Chapter 11

30 5 0
                                    



Tulad ng gustong mangyari ni Arkiel ay sinama niya nga ako sa garahe nila. Binigyan niya ako ng mauupuan roon hindi kalayuan sa kaniya.


"Kapag nagugutom ka magsabi ka." Tumango ako.


Kakatapos lang naman namin kain at hindi pa naman ako gutom. Naparami rin ang kain ko ng lunch dahil nga ang sarap ng luto niya.


"Itong sasakyan ni Dad ang titingnan ko." Tumango ako


"Bakit hindi na lang ipaayos sa shop?" Tanong ko


"Titingnan ko muna kung ano ang sira. Gusto kong ayusin 'to."


"Sa susunod kapag may sasakyan na ako, at nasira sa'yo ko ipapaayos." He chuckled because of what I said.


"Baka wala na ako rito sa panahong 'yon, Elissa. Pero kapag nan'dito pa ako, ako ang aayos."


"Bakit? Saan ka ba pupunta?"


"After college, I'm going abroad. Doon ko naisipan magtrabaho."


That's four or five years from now. Napatango ako.


"Sige sa mga shop na lang ako mag pa-paayos." Tumango siya. Ngumiti ako at pinanuod na lang siya sa ginagawa.


"Alam kong matagal pa pero kapag Senior High ka na, anong strand ang kukunin mo?" Napaisip naman ako dahil doon.


"Siguro STEM na lang din. Sinabi kasi ni Kuya na mas maganda na iyon lalo na't wala pa akong gustong kunin pag college."


"Hmmm, okay. Good luck." Ngumiti ako at tumango.


Nagpatuloy siya sa ginagawa, hindi na ako muling nag salita pa dahil ayaw ko ngang maka istorbo at mukhang naka focus naman siya sa ginagawa. May kung anong kinakalikot lang siya sa makina ng sasakyan. Kahit ganoon ay malinis pa rin siya dahil hindi naman siya parang iyong katulad sa nakikita ko sa repair shop kaya nag conclude na ako na baka kaunti lang ang sira ng sasakyan, dahil mukha pa namang bago iyon.


Hindi rin siya pinag pawisan kaya sa tingin ko ay madali lang iyon para sa kaniya. Halos kalahating oras na ganoon lamang, pinapanuod ko lang siya at kung may iuutos na magaan na gawain ay ginagawa ko naman. Nang matapos siya sa inaayos ay sinubukan niyang paandarin ang sasakyan. Nang umandar iyon ay natuwa ako, I clapped my hands that's why he chuckled.


"Why are you clapping?" Tanong niya matapos isara ang pinto ng sasakyan at patayin ang pagkaka andar. That means he's done.


"E kasi naayos mo." Ngumiti ako.


"Nagugutom ka ba? Baka mamaya pa si Markus, matagal kumuha ng lisensiya. Baka nga hindi pa iyon makakuha ngayon."


"Hindi pa naman ako nagugutom. Ang sabi ni Kuya mag t-text siya kung papunta na."


"Sigurado kang hindi ka gutom?" Tanong niya binalewala ang sinabi ko tungkol kay Markus.


Tumango ako.


"Pwede naman tayong kumain sa labas...kung gusto mo lang."


Sa labas? Hindi ako nakapag paalam na kakain sa labas dahil hindi ko naman alam na aayain ako ni Arkiel. Hindi naman siguro magagalit sila Daddy? I text ko na lang si Kuya Markus.


"Sige, pwede rin."


"Alright. Maliligo muna ako."


"Bakit maliligo ka pa?" Lumapit ako sa kaniya at inamoy siya. Dahil sa ginawa ko ay mabilis siyang lumayo. Kumunot ang noo ko.


"Hindi ka naman mabaho ah. At hindi ka rin pawis."


"Next time don't do that, Elissa." Aniya binalewala ang sinabi ko.


"Ang alin?"


"What you did."


"Ang pag amoy sa'yo?" Nagtataka kong tanong. Hindi mahanap kung ano ang mali roon.


"That's normal Arkiel. Bawal ba? Hindi ko na uulitin kung...bawal kang amuyin." Nahihiya kong sabi.


"Inaamoy mo rin ba ang mga kaklase mo?" Naningkit ang mga mata kong natural ng singkit.


"Si Fernandez naamoy mo na ba?"


I chuckled, "Bakit ko naman aamuyin si Sean, Arkiel?"


"You're telling me it's normal. Naisip kong ginagawa mo iyon sa iba."


"Yes of course, kina Kuya. Si Mommy at si Daddy, si Angel din kapag may bago siyang pabango. Inamoy kita kasi bakit maliligo ka pa?"


"I feel dirty, antayin mo ako sa sala. Maliligo lang ako." Tumango na lang ako


Why is it a big deal? Tulad ng sinabi niya ay naiwan ako sa living room nila at siya ay umakyat maliligo siguro. Kinuha ko na lang ang cellphone at nag text kay Kuya na kakain kami sa labas para mag meryenda.


Kuya Markus:


Okay, Elissa. Matagal pa ako. Iniwan na rin ni Dad, may biglaang ginawa. Magpapasundo na lang ako kay Manong at magpapahatid diyan.


Nag reply ako.


[Okay, good luck!]


Wala na nag reply si Kuya. Ibig sabihin ay busy talaga siya. Para may pagka abalahan, dahil mukhang matagal pa si Arkiel ay binuksan ko ang Facebook app. Matagal ko nang hindi iyon nabubuksan. Ang huli ay noong recognition ko lang, para i like ang sinabi ni Kyla na picture na i t-tag niya sa akin.


Marami akong notification na natanggap. Ganoon rin ang friend requests pati na messages. I wonder if Angel chatted me? Alam naman niyang hindi ako madalas mag facebook kaya dapat ay t-in-ext niya na lang ako.


Iyong mga importanteng notification lang ang binuksan ko. Sinunod ko ang messages at nakitang nag chat nga si Angel. Puro picture niya na nagbabakasyon at puro 'I miss you'. Hindi siya online pero nagreply pa rin ako. Sinunod kong reply-ang ang ilang mga pinsan ko sa malalayo at ilang relatives na nagtatanong kung kamusta na.


Sinunod kong binuksan ang friend requests. Una kong npansin roon ang pangalan ni Limuel. Hindi ko iyon in-accept at hinayaan lang. May iba akong in-accept tulad ni Venice at ilang mga kaibigan ni Kuya Markus. Pagkatapos noon ay wala na akong magawa kaya napag desisyonan kong i search ang pangalan ni Arkiel.


We've known each other since I'm in Grade 5 pero hindi kami friends sa facebook, at hindi ko nga alam kung mahilig ba siya sa social media. Tulad ng inaasahan s-in-earch ko ang pangalan niya. Arkiel Montenegro. Walang lumabas. I'm not surprised, though. He's been studying a lot, busy rin sa Basketball at pag lalaro ng ml.


Wala naman kalahating oras naligo si Arkiel dahil nalipat na ang tingin ko sa kaniya pababa ng hagdan. Mabilis siyang bumaba roon at lumapit sa akin. Walang sabi sabi at nilagay niya sa ulo ko ang brown na cap na dala.


"Wear this, mainit sa labas. Gusto mo mag jacket?"


Mabilis akong umiling. Pag papawisan lang ako roon.


"Ako na." Agad siyang lumayo.


"Oo, sorry." Tumango ako at inayos ang cap na isinuot niya sa'kin.


Hindi ko nga alam kung bakit kailangan niya pang mag sorry, at sa tuwing malapit kami parang takot na takot. Parang bula na kapag hinawakan ko puputok. Hays, Arkiel. Minsan ko lang siya maintindihan, at sa pagkakataong ganito ang kilos niya ay ang hirap niyang intindihin.


"May gusto ka bang lugar? Pwedeng doon tayo. You can suggest places." Aniya nang makasakay kami sa kaniyang sasakyan, palabas ng kanilang mataas at malapad na gate.


"Wala e. Minsan lang ako lumabas. Ikaw na ang bahala."


"Okay sa'yo ang cafe?"


"Oo naman."


Tumango siya at hindi na umimik. Dahil sa katahimikan ngayon ko lang napansin na nagagawa ko nang pakisamahan siya katulad ng gusto ni Kuya Markus. Arkiel's been there, like a brother. Kaya lang hindi katulad ni Kuya, mas madalas niya akong pagalitan at hindi pansinin. Kaya hindi ko talaga magawang makipag lapit sa kaniya.


But then I realized how we are slowly reaching that point. Tulad ngayon, maayos na kami at hindi na gaanong nag aaway. Maybe because of what he did for me, about Sean Fernandez.


Huminto kami sa isang cafe hindi kalayuan sa kanila. Naalala kong nasa cafe rin si Mommy pero ang alam ko ay malayo iyon dito. Nanghinayang ako pero naisip din na trabaho pala ang pinunta niya roon kaya imposibleng ma entertain niya ako.


"I'll order. Anong gusto mo?" Si Arkiel


"Kahit ano." Sagot ko na ikinatawa niya.


"Ang hirap naman n'on. Pero okay." Ngumit siya saka pumunta sa counter.


Naghanap naman ako ng mauupuan, medyo maraming tao kaya umupo ako sa pang apat na upuan dahil walang bakanteng for two person.


Ilang saglit lang ay hinanap ako ni Arkiel. Dahil madali lang naman akong mahanap ay lumapit na agad siya sa akin.


"Let's wait for a minute." Tumango ako


"The cap looks good on you, sa'yo na 'yan." Kumunot ang noo ko.


"Hindi, Arkiel. Ibabalik ko 'pag uwi natin." Umiling siya.


"Take it as a gift."


"Anong gift?" Hindi ko naman birthday. Matagal pa iyon. Dalawang buwan pa.


"Hmmm, let me see. Gift kasi Grade 9 ka na sa pasukan?" I chucked. He smiled.


"Sige, salamat." Tumango siya.


"Arkiel?" Mabilis akong lumingon sa tumawag sa kaniya. Nagulat ako nang makita si Venice kasama ang isang hindi pamilyar sa akin na lalaki.


"You're with, Elissa." Puna niya, ngumiti ako at bumati.


Nasabi ni Arkiel na hindi naman niya girlfriend si Venice kaya baka ang kasama nitong lalaki ang boyfriend niya?


"What's up?" Si Arkiel.


"Kakain lang kami nitong pinsan ko. Bago rito e, bumisita lang. Wala ng upuan, lumapit ako para makiupo rito. I didn't expect it was you two."


Ah...pinsan niya.


"Okay lang, Elissa?" Tanong ni Arkiel. Mabilis akong tumango dahil ayos lang naman, wala na ngang upuan na para sa dalawa.


"Salamat." Umupo si Venice sa tabi ni Arkiel, at ang pinsan niya ay umupo sa tabi ko. Now that's awkward. Hindi ako sanay na may katabing lalaki bukod kina Kuya. Inurong ko ng kaunti ang upuan ko, hindi pinahalata para hindi ma offend ang katabi.


"Lumalabas pala kayo...ng kayong dalawa lang?" Mabilis akong umiling.


"No, this is first time. Busy si Markus." Si Arkiel na ang sumagot. Sumang ayon ako roon.


"Ah, ganoon ba. That's good. Nasaan ba si Markus?" Si Venice. Malapit na akong magtaka kung bakit hindi pa sila nag o-order.


"Kumukuha ng lisensiya. Susunod iyon mamaya. Hindi kasi ako pwedeng sumama roon." Paliwanag ko kay Venice.


She likes Arkiel. That isn't a conclusion ir something. Sa tingin pa lang niya noong una pa lang alam kong gusto niya si Arkiel.


"Ay okay. Ikaw na ang mag order, Xian." Tumango naman iyong si Xian at pumunta sa counter.


Tumayo si Arkiel at hindi ko alam kung bakit. Pinanuod ko siya, nakasunod ang mga mata ko sa kaniya nang maupo ito sa inuupuan ng pinsan ni Venice. Nagulat ako roon, bakit siya lumipat?


Tumaas ang kilay ni Venice dahil sa ginawa ni Arkiel. Kumunot ang noo ko.


"Markus will kill me if I let another guy sit behind his sister." Paliwanag ni Arkiel.


Dahil roon ay natawa si Venice. Ngumiti na lang rin ako.


"That's for sure." Pag sang ayon ni Venice.


"Ikaw lang pala...ang pwede at si Markus?" Hindi ko alam kung bakit naitanong pa iyon ni Venice.


Dumating ang order namin. Hindi siya sinagot ni Arkiel dahil may waiter pa na inilalagay sa table ang in-order ni Arkiel. Napalingon ako sa counter at naroon pa rin ang pinsan ni Venice.


Nang makaalis ang waiter ay saka lang sumagot si Arkiel.


"Hindi naman. But with a random guy, I don't think Markus will like that." Kita ko ang pag tango ni Venice, naiintindihan ang sinabi ni Arkiel.


"Kung sa'yo...ayos lang ba?" Kumunot ang noo ko. Why would she ask Arkiel something like that?


Tumawa nang bahagya si Arkiel.


"Hindi, she's like a sister to me. I'll protect her at all cost."


Tumango si Venice. Nag focus ako sa pagkain. Maayos naman ang sagot ni Arkiel, at tqma naman iyon. But I feel something strange, and weird.


After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon