Epilogue

47 5 0
                                    

    
      
"Thank you Kuya, I love you." malambing na sabi nito matapos siyang bilhan ng ice cream ni Markus.
    
    
Ganiyan siya sa lahat ng bibili ng ice cream sa kaniya? Nakakairita.
    
     
Hindi ko alam kailan nagsimula ang madalas na irita ko sa nakakabatang kapatid ni Markus. She's too kind and I'm afraid everyone she meets will take that for granted.
    
     
"Isasama mo sa practice?" tanong ko kay Markus
    
      
Maglalaro kami ng basketball, para makapag handa next game. Nakasunod sa kaniya ang kapatid niya.
    
     
"Oo e, lagi na lang din kasi sa bahay. Wala sila Mommy."
    
     
Tumango na lang ako. Napatingin ako sa kapatid niya at napatingin din ito sa'kin, she smiled sweetly. Nairita ako lalo, kumunot ang noo ko saka umiwas ng tingin.
    
     
Maybe that's why I don't really like her at first, lahat nginingitian, sa lahat mabait, laging 'okay lang' ang sagot.
     
      
I hope that she's not too kind to everyone.
     
       
"Binilhan din kita Kuya Arkiel!" masayang salubong niya sa'kin.
      
       
Kumunot ang noo ko sa bottled water na inaabot niya. Bakit niya pa ako binilhan? Saan niya binili 'yan? Napagod pa siya meron naman ako dito. Hindi ko siya pinansin at ininom ang tubig ko.
      
      
"Dito lang 'to sakaling mauhaw ka ulit." ngumiti siya ulit
     
      
Hindi ko na napigilan ang sarili.
     
     
"Can you stop that? Naiirita ako sa'yo."
      
      
She cried after. Iyak siya nang iyak kaya hindi natapos ang game namin. Sobra din ang galit ni Markus sa'kin. Of course I regret that. Hindi ko naman siya gustong paiyakin.
      
     
Nakakaawa rin n'ong umiyak siya pero wala na akong magawa. Ayaw nang lumapit sa'kin kahit anong sorry ko.
      
        
"Gago ka ba Arkiel? Sinabi ko naman sa'yong iyakin 'yon e!" frustrated na sabi ni Markus
      
       
He loves his sister so much, alam ko na iyon simula pa lang. Hindi ko rin naman siya gustong paiyakin. My point is, she should stop being so kind. Paano kung sa iba 'yan? Bibilhan niya ng tubig, pa'no kung uutusan siya para bumili ng pagkain, gagawin niya rin? Fuck. Napailing ako. Ayaw ko na mag explain, hindi naman nila maiintindihan.
     
      
"Picture kayo para hindi kayo laging nag aaway." ramdam ko ang pagsimangot niya sa gilid ko
      
     
I sighed, inakbayan ko siya saka humarap sa camera. Nang matapos kunan ni Markus iyon ay binawi ko na ang kamay ko.
       
       
Graduation namin sa high school. Next school year ay senior high na kami ni Markus, habang ang kapatid niya ay Grade seven sa pasukan.
      
       
"Sa bahay ka na Arkiel, maraming handa." yaya ni Markus na tinanggihan ko
     
     
"Naghanda rin si Mommy e, sunod na lang." tumango siya saka nagpaalam
     
       
Napatingin ako sa kapatid niya, I'm expecting her to at least say goodbye, or wave her hands dahil iyon naman ang lagi niyang ginagawa, pero wala. Sinimangutan lang ako nito. Hindi na rin ako tinatawag na Kuya. Napailing ako. At least she's not that kind anymore, right?
        
      
Akala ko mas okay na hindi siya mabait. Mas okay na hindi siya palaging nakangiti sa lahat. Hindi pala okay iyon dahil sa akin lang siya hindi gan'on. Napuno ko yata siya.
        
      
"Aray!" marahan niyang sabi nang mabangga ko siya
    
     
Napatingin ako sa kaniya, sunod sa card na nahulog niya. Tutulungan ko lang naman sana siyang kunin iyon kung hindi ko lang nakita iyong pangalan ng Fernandez na iyon sa labas ng card at may hugis puso pa!
       
     
Amoy na amoy ko ang bango ng card kahit hawak ko lang ito.
     
     
"Akin na 'yan!" irita agad siya
      
      
Ni minsan ay hindi na ito ngumiti sa'kin, pero ayos lang. Mas okay 'yon. Naiirita kasi ako pag ngiti siya ng ngiti sa'kin.
     
     
Ngumisi ako at tinaas ang card. This is obviously a love letter!
      
      
Bawal pa itong mag boyfriend ah? Grade 8 pa lang, nag gaganito na.
     
     
Binuksan ko ang card, hindi mahirap iyon dahil simple lang naman ang card. Isang bukas pa lang ay mababasa mo na.
    
    
"Dear Sean, I want you to know that I admire you..." basa ko
      
     
I almost scoffed. Admire? Really? Uminit agad ang ulo ko. Ang bata bata pa niya!
     
    
Ano bang ginagawa ni Markus at mukhang napapabayaan na niya ang kapatid niya. Nakakairita.
      
     
"Akin na..." napatingin ako sa kaniya
      
      
Naiiyak siya at gusto ko mang mag sorry ay para sa kaniya naman 'to. She can't like anyone at this age.
      
     
"Sean? Iyong pangit mong kaklase?"
    
    
Totoo naman iyon. Anong nagustuhan niya roon?
     
       
"Akin na." ulit niya
     
     
She loooks mad. Pero kung hindi alam 'to ni Markus, kailangan ako ang mag disiplina sa kaniya.
     
      
Grade 8 pa lang may ganito na? Nakakairita lalo. Mas sobra pa ata ang galit ko ngayon kaysa noong ngiti siya ng ngiti sa'kin.
       
       
"Hindi mo siya pwedeng magustuhan, Elissa." I warned her
       
        
Kahit nagagalit ako ay gusto ko sana siyang pakalmahin. Pero para saan pa? Ayaw naman nito sa'kin. Simula n'ong napaiyak ko siya ay lumayo na ang loob niya sa'kin.
       
       
"You have no say on who I like, Arkiel."
       
         
Of course. Wala naman talaga. Bakit ko ba inaako ang dapat trabaho naman ni Markus? Tanginang 'yon mag b-boyfried na ang pinakamamahal niyang kapatid, nasaan siya ngayon? Fuck.
      
        
"I am just warning you. That boy is not good for you." malamig kong sabi
     
     
Parang nasampal ako ng katotohanang bakit ako nangingialam sa kaniya? Kapatid ko ba siya?
        
      
"And who are you to tell me who's good for me?" 
       
       
Naiiyak na siya. Nakalimutan kong iyakin nga pala siya.
     
       
"I care for you—" totoo naman iyon.
      
     
I've been with her for years now. Normal lang namang magmalasakit? Hindi naman talaga nararapat na hangaan ang Fernandez na iyon. Marami iyong babae, bait baitan pa.
       
         
"No you're not! I hate you!" sigaw niya at umalis na
     
     
I sighed, whatever. Go get the boy you want. I'm done. Wala na akong pakialam.
       
       
"Arkiel, pre! Hinahanap ka nila Venice." sinamaan ko ng tingin si Markus nang makarating ako sa classroom
      
       
"Isa ka pa." bulong ko na narinig niya ata
        
       
"Woah, ang init ng ulo!" tumawa siya
      
      
Nakakairita ang mag kapatid na 'to. Magsama sila.
     
      
Sinama ako ni Markus pauwi sa kanila. Aniya'y doon na ako kumain para makahingi na rin ng sorry sa kapatid niya. I am really sorry for making her cry, pero para naman iyon sa ikabubuti niya. Markus got my point but Elissa can't get it.
     
     
"Elissa, I'm sorry for reading your love letter." I said, sincerely
     
     
Siniko ako ni Markus. Tinignan ko siya nang masama, may mali ba sa sinabi ko? Gago na 'to.
      
      
"Hindi iyon love letter!"
      
     
Tinaasan ko siya ng kilay. Ang bango bango ng card, may hugis puso pa, hindi iyon love letter? Eh ano 'yon? Mga bata nga naman.
       
       
"But I'm not sorry for what I said that day. Totoo namang pangit ang Fernandez na iyon."
      
         
Pangit na nga masama pa ang ugali.
       
       
"Hindi ko naman 'yon gusto, kaya lang masyadong mabait. Niligawan ko na lang si Mira para gets niya na, na ayaw ko sa kaniya." tumawa pa ang tangina
      
      
Hinagis ko sa kaniya ang bola. Nagulat ang mga kalaro ko. Nang makita nilang sinadya ko iyon ay tumawa sila saka lumapit sa mga Grade 8 at humingi ng sorry.
       
       
"Anong problema mo?!" sigaw niya
        
   
Huh! Tanginang batang 'to. Kung kasing edad ko lang 'to baka binugbog ko na.
      
     
Lumapit pa siya sa'kin. Hindi ko naman na sana papansinin kung hindi lang lumapit e.
       
       
"Anong problema mo? Ang layo layo, halatang sinadya mo!" sigaw ng puslit
      
     
"Kasalanan ng bola. Gusto ata sa'yo." pang aasar ko
      
        
Matangkad siya pero mas matangkad ako. Tinulak niya ako. Natawa ako, napakalampa. Kinwelyuhan ko siya. Wala naman akong planong saktan siya dahil grade eight nga.
     
      
"Tama na 'yan Kiel." sila Lorcan, hindi ko sila pinansin.  
      
      
Tatakutin ko lang naman.
        
       
Nakaka bwisit lang nang sumigaw ang kapatid ni Markus. Akala mo ay sasaktan ko ang pinaka mamahal niya! Tangina talaga.
     
    
"Arkiel!" sabay hila niya kay Fernandez
       
      
"What do you think you're doing Arkiel? Hobby mo na ba ang mang away ng tao?"
      
       
What the fuck? Kailan ko pa naging hobby iyan? Nakita niya ba akong nakikipag away sa kung sino?
     
        
"Seriously, Elissa? Sa'kin ka pa galit?" sinamaan ko siya ng tingin
      
      
"Kanino ba dapat? Sa'yo naman talaga! You keep on fighting those who are not capable of fighting back!"
     
      
Huh! I keep on... I keep on, what? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ganito niya kagusto ang lalaking 'to para magalit siya nang ganiyan?
      
      
"Pinagtatanggol mo pa ang lampang yan pagkatapos ng ginagawa niya sa'yo? You know what, I can't understand you anymore."
      
      
Talagang hindi ko siya maintindihan. Hindi muna magtatanong kung bakit ko ginanon ang Fernandez na iyon? Napakagaling mag conclude na inaaway ko nang walang dahilan?
     
     
And the fuck, kailan pa ako nang away ng mga hindi kayang lumaban? Kanina lang naman! Hindi ko naman sasaktan ang lalaki niya kung 'yon ang iniisip niya!
       
      
Kung Kuya niya 'yon wala rin naman siyang sasabihin. Ako lang talaga ang problema niya.
     
     
Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin. Nang tumunog pa ulit ay inis ko nang kinuha.
    
       
Elissa:
      
      
Arkiel, good evening. Gusto ko lang mag sorry sa nasabi ko sa'yo nakaraang araw.
     
      
Elissa:
      
     
This is Elissa. Hiningi ko kay Kuya Markus ang number mo, I hope you won't mind.
      
      
Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko ay galit na galit na naman siya. Nagpakilala pa talaga e dati na ang numero niya rito. Tinitigan kong mabuti ang text message. Siya ba talaga 'to?
      
      
Tangina baka pina prank ako ni Markus? Baka pinapaasa ako.
     
      
Isang bagong text message ang pumasok galing sa kaniya.
     
     
Elissa:
      
      
It's okay if you can't forgive me, It's my fault anyway.
      
       
Kumunot ang noo ko. Wala naman siyang kasalanan. I get that her reason is valid, her anger is valid. Siyempre gusto niya nga naman ang lalaking iyon. 
       
       
I texted her that it's fine and I forgive her. Hindi ko alam, pagkatapos n'on ay umayos ang pakikitungo niya. Umayos rin kaming dalawa. Hindi na ako madalas mairita sa kaniya.
     
     
Nagkasundo rin kaming hindi na siya mag kaka crush. Mas okay 'yon para hindi umiinit ang ulo ko.
     
      
"Ang swerte mo na naman Arkiel at nakapa-picture ka sa kapatid ko."
    
       
Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Markus. Hihingiin ko mamaya ang picture namin na 'yon. For remembrance, normal lang iyon. Okay naman na kami.
    
     
"Ikaw Elissa 'pag may nag pa-picture sa'yo tumanggi ka ah! Gagong Limuel 'yon gusto pang kunin ang number mo kanina! Huh! Sa'kin pa hiningi?"
    
     
Nakuha ni Markus ang atensiyon ko.
    
     
"Si Cervantes?" tumango siya, busy sa camera
    
     
Nag iinit na naman ang ulo ko.
    
     
"Binigay mo?"
    
     
"Ang alin, Arkiel?" tanong ni Markus
      
      
Bakit parang wala lang sa kaniya? Bakit hindi siya nagagalit? Hindi niya ba nararamdaman ang galit na nararamdaman ko ngayon? Tang ina.
    
     
"Ang hinihingi ni Cervantes, binigay mo ba?" I tried to be patient, siguro naman ay hindi niya binigay
    
     
"Ah, ang number ni Elissa? Of course not, ang swerte naman ng gagong 'yon."
    
     
I feel relieved. Tumango ako.
    
     
"Nagtanong lang siya Kuya, kung saan ka."
    
    
Um-okay na ang pakiramdam ko pero nagsalita pa si Elissa. Napatingin ako sa kaniya.
    
     
"Kinausap ka?" sumama na naman ang timpla ko
    
     
Tumango siya. Tiningnan ko agad si Markus. Ano, hindi ba siya magagalit? Okay lang sa kaniya na kinausap ng Cervantes na iyon ang kapatid niya? Babaero ang lalaking iyon for goodness sake!
      
    
Naiirita na ako kay Markus pero pinigilan ko. How can he be so calm at this moment.
    
     
"Iwasan mo ang lalaking iyon, Elissa. That guy is a jerk." bilin ni Markus
    
     
Somehow, I calmed down. Susundin naman siguro niya ang Kuya niya 'di ba? Ako na lang ang bahala kapag hindi sumunod.
    
    
My relationship with Markus' sister got better. Hindi na kami madalas mag away, hindi na rin siya madalas magalit sa'kin. And somehow I feel contented. Okay na ako sa gan'on. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tuwing malapit siya ay kinakabahan ako.
       
       
Kapag hindi niya ako kinakausap ay naiinis ako. Kapag mabait siya sa iba ay naiirita ako. Lalo na kapag nag kaka crush siya sa mga kaklase niya.
      
      
Naiinip ako, nasa kuwarto ko siya ngayon. I told her to text me if she needs anything. Kanina pa ako nag t-text at hindi naman niya ako nirereplyan.
       
      
"Your turn, Arkiel." kinuha ko ang baso saka ininom iyon
      
      
Nagpaalam ako saglit sa kanila, I wanted to check on her. She said she'll be bored, nan'dito naman ako para hindi siya ma bored. I can talk to her, but she refused that idea.
     
      
I wanted to talk to her. Mas gusto ko pa siyang kausap kaysa sa mga kaibigan ko.
    
     
"I'm sorry, h-hindi ko napansin, Arkiel!" she looks nervous, I wanted to smile pero pinigilan ko.
     
       
"Really?" tiningnan ko ang cellphone na nasa tabi lang niya
     
      
Katabi niya lang ang cellphone niya pero hindi niya nababasa ang text ko? She obviously ignored it.
    
    
"Uh sorry..." aniya, iyon lang at okay na ako.
      
      
I thought something bad happen. Kung okay naman siya ay mag r-reply naman siya. Noong una kasi ay nakakapag reply pa, nong huli ay wala na.
    
     
Umupo ako sa sofa na nasa kuwarto ko. I don't know, hindi ko gusto sa baba. Mas gusto kong samahan na lang siya. Hindi ba boring manuod mag isa? I can accompany her. Mag isa lang siya dito.
     
     
"Bakit ka nan'dito? Tapos na ba ang celebration niyo?" she said
       
      
I looked at her, is this still normal? Tang ina Arkiel.
    
     
"B-bumaba ka na roon kung hindi pa."
      
      
Inisip ko kung ganito rin ba ako sa iba? Binalikan ko lahat ng kaibigan kong babae. Hindi naman ako ganito, tangina. Gusto ko ba siya?
     
    
Magkakagusto na nga lang ako sa batang kapatid pa ni Markus? Fuck, fuck it. Imposible. Hindi naman siguro?
      
     
"Mag r-reply na ako, Arkiel." I feel satisfied
    
      
Kailangan ko pang mag isip. This is not a good idea. What made me feel like this? Baka hindi naman talaga?
     
     
"You should go back, baka inaantay ka na ng girlfriend mo." kumunot agad ang noo ko
    
     
What is she talking about?
      
       
"Girlfriend?" tumango siya
      
      
I looked at her. What is that expression, Elissa? She looked hurt.
     
      
I don't want to assume but she's obviously jealous, at hindi ko alam bakit tuwang tuwa pa ang kaloob looban ko. Fuck, that's it. I've confirmed I like her. Tang ina.
       
      
"Venice, she's your girlfriend right?"
    
     
"Wala akong girlfriend, Elissa."
    
     
I assured her. Venice is my classmate and just a friend. Close kaming lahat at iyon lang 'yon.
     
    
"Venice isn't your girlfriend?" I looked at her
     
      
Baka saglit lang 'to? Panandaliang pagkagusto lang? Sadyang nagugustuhan ko lang ang nagseselos niyang mukha?
     
     
"Okay, okay! Pero gusto mo siya? Don't fool me Arkiel, you're happy with her!"
     
    
Fuck that idea. Happy with her? Kaya pala mas gusto kong dito kaysa sa baba. Kaya pala mas gusto kong kausap ka kaysa sa kanila. Who am I fooling? This isn't even normal. Bahala na.
      
       
"Iba ang gusto ko, Elissa."
      
      
I can't like her now. Hindi pwede, bata pa siya at kailangan niyang mag aral. This feelings isn't even important. I can't shake her world, hindi pwede.
     
      
I'm mad at myself, bakit ko siya nagustuhan? Napakabata niya pa! Nagagalit ako tuwing may lalaking lumalapit sa kaniya dahil istorbo lang iyon sa pag aaral niya, pero ako? Anong kaibahan ko sa kanila?
      
       
My feelings for her worsened over time. Lalo na nang sinama nila ako ni Markus sa bakasyon nila. Akala ko normal na gusto lang, baka crush lang, akala ko maliit lang na bagay. Pero tangina hindi, e. Lalo ko lang siyang nagustuhan.
      
    
Pakiramdam ko kahit anong gusto niya gagawin ko. Kahit anong ipagawa niya, susundin ko. Pakiramdam ko luluhod ako. Tangina.
     
     
Minsan gusto ko ng sabihin kay Markus na gustong gusto ko ang kapatid niya, pero pinipigilan ko ang sarili. Guilty siguro ako na iniwan siya sa'kin ni Markus para bantayan ko tapos ako pala itong may gusto sa kaniya.
       
      
I am frustrated. Hindi ko na alam. I decided to focus more on my study. Minsan ay nagkikita kami madalas ay hindi. It's fine though. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang guluhin. I set aside my feelings, I want her to study first.
      
      
Saka na lang.
     
     
It was her eighteenth birthday. I was so excited to see her. I missed her at gustong gusto ko na siyang makita. Wala atang araw na hindi ko siya gustong makita, pinipigilan ko lang talaga ang sarili, hangga't maari.
      
      
But Venice got into accident, hindi ko alam kung bakit ako ang tinawagan ng mga pulis, wala akong magawa. Ako ang nilagay niya sa emergency contact niya. Gusto kong mainis pero nakonsensiya agad ako. Venice is my friend.
     
     
Mabilis lang naman siguro 'to? Makakahabol naman ako.
      
       
Or that's what I thought. In-interview pa si Venice ng mga pulis at kailangan pa talagang naroon ako. Hindi na ako mapakali, I promised Elissa I'm going. Napatingin ako sa relo, wala na. Siguradong tapos na iyon. Madaling araw na. Hindi ko man lang siya tinext! Tangina talaga.
    
    
I'm sorry, I'm so sorry baby.
   
      
I didn't know what to do. Nagpaalam agad ako kay Venice na aalis lang ako saglit. I wanted to see her. Gusto kong mag sorry, gusto kong yakapin siya. Umasa siyang pupunta ako. Hindi ko tinupad.
        
       
May iilan pa akong bisita na naabutan sa kanila pero tulog na raw siya. Gusto kong sabihin na gisingin na lang at ipaalam na na'ndito ako pero hindi ko na ginawa. Babawi na lang ako bukas. I know she's tired, ayaw ko na siyang gisingin.
    
   
I know I screwed up. Naabutan niya pa kaming magkayakap ni Venice. It was normal, for both Venice and I. Her family doesn't care about her at all. Nakabalik na ako ngayong umaga, hindi man lang siya binisita. She has a broken family, parehong may iba ng pamilya ang Mommy at Daddy niya. It's my first time hearing it so I comforted her, naabutan kami ni Elissa. She looks hurt. Gustong gusto ko na siyang yakapin.
     
    
Gusto kong linawin sa kaniya lahat, I wanted to say sorry. Hindi ako maka tiyempo dahil nariyan si Markus. I wanted to talk to her alone. I know her mind's full of negative thoughts right now, gusto kong klaruhin iyon.
     
    
"I'm sorry, I know I promised but something really important came up—"
    
      
Ni hindi niya ako pinatapos. She's really mad this time.
     
     
"Ayos lang, Arkiel. I have no right to get mad that's why I am not. You don't need to say sorry too. I already know I wasn't that important, and it's okay. Birthday lang naman iyon, nothing special. And if you're guilty because of your promise, just forget about it."
      
      
Fuck. You're more important to me. Walang iba. Mas importante ka sa kahit na sino. Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko nagawa.
     
    
I thought I still have a chance. Pinipigilan ko lang. Gusto ko mag aral muna siya.
    
    
Makakapag antay naman ako e, kahit gaano katagal. I don't want to meddle with her studies. Ayaw ko ng ganoon, distraction lang ako sa kaniya. Mag aantay na lang ako.
     
      
Hindi ko alam na huling usap na pala namin 'yon. I found out from my mother that she already moved in Manila with Markus. I called her many times, her phone was off. Or maybe she changed her number.
     
     
Hiningi ko ang bagong numero niya kay Markus. Binigay naman niya pero binalaan niya akong ayaw akong makausap nito. Gusto ko siyang tawagan pero wala, hindi ko rin ginawa. Paano kung nag aaral siya?
     
     
Isn't this okay? Ganito na lang talaga siguro dapat. She needs to study, istorbo lang ako sa kaniya.
    
    
Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan pero lahat 'yon pinigilan ko.
   
     
Kating kati na ako makita siya pero pinigilan ko. Kaya kong mag antay.
    
     
I focused on my study too, lalo na't mahirap ang kurso ko. I drowned myself on studying para lang hindi ko siya maisip.
     
     
Paano kung nagka boyfriend siya? Paano kung may nanliligaw sa kaniya? Paano kung magkagusto na siya sa iba?
    
    
It's not impossible right? She's pretty. Malamang pila pila ang manliligaw noon. Baka nakailang boyfriend na iyon.
     
    
"Fuck!" mura ko nang hindi makuha kuha ang isang problem na sinasagutan.
     
   
She's not even active on all of her social media account kaya wala rin akong update sa kaniya.
    
     
Nag abroad ako ng isang taon. Kailangan iyon. Hindi ko gusto. Nang matapos ay saka ko lang napagdesisyunan na makita siya. I at least wanted to check on her, limang taon na. Naka uwi na si Markus pero siya hindi pa rin.
    
      
I was willing to wait, before. Pero ngayon hindi na. May pamilya na ba siya? Malalaman ko naman siguro kung oo 'di ba? Wala naman. Markus didn't say anything, kaya wala naman siguro.
    
    
Maraming taon ang nasayang. I don't know if it's the right term, but I don't regret anything. Ayos lang na hindi ko siya nakausap ng ilang taon, she's successful right now. Tama lang iyon.
     
      
Kung umamin ako sa kaniya noon, baka gumulo lang ang isip niya.
     
     
Ayos lang, kaya ko namang mag antay. Kahit ilang taon.
    
    
Ni hindi ko naisip na mababaliw ako sa isang babae lang, at lalong hindi ko naisip na sa nakababatang kapatid pa iyon ni Markus. I'm so fucked up.
     
     
"Arkiel nahihiya na ako." mabilis ko siyang dinaluhan
    
    
"Labas tayo?" tanong ko
      
      
Tumango naman siya. Nagpaalam ako sa mga dating kaibigan. Nilingon ko si Markus, wala naman itong reaksiyon. His sister is already twenty four, hindi na niya ito mapag bawalan. Ngumisi ako sa kaniya.
   
    
Lumabas kami ni Elissa sa garden. Having her beside me right now seems impossible, but she's here. Gusto niya rin pala ako, mahal niya rin pala ako.
    
     
"Dapat hindi mo na muna sinabi. Nakakahiya sa kanila."
     
    
I smiled, pulang pula siya ngayon. Hindi siya nagbago sa loob ng anim na taon. She's still the sweetest, kind and my pretty Elissa. Mabilis mamula ang kaniyang mukha sa tuwing nahihiya.
     
      
"That's alright. Para alam nilang akin ka."
    
    
She smiled with what I said. Dumiretso kami sa  sasakyan ko. Sa backseat kami umupo. Nang makapasok ay dumikit agad siya sa'kin.
     
      
"Mag sleep over na kasi tayo sa bahay mo. Promise it's fine, Arkiel." there she goes again
     
     
Hindi niya ata napapansin na sobra na ang pigil ko sa tuwing inaaya niya akong matulog doon. I'm no saint, hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapigil kaya hangga't maaari ay hindi pwedeng gan'on lagi. Na nasa kuwarto kaming dalawa.
     
    
She's too pretty to resist. Just imagine kung gaano ako ako nagpipigil sa tuwing naghahalikan kami.
      
     
"Hindi na, hahanapin ka ng parents mo." I hugged her
     
     
"Magpapaalam tayo." desidido niyang sabi, I sighed.
   
    
Ayaw kong tinatanggihan siya, but this is for the both of us, for her own good. I wanted to marry her first.
    
    
"Next time, baby."
     
      
"Sige na, Arkiel. Gusto ko rin naman doon."
    
     
Gusto ko rin naman, but still no. Kapag pumayag ang parents niya na sa kaniya ako titira sa Manila saka pa lang pwede. Kaya ko naman siguro mag pigil ng mga ilang buwan?
     
      
"Gabi na rin, Elissa. I know you're tired. Dito ka na matulog." she hugged me back
     
     
"Dito ka na lang din." I chuckled
     
     
"Aantayin kitang makatulog bago ako umuwi." umangat ang tingin niya sa'kin
     
     
Tumango siya, naptitig ako sa labi niya. Those lips were addicting, I can't even resist, it will be the death of me. Tinikman ko iyon, marahan ko siyang hinalikan. We shouldn't be doing it here pero hindi ko na napigilan.
      
      
Ni hindi ko inasahan na balang araw gugustuhin niya rin ako, that someday she'll ask for my kisses, she'll say her I love you's, she'll say she misses me.
     
      
Fuck, to be missed by her is already a big deal.
    
    
I wanted to take it slow but her lips tastes so good. I softly bit her lower lip, her lips parted, I slided my tongue and found hers. I kissed her more.
     
     
"Arkiel..." she called me between our kisses
      
     
Even my name sounds so good if it's from her. Bumaba ang halik ko sa leeg niya. I kissed her there, I know I should stop. Titigil ako mamaya kapag sobra na.
     
     
I licked her neck, hindi ko na napigilan. Sunod ay bumalik ang halik ko sa mga labi niya.
      
      
Nagtagal kaming ganoon. Hinihingal siya nang tumigil kami. Napangiti ako. Hinalikan ko siya ulit pero dampi lang iyon, I just wanted to calm her. She looks tired. Hinaplos ko ang pisngi niya.
    
    
"I love you, Arkiel." bulong niya
      
      
Her I love you's are always music to my ears. Dinampian ko ulit ang labi niya.
     
     
"Mahal na mahal kita." I whispered.
      
      
We started kissing again, not minding that it's getting late.
       
      
This is more than what I prayed for. Hindi ako nagsisimba pero napadasal ako noong nag college siya na sana hindi siya makahanap ng boyfriend, that she'll study first and will not entertain boys, at sana ako na lang.
     
      
Maybe it's effective, huh?
    
      

    
    
     

    
      

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon