Chapter 32

78 9 3
                                    


Hindi ako nagtagal sa mall at umuwi rin agad dahil magluluto pa ako. Sinabi rin ng guard na umuwi si Manang Fe sa kanila't hindi na nakapag paalam sa akin dahil nga natutulog ako kanina. Pagkauwi ay tinulungan ako ng mga katulong namin na ipasok ang mga pinamili. Alas cinco nang maghanda ako ng lulutuin.

Abala ako sa paghiwa ng sibuyas at bawang nang mag ring ang cellphone ko, nang makitang si Mommy iyon ay agad kong sinagot.

"Hello, Mom?" In-on ko ang loud speaker saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Hija, your father told me magluluto ka raw?"

Natawa ako ng mahina, "Yes po, Mommy. Uwi po kayo ng maaga."

"Can I invite your Tita Mariela? She misses you too."

Napahinto ako sa paghiwa, "Okay l-lang naman po, Mommy."

Kung pupunta si Tita Mariela ibig sabihin ay sasama si Arkiel? Maybe not? Kung may pamilya na ito siguro naman ay matagal ng bumukod? Tama.

"That's settled then. Uwi kami around 8 pm."

"Okay Mommy, ingat po."

"Alright. I'll hang up."

Nang ma end ni Mommy ang call ay kusang nag off ang phone ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa para matapos na. Hindi naman naging mahirap sa'kin ang magluto ng marami dahil tinutulungan naman ako ng mga kasambahay namin sa pagluto.

Dalawa at kalahating oras ang itinagal ng pagluluto ko at nakakapagod iyon. Tinikman ko ang huling dish saka tinakpan nang malasahang masarap na.

"Ate, itabi lang po muna. Tas pahain na lang po ako before eight pm. May bisita po pala sila Mommy."

"Sige po, Ma'am. Kami na po bahala, magpahinga na po kayo." Ngumiti ako at tumango.

Tinanggal ko ang apron na suot saka lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Ayaw ko sana dahil nababad ako sa init ngunit kailangan ko ring maligo talaga dahil nangangamoy pawis na ako.

Matapos maligo ay naghanap ako ng dress sa closet ko. Napangiti ako nang makita ang mga lumang dress doon, nahagip din ng aking tingin ng brown cap na maayos na nakalagay doon. Iyon 'yong binigay sa akin ni Arkiel.

Ipinilig ko ang ulo saka kinuha ang kulay pink kong puffed sleeve dress, lampas tuhod ang haba n'on at square line ang collar. Nagsuot lang din ako ng puting flat sandals. Matapos ayusin ang aking buhok ay kinuha ko na ang cellphone sak lumabas ng aking kuwarto.

Dumiretso ako sa living room, wala pa sila Mommy kahit eight twenty na. Baka busy pa. Hinanap ko ang remote ng TV saka binuksan iyon, naghanap ako ng magandang movie sa Netflix saka inabala ang sarili sa panunuod.

Eight thirty nang makarating sila Mommy, narinig ko kasi ang maingay na tawanan papasok sa loob ng living room. In-off ko ang TV saka nilingon sila.

"Elissa!" Mommy exclaimed, I smiled and hugged her.

"I miss you, Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Tumangkad ka lalo." Ngumiti ako saka nilingon ang kasama niyang si Tita Mariela na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Tita, I miss you rin po." Lumapit ako saka niyakap siya.

"Aww, I missed you too hija. Dalagang dalaga ka na. The last time I saw you, were five years ago pa ata." Ngumiti ako saka humiwalay sa kaniya. Umupo kaming lahat sa sofa. Si Mommy at Daddy ay magkatabi samantalang ako ay tinabihan si Tita Mariela. I wonder where's Tito Lukas?

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon