." Hindi ko siya pinansin, tumayo ako at sinuot ang bag ko. Marahan kong hinila patayo si Angel, mabuti na lang at kanina niya pa nabitawan ang pagkain niya.
Mabilis ko na siyang hinila roon palayo kay Arkiel. I can't face Angel right now, nakakahiya sobra! Baka kung anong isipin niya.
"Teka nga, ba't ba tayo umalis doon?" Dahan dahang hinawi ni Angel ang kamay ko. Nasa classroom na kami at dahil break time pa ay iilan lang ang kaklase kong naroon.
"Angel, please..."
"What? Do you have something to tell me? Kayo ba? Ano? Nililigawan ka?" Sunod sunod ang pag iling ko.
"He's just calling me like that, sometimes..." Mahina kong sabi dahil baka marinig pa kami ng mga kaklase ko rito.
"Really? Baby? Kung si Markus ay maiintidihan ko Elissa, but Ar—" mabilis kong tinakpan ang bibig niya saka siya inilingan.
"Don't say a name, Angel. Please..." Ngumisi siya at tumango.
"So ano kayo?"
"We're friends, Angel." Yumuko ako. I'm not even sure kung magkaibigan nga kami.
"That's not how you call a friend. Baby? Seriously?" Tumawa ito, uminit ang pisngi ko dahil hiyang hiya na ako sa kaniya.
"Stop it, Angel. Alam naman nating may gusto siyang iba." Hindi ako nag banggit ng pangalan ngunit tumango tango si Angel na para bang naiintindihan niyang si Venice ang tinutukoy ko.
"How about you?" Kumunot ang noo ko.
"What about me?"
"Geez, Elissa. Gusto mo ba siya?" Mabilis akong umiwas ng tingin, at alam kong sa pagkakataong iyon ay hindi ko na maitatago pa ang nararamdaman ko para kay Arkiel. I can't lie in front of Angel!
"Oh gosh..." Bulong bulong niya nang ma realized iyon.
"Why? When? What happened?" Huminga ako nang malalim, sinubukan kong paikliin ang lahat para ma i-kwento kay Angel.
"Wow, and you never mention this to me?" Parang nagtatampo nitong sabi.
"I'm sorry, akala ko kasi kapag iniwasan ko siya ay mawawala na. I thought there isn't a need for me to tell you dahil akala ko wala lang 'to. Akala ko makakalimutan ko agad siya."
Uminit ang gilid ng mga mata ko, naiiyak ako pero pinigilan ko. Niyakap ako ni Angel at hinaplos ang likod ko.
"Ghad, Elissa. You're in a big trouble." Bulong niya.
Yes, I know...
"Ladies and gentlemen, Good afternoon! Standing here right in front of you, a seventeen year old girl who once doubted herself. But I am here today because someone believed in me."
Umingay ang loob ng gym, tumigil ako at ngumiti. Nang tumahimik sila ay saka ako nagpatuloy,
"I am Elissa Gracielle Castillon, representing...Grade eleven!"
I gracefully turned and walk as I exit the stage. Sinalubong ako ng designer at make up artist ni Mommy. They were smiling at me and congratulated me after.
"That was a good start!" Nagpasalamat ako. Hinayaan ko silang ayusin ang buhok at make up ko.
I'm very happy joining this pageant, Sir Jude was right for telling me that this is a great experience. Mom and Dad was here too, masaya na ako roon.
Candidate number three ako at candidate number two na ang nakasalang sa talent portion. I'm just wearing a dress my Mom bought, it was a long sleeve pink dress. I feel like a princess today because of this dress. I'll thank Mom later for this dress.
"Now, let us welcome our candidate number three to showcase her talent!"
"Good luck, Ma'am Elissa!"
"Thank you po!" Dumiretso ako sa stage, naroon na ang piano na gagamitin ko, pati ang mic ay nakaayos na rin doon. Umupo ako sa upuang nakalaan para sa'kin, inayos kong mabuti ang mic sa tapat ng aking bibig.
Sinimulan kong galawin ang mga daliri, napapikit ako sa lamig ng tinig na iyon.
"Baby, wrap me up in all your...
I want you, in my arms"
"So let me hold you..."
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa, I was feeling the soft music that slowly makes me want to sleep.
"I'll never let you go again, like I did...
Oh I used to say
I would never fall in love again until I found him..."
Napangiti ako nang maraming sumabay sa akin sa parteng iyon. Nilingon ko ang crowd at ipinagpatuloy ang pagkanta.
"I said, I would never fall unless it's you that I fall into..."
My smile slowly faded as I saw Arkiel, intently looking at me. May laro siguro ito mamaya dahil nakasuot ng jersey nila.
"I was lost within the darkness, but then I found him...
I found you."
I sang that part without looking away, nasa kaniya lang ang titig ko dahil maski siya ay hindi ako nilulubayan. Marahan akong pumikit at tinapos ang kanta.
Pinilit kong mag focus sa pageant kahit papaano, hindi ko nga alam kung nasagot ko ba ng maayos ang tanong sa akin kanina. Masyado na namang nasakop ni Arkiel ang utak ko, ngunit sa tingin ko naman ay naging maayos ang sagot ko.
It was awarding at kinakabahan ako, it's my first time to join at kuntento ako sa kung anong matatanggap ko.
"She, who never lacks confidence, bravely fought for the crown, our third runner up is...Candidate number 6!" Pumalakpak ako.
We were a total of 6 contestants, hiwalay ang junior high. Senior high lang at first to fourth year. Fifth years weren't allowed to join the pageant.
"If a disney character would exist, then this candidate is the perfect example. Strong, confident and brave. Our second runner up is...Candidate number 1!" Ngumiti ako at pumalakpak.
Two places left, may tiwala naman ako sa sarili ko ngunit dahil first time nga ito ay hindi na ako nag e-expect na makapasok. First place is an achievement, but the title as Miss Intramurals 2022 is impossible for me.
"Someone who's been a great example for us today. She, with her words inspired a lot of people here, including me. The lady who deserved it, our first runner up is...Candidate number 5!"
It wasn't me...and that's okay. Tutal ay first time ko naman. At isa pa, this pageant will serve as experience. Nakita sa crowd sila Mommy. Ngumiti sila sa akin habang si Dad ay bitbit ang DSLR at sige ang picture. Napangiti ako.
"Now, are you ready for our next Miss Intramurals?!" Naghiyawan ang crowd, pumalakpak ako para sa kung sino man ang mananalo. I'm sure she deserved it.
"This girl, made our gymnasium into a magical world. She's like a princess ready to take over as a Queen! She's been waiting for her crown!" Naghiyawan ang mga estudyante.
Nakita ko sa 'di kalayuan ang grupo ng mga cheer leader. Ang lakas ng boses ni Angel sa lag cheer sa akin kaya nakita ko agad siya. Marahan akong natawa dahil sumasayaw pa ito habang nag c-cheer.
"Our Miss Intramurals 2022, is none other than...Candidate number 3!"
Pumalakpak ako at nilingon ang mga kasamahan ko para makita kung sino ang nanalo. Nagulat ako nang lahat sila ay nakangiting nakatingin sa akin.
"Miss Elissa Gracielle Castillon, yes you sweetie." Nahiya ako sa emcee na nakalimutan ko ang number ko.
Kinakabahan akong naglakad sa harap, Oh my God. Is this true? I wasn't expecting this at all!
Nagpasalamat ako nang ilipat sa akin ang korona. Ngumiti ako at kumaway katulad nang itinuro ni Ate Beatrice.
"Congratulations, anak!" Si Mommy nang matapos ang pageant. Nasa stage pa rin kami nang puntahan nila ako ni Daddy. Marami na ring nag alisan at ang iilan ay nag papa-picture pa.
"Congrats, my baby." Hinalikan ako ni Dad sa noo napangiti ako sa kanila ni Mommy. They really watched because it's my first time and they're here to support me.
"Thank you po Mommy, Daddy." Nag pa picture kami ulit. Pagkatapos n'on ay si Angel naman ang lumapit at binati ako.
"I know you're gonna win!" Tili niya at niyakap ako.
"Thank you, Angel." Nagpicture kami ngunit saglit lang dahil kailngan niya na ring umalis at may practice pa sila para sa opening ng basketball mamaya.
Hindi rin ako nakatakas sa mga kaklase kong gusto mag pa picture at sa iba pa.
"Elissa, musta na?" Napangiti ako nang lapitan ako ni Felix. Nasa likod niya ang grupo nila, si Venice lang at ilang girls ang wala dahil nga kasama sa cheer leading.
"Ayos lang." Tipid kong sagot.
"I can see that, uh. Mag papa picture sana kami kung ayos lang."
"Kami, pero gusto siya mauna! Madaya!" Asar ni Samuel sa kaniya. Napatingin ako kay Arkiel na nasa tabi ni Lorcan. Madilim ang tingin nito sa'kin. Bakit? Galit ba siya?
Nagpatuloy ang asaran kaya pumayag na ako agad na magpapicture. Naka ilang shots na kaming dalawa lang ni Felix sunod sila Lorcan. Nagpalinga linga ako para hanapin sila Mommy, nakita ko naman silang kausap si Sir Jude.
"Salamat, Elissa." Ngumiti ako kay Felix.
"Walang anuman." Simpleng sagot ko.
"Hoy ngit ngiti ka pa riyan, baka nakakalimutan mong nan'dito ang parents!" Asar ni Lorcan.
"Shut up dude."
"Uh, excuse me." Pumayag naman sila kaya umalis na ako roon at pumunta kila Mommy.
"I told you right?" Ngumiti ako at tumango kay Sir Jude.
"Thank you, Sir. I wasn't expecting this at all." Tumawa si Sir ganoon din sila Mommy.
"Ikaw lang ata ang 'di nag expect." Nahihiya akong ngumiti kay Sir Jude.
Saglit pa silang nag usap nang magpaalam na rin sila Mommy. Pumayag naman si Sir Jude dahil marami pa itong aasikasuhin.
"Nasaan ba si Arkiel, anak?" Tanong ni Daddy. Mabilis kong tinuro ang pwesto nila Arkiel.
"Bakit, Dad?" Kuryoso kong tanong.
"Kukunan ko kayo ng picture." Ngumiti si Daddy.
"That's great isasama ko 'yan sa mga ise-send ko kay Markus." Dagdag ninMommy.
Wala akong nagawa nang tawagin ni Dad si Arkiel. Mabilis naman itong lumapit, pinanuod ko siya nang takbuhin niya ang kaunting distansya namin.
"Hello po Tita, Tito. Bakit po?"
Iyon agad ang tanong niya. Inangat naman ni Daddy ang DSLR niya. Tumango si Arkiel, na nakuha ang gustong mangyari ni Dad. Si Mommy ang nag ayos ng pwesto naming dalawa, ngumiti ako sa camera.
"One, two, three, smile." Ngumiti ako ulit. Nakailang shots pa kami bago in-announce ni Dad na ayos na iyon. Humiwalay agad ako kay Arkiel.
"Anak, mauuna na kami ng Dad mo ha. Didiretso pa kami sa kompanya e." Tumango ako kay Mommy.
"Baka matagalan si Manong sa pagsundo sa'yo ha, antayin mo. Ipapahatid ko pa sila Karen." Tumango ako kay Mommy, she's talking anout her designer.
"Pwede ko pong ihatid si Elissa, Tita." Nalaglag ang panga ko at napatingin kay Arkiel.
"Really?" Masayang tanong ni Mommy.
"Hindi ba istorbo sa'yo, Arkiel? Baka busy ka." Tanong ni Dad. Yes Dad, super busy po iyan kaya huwag po kayong papayag!
"Hindi po, Tito. Ihahatid ko po siya."
"Okay, I'll count on you then." Tumango si Arkiel.
"Mag iingat kayo Arkiel ha. Dahan dahan lang pag drive." Tumango ulit si Arkiel.
Pagkatapos n'on ay nagpaalam na sila saka umalis na. Nilingon ko agad si Arkiel at inis siyang tinignan.
"What?" Inosenteng tanong nito.
Napailing ako saka nagpaalam na magbibihis pa, pumayag naman siya kaya umalis na ako roon sa pwesto namin at naglakad na paalis.
Bumalik ako sa back stage, nagliligpit doon sila Ate Karen, pumasok ako sa dressing room at nag bihis. Nang matapos ay lumabas agad ako.
Mamaya pa ako makakauwi dahil may opening pa ang basketball mamaya at kailangan ko pang antayin si Arkiel! Napa daing ako dahil nahigpitan ko na pala ang sintas na sinusuot.
Hindi ako naka uniform dahil wala akong dala. Suot ang straight cut maong jeans ko at printed shirt na white ay nagpaalam na ako kina Ate Karen dahil lalabas na ako. Bumalik ako sa pwesto namin kanina ni Arkiel, and surprisingly ay naroon pa rin siya nag aantay.
"Let's go." Aya ko sa kaniya, nasa kabilang gym ang court ng basketball kaya lilipat pa kami roon. Tumango siya at sabay na kaming naglakad.
"Congratulations, Elissa." Nilingon ko siya,
"Salamat." Ngumiti ako ng tipid.
"I know you'll win." Ulit niya sa sinabi niya sa akin nakaraan.
"Thank you for believing in me." I genuinely smiled. Hinaplos nito ang mahaba kong buhok katulad ng lagi niyang ginagawa, ngumiti ito sa akin.
"I always will."
***
Watch the video for a better reading hahaThanks for reading!