Chapter 28

54 8 0
                                    





Ngumiti lamang ako kay Arkiel, naglakad kaming pareho pagkatapos non hanggang sa marating namin ang kabilang gym. Umupo ako sa pinakamalapit na bleacher sa unahan. Dahil opening pa lang ay wala pang masyadong nanunuod.


Tulad ng sabpageant, hiwalay din ang junior high sa mga laro. Hindi tulad ng nakaraan na kabilang university ang kalaban, ngayon ay by grade level na lang. Nasa iisang team sina Arkiel, Samuel, Lorcan at tatlong pamilyar ngunit hindi ko kilala.


Ang nakaraang ka team ni Arkiel ay mga higher year ngunit ngayon ay nahiwalay na. Naunang nag perform ang cheer leaders para sa intermission ng opening. Pumalakpak ako para sa kanila nang matapos silang mag perform sa gitna ng court. Nang matapos ay may pinag usapan lang sila saglit at nakita ko na si Angel na papalapit sa akin. Kumaway agad ako.


"You're amazing, Angel!" Salubong ko sa kaniya. Nakita ko kasing may bago silang stunt na ginawa, at isa siya sa mga hinagis sa taas.


"Thanks, siyempre ako 'to." Natawa kami pareho sa sinabi niya. Umupo ito sa tabi ko.


"Anyways, why are you here?" Tinaasan ako nito ng kilay, napanguso ako.


"Ihahatid daw ako ni Arkiel, inaantay ko siya."


"At pumayag ka?" She exclaimed.


"He said it in front of my parents. Siyempre alam mo namang close siya kina Mommy kaya ayon pumayag. Wala na 'kong magagawa kasi may gagawin daw si Manong Ramon." Tumango tango siya.


"You know that your situation isn't that good, Elissa." Seryosong sabi niya.


"I know..."


"Then do you have plans? Hindi mabuting ganiyan palagi. Umaasa ka." I sighed. She's right, alam ko naman iyon.


"My plan is to keep it secret until it...fades." mahina kong sabi.


I'm not even sure if this feelings will fade. I'm just fooling myself.


"You're hurting yourself. Paano kapag nag ka girlfriend iyan? Paano ka?"


Kahit sinasabi pa lang naman iyon ni Angel pakiramdam ko ay sobrang sakit na. I can't imagine Arkiel being sweet with other girls, worst is him having a girlfriend. Hindi ko kaya...


But what can I do? I'm no one. I have no place in his heart.


"I'll support them, Angel."


I smiled bitterly, I know that's a lie. I wanted to do that but I know I can't.


"That's ridiculous. At kung totoo ang sinasabi mong pinapaasa k niya at may iba siyang gusto, then he's a jerk Elissa." Umiling ako.


Arkiel isn't a jerk. Noon man na madalas kami mag away, laging sa huli ang dahilan ay gusto niya lang akong protektahan dahil kapatid na ang turing niya sa akin.


"He only thinks of me as his little sister, Angel..." Tinitigan ako ni Angel. Hindi siya kumbinsido ngunit tumango pa rin ito at ngumiti ng mapait.


"Sana nga, Elissa."


Dahil opening nga lang iyon ay isa at kalahating oras lang ang tinagal. Inayos ko ang gamit at sabay na kaming tumayo ni Angel. Nakita kong papalapit na sa amin si Arkiel.


"May meeting lang kami saglit, pwede bamg antayin mo 'ko? Sabay na tayo lumabas." Tanong ni Angel


"Ayos lang." Ngumiti ito sa akin, inantay namin si Arkiel na makalapit. Nang nasa harap na namin ito ay nagpaalam ako.


"Pwede bang antayin natin si Angel? Meeting lang saglit, Arkiel." Mabilis siyang tumango.


"Great, uh. Mauna na ako roon tinatawag na ako." Tumango ako kay Angel. Ngumiti ito at kumaway saka tinakbo ang distansya nila ng mga ka team niya.


Bumalik ang tingin ko kay Arkiel, nakatingin na ito agad sa'kin.


"You got bored?" Umiling ako.


"Good then, you'll watch tomorrow right?" Nakangiti niyang tanong.


"Hindi ko pa alam." Iyon naman ang totoo, wala pa akong plano para bukas. Sabi ni Sir Jude ay excused na ako sa mga activities sa intramurals at pwede akong hindi pumasok para makapag pahinga.


I would like to have that chance since I'm exhausted for the past days. Dumagdag pa roon ang pag w-water therapy ko.


"Baka matalo kami."


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko, hindi nito sinagot ang tanong ko sa halip ay ngumisi lang.


Dahil doon ay inaya ko na lang siyang lumapit kina Angel. Hindi naman kami lumapit masyado dahil nga may meeting sila. Umupo ako sa bleacher na malapit roon, umupo naman sa tabi ko si Arkiel.


"You need to watch tomorrow. My first game will be against your suitor's team." Nilingon ko agad si Arkiel.


"I don't have a suitor, Arkiel." Tinaasan ako nito ng kilay.


"Really? Felix is not courting you?" Hindi naniniwalang tanong niya, mabilis akong umiling.


"I just happen to know him...two years ago. At my birthday, right? So I guess he's a friend."


"Friend huh." Hindi pa rin naniniwala ang tono nito ngunit hindi ko na siya pinansin.


Natapos ang meeting nila Angel, at agad siyang lumapit sa amin. Nasa gilid niya si Venice.


"Hi." Bati ni Venice, ngumiti ako sa kaniya.


"Hi." Bati ko. Ngumiti ito sa akin sunod ay napatingin sa katabi kong si Arkiel.


"Pauwi ka na rin Arkiel?"


"Yup." Tumango tango si Arkiel.


"Great! Sasabay na 'ko sa'yo."


That's not even a question. Parang sinabi niya iyon dahil lagi naman siyang sinasabay ni Arkiel. Ipinilig ko ang ulo para hindi na iyon isipin pa. Napansin ko ang tingin sa akin ni Angel, nginitian ko lang siya. It's fine.


"Ano? Tara na?" Tumango ako sa tanong ni Angel.


Naglakad kami, nakakapit sa braso ko si Angel at nauuna kaming maglakad. Nasa likuran namin si Arkiel at si Venice, nag uusap ng kung ano na hindi ko maintindihan.


Nakita agad namin ang sundo ni Angel sa labas. Bago pa ito pumasok ay bumulong muna siya sa akin.


"Good luck." Ngumiti ako at tumango.


Pagkatapos maihatid ay naglakad kami papunta sa sasakyan ni Arkiel. Dahil nag uusap sila ay tahimik lng ako sa gilid habang naglalakad. I didn't wven dare to butt in dahil baka masira ko lang ang moment nilang dalawa.


Binuksan ni Arkiel ang pintuan sa front seat. Dahil alam kong hindi iyon para sa akin ay umatras ako at kinuha ni Venice ang pagkakataon na iyon para pumasok.


Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Arkiel nang makapasok si Venice. Dahan dahan niya iyong sinara saka tumingin sa akin.


"I'm so-"


"No. I'm fine." Ngumiti ako saka hindi na inantay na pag buksan pa ako ng pinto, sinara ko iyon nang makapasok.


"I'll drop you first, Venice." Pumayag naman agad si Venice at hindi na nag reklamo.


Of course, his girl first. Nahagip ng tingin ko si Arkiel na nakatingin sa akin sa rear view mirror. Umiwas agad ako ng tingin at ibinaling iyon sa labas. Hindi kalayuan sa school ang bahay nila Venice.


"Thanks for the ride."


"Bye, Elissa." Nilingon ako nito kaya ngumiti ako at kumaway.


"Bye."


Inantay namin siyang makapasok sa kanila. Nang mawala siya sa paningin ko ay nilingon ko si Arkiel.


"Lipat ka rito." Umiling ako. Pinapalipat niya ako ng upuan and I don't think I have to do that anymore.


"Bababa na rin ako."


"Elissa."


"Ayaw ko nga, Arkiel." Natahimik siya nang mahimigan ang inis sa boses ko. Umiwas agad ako ng tingin.


"Fine, just...don't be mad." Mahina niyang sabi saka pinaandar na ang sasakyan.


Tahimik ang naging biyahe hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay namin.


"Salamat, ingat ka pauwi." Hindi ko siya nilingon habang nagsasalita. Pinagbuksan ko ang sarili ng pintuan at sinara rin iyon agad. Mabilis akong pinagbuksan ng guard ng gate namin nang makita ako.


Nagpasalamat ako sa kaniya saka dire diretsong pumasok sa loob. Binati ako ng iilang katulong na nakakasalubong ko.


"Hija, congrats!" Salubong sa akin ni Manang. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya.


"Thank you, Manang."


"Alam ko talaga mananalo ka e. Hala sige, magpahinga ka muna anak. Nagpapaluto ang Mommy mo dahil mag c-celebrate raw kayo mamaya." Ngumiti ako at tumango.


"Matutulog po muna ako, Manang. I'm so tired." Napanguso ako.


"O sige, gigisingin na lang kita mamaya." Tumango ako at nagpaalam na.


Umakyat ako sa aking kwarto, nagbihis at naglinis ng mukha saglit bago bumalik sa kama upang matulog. Tulad nang sinabi ni Manang, alas siyete ng gabi mang gisingin ako nito. Kulang pa ang tulog ko ngunit sinabi niyang ready na ang pagkain at naroon na sila Mommy at Daddy kaya wala na rin akong nagawa kun'di bumangon at mag ayos ng sarili.


Naglakad ako pababa, nang makarating sa sala ay dumiretso na ako sa dining room gaya ng sinabi ni Manang. Hindi raw sila makakasabay dahil may bisita sila Mommy.


Pumasok ako sa loob at agad nagulat nang maabutan si Arkiel na naroroon sa loob. Bakit hindi sinabi ni Manang?!


"Elissa, come here." Si Dad ang tumawag sa akin.


Nakabawi ako da pagkakagulat sak naglakad palapit, nasa tabi ni Arkiel si Tita Mariela. Lumapit ako sa kaniya para batiin siya.


"Hello po Tita, good evening po." Niyakap ko ito.para mahalikan sa pisngi.


"Grabe dalaga ka na talaga." Ngumiti ako para magpasalamat.


"Congratulation nga pala hija."


"Thank you po, Tita." Ngumiti ako saka umupo sa aking upuan.


Nagsimula kaming kumain. Tahimik kaming dalawa ni Arkiel habang ang tatlo ay abala sa pag k-kwentuhan ng kung ano ano.


"May nanliligaw na ba sa'yo Elissa? Or do you have a boyfriend already?" Mabilis akong umiling.


"Wala po, Tita."


"If Markus would hear that, I don't know what he's going to do." Tumawa sila sa sinabi ni Daddy.


Tumingin ako kay Arkiel na ngayon ay nakatitig na sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin ngunit pakiramdam ko ay nakatingin pa rin siya sa akin.


"Kahit dalaga na ay masyado pa rin siyang bata para sa mga ganiyan, Mariela." Nakangiting sabi ni Mommy.


"Ikaw, hijo? Wala ka bang nililigawan?" Lahat kami ay napatingin na kay Arkiel nang itanong iyon ni Dad.


"Wala po, Tito." Natawa si Tita Mariela sa sagot niya at hindi ko maintindihan kung bakit.


"Talaga? Bakit? Nasa tamang edad ka na ah. Look at Markus ang tagal na nila ni Anaia."


"Ayaw ko pa po, Tito."


"Bakit naman?" Si Mommy na ang nagtanong.


"Wala pa po sa isip ko ang mga ganiyan." Ngumiti si Arkiel. Tumawa ulit ang Mommy nito.


"Gusto ata magtapos muna, Miguel." Nakangising sabi ni Tita Mariela. Napatango tango sila Mommy at Daddy.


"Well, that's good. Pero kahit ba nagugustuhan lang ay wala ka?" Tanong ni Daddy.


"Bakit ba curious ka sa love life ni Arkiel?" Natatawang tanong ni Mommy, tumawa rin ng bahagya si Tita Mariela.


"I was just asking, Elizabeth."


Nagpatuloy ako sa pagkain at hinayaan silang mag usap. Inabala ko ang sarili sa pagkain na nasa harap.


"Meron naman po, Tito."


"Really? E bakit ayaw mong ligawan para maging kayo. Tutal ay gusto mo naman."


Tama Dad. Kung talagang gusto niya si Venice, bakit pinapatagal niya pa ang panligaw dito? Naalala ko ang sinabi niya noon. Strict ata ang parents ni Venice.


"Hindi pa po siya pwede mag boyfriend."


Napatango tango ako. Iyon nga ang sabi niya nakaraan. Kung mahigpit pala sila Mommy ay mas mahigpit ang parents ni Venice. She's probably twenty one or twenty two right now, pero hindi pa rin pwede?


"Now I know..." Natatawang sabi ni Dad.


"Baka sinabi niya lang iyon sa'yo anak kasi hindi ka talaga niya gusto?" Pang aasar ni Tita Mariela dahilan ng pag tawa nila Mommy at Daddy.


"Stop it, Mom."


"What if may gusto siyang iba at ayaw niya lang sa'yo?" Nap poker face si Arkiel sa sinabi ng ina.


"Stop teasing your son, Mariela." Natatawang sabi ni Mommy.


"Nag aantay lang ng tamang panahon si Arkiel. Hindi ba Arkiel?" Tumango si Arkiel sa tanong ni Daddy.


"Well, I'll pray for your love life to start soon!" Pang aasar pa rin ni Tita Mariela, napangiti ako sa kaniya.


Hindi namana ni Arkiel ng ugali ni Tita Mariela. Namana niya ata lahat kay Tito Lukas.


Natapos ang dinner na iyon, hindi rin kami nakapag usap ni Arkiel, bukod sa ayaw ko siyang kausap ay umuwi na rin sila agad. Dahil nga kulang ang tulog ko kanina ay nagpasalamat muna ako kina Mommy at Daddy, saka sinabing matutulog na.


"Okay anak, sleep well. Maaga ang pasok namin bukas ng Daddy mo. Matutulog na rin kami."


"Okay po, ingat sa work. Good night, Mom." Lumapit ako sa kaniya saka hinalikan siya sa pisngi.


"Good night, Dad." Ganoon din ang ginawa ko kay Daddy.


"Good night, anak." Ngumiti ako saka nagpaalam na.


Dumiretso ako sa aking kwarto. Hinanap ko ng cellphone at kinuha iyon para i off na sana ngunit nakita ko agad doon na may text sa akin si Arkiel. He texted me!


Kinalma ko ang sarili saka humiga sa kama ko at binasa ang text niya sa akin.


Arkiel:


Hi, are you sleeping already?


Nagtipa ako ng ire-reply.


[Hi, hindi pa, pero matutulog na. Why?]


Tulad ng dati parang isa o dalawang segundo pa lang ay nakapag reply na ito agad.


Arkiel:


Nothing, I just wanted to check if you're mad.


Nagpatuloy ang pagpapalitan namin ng text.


Me:


Hindi ako galit.


Arkiel:


Then, can I call?


Nagulat ako roon. He never called me before! Hindi ko inaasahan iyon, anong sasabihin niya? Kinabahan ako, gusto kong tumanggi ngunit mas malaki ang parte sa akin na gusto ko siyang makausap. Kaya sa huli ay pumayag ako.


"Hello..." Nakagat ko ang ibabang labi, paos ang boses ni Arkiel ngunit ang sarap pakinggan n'on.


"Hi." Mahina kong sabi.


Kung kanina ay gusto ko pang matulog ngayon ay parang nagising na ang buong pagkatao ko.


"Did I ruin your bedtime?" Umiling ako kahit hindi niya nakikita.


"Uh, ayos lang, um hindi naman."


"But I guess you should be sleeping now, I know you're tired."


"That's fine, too."


"Alright, matulog ka na." Napangiti ako roon.


"Okay, Arkiel."


"Good night, baby."


Natahimik ako dahil doon. Napalunok ako, kung sa kaniya ay wala lang iyon sa akin ay sobra sobra ang epekto n'on.


Naisip ko bigla ang sinabi ni Angel kanina. Paano kung magkagusto siya sa iba? Of course he won't text me anymore, hindi niya na rin ako tatawagin ng gan'on dahil baka magselos ang gusto niya, hindi na rin siya tatawag sa gabi dahil may tatawagan na siyang iba. Kapag nagka girlfriend na siya, makakalimutan niya na ako.


Napangiti ako ng mapait,


"Good night, Arkiel."








After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon