Chapter 16

37 7 0
                                    




"Ipapahatid kita, Angel." Mabilis siyang umiling, declining my offer.


"Hindi na. Tumawag na ako sa driver namin at siguro ay nasa labas na iyon."


"Ihahatid kita sa labas, kung ganoon." Umiling siya ulit.


"I know you're tired, sasabay ako sa ibang kaklase plabas. Don't worry about me, Elissa. You should rest." Tumango ako, niyakap siya.


"Salamat sa pagpunta, Angel."


"You're welcome, happy birthday ulit." I waved goodbye, ganoon din siya.


I am so tired! Pero hindi ako makapag reklamo dahil marami akong bisita. Hangga't maaari gusto kong magpasalamat bago sila umalis, and after that I can rest. Hindi ko nga alam kung maayos pa ba ang ngiti ko sa bawat bisitang nagpapaalam. Si Venice at ang ilang babaeng kaibigan ay kanina pa nagpaalam, hindi na ako nagtanong kung bakit hindi sila magtatagal dahil alam kong busy sila. Samantalang ang iba ay naiwan pa para uminom, naroon si Kuya at Arkiel.


Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Arkiel sa akin kanina pero hindi na ako nagtanong o nakiusap na ipa intindi niya. Hindi naman ata iyon big deal. Baka ang gusto niyang iparating ay wala naman siyang inaantay roon.


"Mommy, I'm so tired." Hindi ko na kaya. May iilan pang bisita sila Mommy, but I'm already tired.


"You should rest hija, sasabihin ko sa Daddy mo. He's drinking with his friends. Sige na, magsabi ka roon kay Kuya na matutulog ka na at magpapahinga." Tumango ako.


"Good night, Mom." Humalik ako sa kaniyang pisngi saka pumanhik patungo kay Kuya Markus. Mabuti ay napansin niya agad ako. Siya na ang umalis roon sa mga kaibigang sa tingin ko ay lasing na. Not Arkiel though, mukhang hindi lasing.


Lumayo kami ng konti sa mga kaibigan niya.


"Bakit Eli?" Salubong niya


"I'm tired Kuya. Mauuna na ako, kailan ba ang balik mo sa Manila? I want to spend more time with you."


"Bukas ng hapon, Elissa. Hindi ako pwede magtagal dito." Tumango ako.


"Okay, you have to help me open my gifts first." Tumango siya, ngumiti ako.


"Hindi na kita aantayin. You should rest too, Kuya. Kagagaling mo lang sa biyahe."


"Yes, hindi ako umiinom ng marami. Matulog ka na, we'll bond tomorrow. Good night." Humalik siya sa aking pisngi.


Nagpaalam na ako, bumalik siya sa mga kaibigan. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil busy sila at mga lasing na. Nagpaalam din ako sa mga nakakasalubong na kilala hanggang sa makalabas ako ng garden. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa aking silid.


Kahit pagod ay sinikap kong makapag half bath pa at mag ayos ng sarili. Nang matapos 'yon ay mabilis lang akong nakatulog.


It's sunday morning, naabutan ko na sa baba si Kuya Markus na nagkakape sa breakfast nook. It's so good waking up and he's here! Seems like the old times.


"Good morning Kuya."


"Morning." Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng breakfast. Nasabi na ni Mommy na wala sila kinabukasan, sa kompanya dahil busy na naman as usual.


Nag timpla lang ako ng gatas at kumuha ng brownies. Sunod ay pumunta ako roon sa pwesto ni Kuya. Sa breakfast nook ay tanaw ang garden namin. Napakaganda roon dahil si Mommy ang nag m-maintain ng ganda noon. Mahilig siya sa bulaklak, pero dahil busy ay kumuha na lang siya ng mag aalaga, at naging maayos naman.


"We'll open your gifts later." Tumango ako. Uuwi siya agad mamayang hapon and morning is our only time to spend.


"15 ka na Elissa, I can't promise na makakauwi ako tuwing birthday mo. Buti ay nagawaan ko ng paraan ngayon." Sumimsim siya sa kape.


"Ayos lang, Kuya. Maiintindihan ko naman."


"Pero ayaw kong nag ta-tampo ka. At gusto ko rin sana, every birth day of yours ay naroon ako. You're growing so fast. Sa susunod ay 16 ka na, hindi magtatagal 18 ka na."


"Matagal pa iyon, Kuya." Uminom ako ng gatas. Tumawa ako dahil ang bilis niyang mag isip!


"I know...mabilis lang ang panahon, Eli. Kaya sana habang wala ako 'wag ka munang mag boyfriend."


"Kuya, hindi ako mag b-boyfriend."


"Hindi ka rin magkaka gusto?" Natahimik ako roon. Kanino naman?


"Wala pa akong nagugustuhan, Kuya."


"Mabuti, you're a treasure to me, lalo na kina Dad. I don't want you to get hurt at such a young age. At isa pa, sa amin muna ang pagmamahal mo. Give us those years, Elissa." Ngumiti ako.


"Kuya, mahal ko kayo. At hindi pa ako mag b-boyfriend." Tumango siya.


"I know you're a good girl, but I don't trust any men near you."


"E bakit mo ako pinapabantayan kay Arkiel, kung ganoon?" Uminom ako ng gatas. Inaantay ang sagot niya.


Gusto kong patigilin niya na si Arkiel sa pagbabantay sa akin, though hindi naman talaga niya ako binabantayan. Pero lagi siyang tinutukso ng mga kaibigan na pumalit kay Kuya Markus. And I don't like that idea, abala lang ako sa kaniya. Gusto kong wala ng iiwan na bilin si Kuya sa kaniya. He will just feel that he has a responsibility, when there is not.


"Hindi ka naman magugustuhan ni Arkiel, Eli." Nagulat ako roon


Hindi inaasahan ang sagot ni Kuya. Hindi ko naman inisip na magugustuhan ako ni Arkiel. Hindi ko nga iniisip but I am offended. Hindi niya ako magugustuhan? At bakit ako na offend sa sinabi ni Kuya Markus? Tama lang naman iyon!


"Bata ka pa, at kapatid ang turing niya sa'yo. Besides, he's not attracted to girls with your age. Fifteen ka pa lang, mag t-twenty na iyon." Tumango ako.


"Pero Kuya, ayaw ko nga na naaabala siya. Kaya 'wag mo na siya utusan na bantayan ako. I can handle myself."


"Hindi ka abala sa kaniya, Elissa."


"Hindi ka ba nag titiwala sa akin na hindi ako mag b-boyfriend?"


"I trust you. I don't trust boys." Bumuntong hininga ako at sumuko na lang.


Tulad ng plano ay tinulungan nga ako ni Kuya Markus magbukas ng gift. Napakarami n'on kaya hindi pa rin kami tapos kahit malapit na mag tanghali.


"Bakit ganito ang regalo nito sa'yo?" Nagtatakang bulong ni Kuya.


"Sino 'yan?"


"Si Sarmiento." Tumango ako


"Anong gift niya?"


"Bracelet..."


"Bracelet lang naman e."


"U-huh...with infinity pendant. Ang gagong 'yon!" Tumawa siya.


"Kuya, hayaan mo na. Pendant lang 'yan."


"Okay, fine. Iwasan mo 'yon. Marami 'yong babae." Tumango ako.


Nagpatuloy ang pagbubukas namin ng gift.


"Hmm...kay Arkiel ang isang 'to." Hinayaan ko siyang buksan 'yon dahil abala ako sa ibang gift.


"He got you a necklace." Inabot iyon ni Kuya. Tumango ako at itinabi iyon.


"Look." Si Kuya. Pinapakita ang box na malaki na may nakalagay na galing kina Mommy at Daddy.


"Baka barbie house ito!" Tumawa siya. Ngumuso ako.


"Kuya, buksan mo na." Tumango siya at sinira ang magandang pagkakabalot.


"Is that...me?" Tumawa si Kuya. At iniharap ng maayos sa akin ang painting.


"Of course it's you, Elissa." I traced the painting with my fingers. Napakaganda!


"I love it. I'll thank Mom and Dad later."


"Okay, itatabi ko na." Tumango ako.


Tanghali na nang matapos kami ni Kuya sa pagbubukas ng regalo. Marami akong natanggap at sobrang nagpasalamat ako sa kanila. Samantala, iniwan ko ang regalo ni Angel sa kuwarto. Nabuksan ko na iyon kaninang umaga, wallet from a known brand. Magpapasalamat ako sa kaniya bukas sa school.


"Mag ingat ka Kuya." Hindi tulad noong unang alis niya ay wala sila Mommy rito para ihatid siya sa airport. Ako lang at si Manong Ramon. They were probably busy.


"Ikaw din, 'wag mong kakalimutan ang mga bilin ko." Tumango ako at niyakap na siya.


"Yes, Kuya." He kissed my forehead before leaving. Kumaway ako. Hindi na kami nagtagal doon ni Manong Ramon, dahil wala naman na akong gagawin. Diretso ang uwi ko sa bahay.


Weeks already passed at ganoon lang lagi. Papasok sa school at uuwi. Kung minsan ay naabutan ko sila Mommy at Daddy sa bahay, madalas ay hindi. I understand, they're very busy these past few days. Ayokong mag reklamo na wala na akong nakakasama sa bahay, becuase I know they're tired of working.


Hindi ko na iniwasan si Arkiel. Kapag nagkikita kami sa school ay ngumingiti naman ako at bumabati. He's busy pero pinapansin naman niya ako. Hindi tulad ng sinabi ni Kuya, hindi naman ako binabantayan ni Arkiel. And I'm happy, busy siya kaya dapat ganoon lang. At isa pa, I'm not one of his reponsibilities.


Malapit ng matapos ang school year at intramurals na. Hindi ako sporty kaya wala naman akong sinasalihan. Si Angel naman ay sumali sa cheer leading. I didn't mind, madalas siyang may practice. Kung minsan ay inaantay ko siya, minsan naman ay hindi. Lalo na kung naroon na nag aanatay sa akin si Manong.


"May practice ulit ako mamaya. Bukas na kasi ang performance namin dahil bukas na rin ang basketball. Kalaban kabilang school." Tumango ako.


"Manunuod ako ng practice niyo kapag wala pa si Manong." Tumango siya at uminom ng tubig.


She's been drinking water lately. Lunch namin ngayon at tubig lang ang kaniya.


"Manuod ka ng basketball bukas. Siyempre kahit wala ang Kuya mo roon, ako naman ang panuorin mo!" Tumawa siya. Ngumiti ako at tumango.


"Doon ka umupo malapit sa bench nina Arkiel. Para kapag tapos ng performance namin ay madali kita mahanap."


"Okay, kakausapin ko si Arkiel kung pwede iyon." Tumango siya.


Hapon at pauwi na ako, hindi ko na naantay si Angel dahil maaga akong sinundo ni Manong Ramon. Paguwi sa bahay ay wala sila Mommy, sumabay akong kumain sa mga katulong, pagkatapos ay umakyat na sa kwarto.


Hindi kami nagkita sa school ni Arkiel at hindi ko siya nasabihan na kung pwede ay umupo ako malapit roon sa kanila. I te-text ko na lang, I suddenly remember I have his number.


[Good evening, Arkiel.]


Kung mag re-reply siya ay saka ko sasabihin. Alam kong mabilis siyang mag reply pero dahil alam kong busy siya ay hindi ko na inasahan. Nagulat pa ako nang mag reply nga agad ito.


Arkiel:


Good evening, bakit?


Paano kung wala akong kailangan sa kaniya at nag good evening lang? Bakit agad? Kumunot ang noo ko at ipinilig ang ulo. Well, may kailangan naman ako.


[Manunuod ako ng game bukas, pwede ba ako roon sa malapit sa inyo. Hindi ako pwede umupo sa mga bleacher kasi hahanapin ako ni Angel. Ayos lang kung banda roon sa inyo?]


Gusto kong idagdag na sa tulad ng dati kong inuupuan. Wala na kasi si Kuya Markus kaya wala nang magdadala sa'kin roon sa malapit sa upuan ng team nila.


Arkiel:


Sumabay ka na lang sa'kin sa gym bukas.


Nag reply ako ng okay.


Arkiel:


Alright, Good night.


Nag good night na lang din ako at natulog na.


Kinabukasan ay sumama nga ako kay Arkiel. Alas dose iyon ng hapon, si Angel ay pinuntahan ko kanina sa locker room, busy siya mag make up kaya nag usap lang din kami saglit.


"Dito ka umupo." Tumango ako sa sinabi ni Arkiel, umupo nga ako roon sa isa pang bench sa likod ng bench ng mga players.


Si Venice ay ang cheer leader, balita ko kay Angel ay hindi raw nakapag practice iyong leader nila, dahil busy kaya ito ang pumalit. Naroon na rin sila sa gilid ng court. Ala una at magsisimula na sila. Angel is cute with their uniform, but Venice is so sexy with it.


Nag uusap ang players kasama ang coach nilang si Sir Miguel, teacher ko iyon sa PE. Nasa kabilang gitna ng court ang kabilang school. Mga college rin iyon, hindi ako sure kung lahat ba sila. Nakaraan pa nagsimula ang laro ng para sa school, obviously nanalo ang team ni Arkiel. Bukod sa magagaling sila, may kasama rin silang third year.


Sa bench na inuupuan ay ako lang isa, pero ayos lang dahil pupunta naman si Angel dito mamaya.


"Ilalagay ko lang ito, you don't have to open this for me kagaya ng ginawa mo dati." Tumango ako nang ilagay niya sa tabi ko ang puting towel at tumbler. Hindi ko gagalawin iyon tulad ng gusto niya.


Marami naman silang tubig sa gilid kaya hindi ko alam kung bakit nagdala pa siya. Umupo muna siya sa tabi ko, tapos na ata sila sa meeting. Hindi na rin makapag usap dahil nagstart na ang performance nila Angel. Halos limang minuto lang iyon pero natuwa naman ako, ang galing din ni Venice dahil ilang beses siyang tinapon si ere. Namangha ako ng sobra.


Pumalakpak ako ng matapos. Nag bow sila sa nanunuod saka umalis. Nakita kong may pinag usapan pa sila sa gilid at nag h-high five. Sunod na mag p-perforn ay iyong kbilang school naman.


Nilingon ko si Arkiel, tutungo rito si Angel mamaya at hindi pa siya umaalis. Mabuti na lang ay tinawag sila ni coach matapos mag perform ng kabilang school, and they were good too!


"Punta na ako roon." Tumango ako, hindi pa rin siya umaalis.


"Bakit?" Magsasalita sana siya pero hindi niya tinuloy, umiling lang.


"Okay galingan niyo! Good luck!" Ngumiti ako.


Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pag angat ng labi ni Arkiel para ngumiti. Ipinagsawalang bahala ko iyon at inantay si Angel na makalapit.






After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon