Chapter 40

20 3 0
                                    

     
       
Maaga pa kinabukasan nang pumunta si Arkiel sa bahay. Kuya's still not here, may aasikasuhin pa raw sa ospital. Kahit sabihin ni Mommy na mag leave na siya ngayon ay ayaw niya. Pupunta rin naman daw siya mamayang hapon. Pupunta 'di ba? Akala mo bisita siya e.
     
     
"Good morning, Arkiel! Hapon pa naman ang party ni Markus ah." Si Mommy
     
     
"Good morning, Tita. Napaaga lang po." ngumiti si Mommy na tila nang aasar
    
     
"Sus kayo ha. 'Wag na kayo maniwala kay Markus na siya dapat ang mauna, puwede na nga sa amin ng Mommy mo e. Just tell us so we could prepare!" masayang sabi ni Mommy
    
    
I sighed, hindi pa rin pala sila tapos sa kasal na iyan.
     
     
"Sasabihin po namin, Tita." Nilingon ko si Arkiel
    
     
Really?
     
     
"Asahan ko 'yan ha, sige maiwan ko kayo dito. Titingnan ko lang if wala bang kulang para mamaya."
     
      
Tumango si Arkiel, nang makaalis si Mommy ay saka niya lang ako pinagtuonan ng pansin.
     
      
"Hindi ko pa sila nakakausap sa pagbalik natin sa Manila." aniya, tumango ako
     
     
"Bukas na lang, birthday pa ni Kuya ngayon. Anong gift mo?" dumikit lalo sa akin si Arkiel, nakaupo kami sa sofa
     
      
"Wala, Eli."
    
     
Tumango ako. It's not like Kuya wants something from Arkiel naman so that's expected.
   
    
"Pupunta mga classmate niyo noon." pag inform ko, tumango lang siya
      
     
Excited kaya siya na makita si Venice? Sobrang close din nila noon ah.
      
     
"What are you going to do this morning?" pag iiba niya ng topic
    
     
"Wala naman, nag pa cater kasi si Mommy kaya wala rin akong maitutulong."
     
       
Tumango siya. Tahimik kaming dalawa. Alas sais pa ng hapon ang party ni Kuya, nag aayos sina Mommy sa garden dahil doon niya iyon balak ganapin. Ang sabi ay simple lang pero tingin ko ay maraming bisita.
      
       
Alas siyete pa lang ng unaga ay nan'dito na si Arkiel. He looks normal though. Baka uuwi mamaya para magbihis. Sa naisip kong 'yon ay tinanong ko siya.
     
     
"Uuwi ka mamaya sa inyo? Para magbihis?"
        
      
"Dito na, dala ko ang damit ko." tumango ako saka tumayo
   
      
"Tara, I have a gift for you." nakangiti kong sabi
     
     
"Saan tayo pupunta?"
    
     
"In my room." kumunot ang noo niya saka umiling
    
     
"Ayaw ko, dito lang tayo."
     
      
"Saglit lang naman e, may gift nga ako." pagpilit ko
    
     
Binilhan ko kasi siya kahapon. Wala lang, gusto ko lang siyang bigyan.
       
    
"Okay, babalik tayo pagkatapos." pinal na sabi nito
   
    
Tumango ako saka hinila na siya paakyat. Nakarating kami sa kwarto ko, nag dadalawang isip pa siya sa pagpasok pero nang pumasok na ako ay sumunod na rin ito. It's his first time here, in my room.
    
    
"Here." inabot ko sa kaniya ang maliit na box
     
     
"What's this? At para saan Elissa, hindi ko pa naman birthday." sinasabi niya iyon habang tinatanggal ang ribbon.
    
      
"Naisip lang kita." umupo ako sa gilid ng kama, umupo rin siya roon.
     
      
"I have nothing for you." malungkot niyang sabi
     
    
"It's okay, it's just a random gift Arkiel. Naisip lang kita kahapon habang namimili kami ni Angel."
   
     
Marahan niya akong hinalikan, "Thank you."
    
     
"Buksan mo na." excited kong sabi, he chuckled and continued opening the box
      
     
"Tada!"
     
      
Kinuha niya ang neck tie sa loob ng box. Nakita ko iyon kahapon habang naghahanap ng maireregalo si Angel kay Kuya. I wanted to buy it because I think it will look good on him.
     
     
"Thank you, I love you." ngumiti ako saka tumango
      
     
"I'll wear this every day, at work." dagdag niya
     
    
"Every day?" gulat kong tanong, tumawa siya
     
    
"Yeah, I'll throw all my neck ties away." he smirked
     
     
"Arkiel, hindi gan'on!" sabi ko, natatawa na rin
    
    
That's ridiculous.
    
     
"Paano kapag kailangan labhan, wala ka ng gagamitin."
     
    
"Palalabhan ko agad para matuyo." ngumisi siya
     
    
"Maluluma agad 'yan." umiling siya
    
     
"Hindi 'yan  At kapag naluma, you'll buy me one again, right?" natawa ako saka tumango
     
       
"Let's go downstairs now." yaya niya, saka tumayo
    
     
"Bakit pa? Boring naman doon, wala naman tayong ginagawa." sabi ko, he sighed
      
     
"Magagalit ang Mommy mo."
    
     
"Hindi 'yan. Wala naman tayong gagawin. Dito lang." pangungumbinsi ko pa
    
      
Sa sala kami? Hindi ko siya mayayakap o mahahalikan doon. Palaging may pumapasok at nakakahiya naman kung makita nila kami ni Arkiel na naglalambingan.
    
     
Oh my gosh, this is not you Elissa!
    
      
"Pero bababa tayo mamaya. Hindi tayo magtatagal, magagalit ang Mommy mo. Lalo na ang Daddy mo."
    
     
Tumango ako saka ngumiti.
    
     
"I wanna kiss you." mahinang sabi ko
    
     
Ako pa, ako pa ang nanghihingi ng halik! Oh gosh.
    
    
"Eli—"
      
     
"Please?" pagmamakaawa ko pa
     
    
"Elissa, you don't need to beg for it." Lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan. I kissed him back.
       
       
"I'd die if you do that again." he said between our kisses
    
     
Naaadik na ata ako sa halik ni Arkiel.
     
      
Bumaba kami ni Arkiel nang magtanghalian na, pinatawag kami sa isang kasambahay. Alam ni Mommy na nasa kuwarto kami ni Arkiel. Hindi naman siya nagalit o ano, patuloy lang siya sa pagiging curious sa amin ni Arkiel habang kumakain. Sobrang dami niyang tanong at lagi nag s-suggest na magpakasal na.
     
     
Hindi na pumayag si Arkiel na bumalik kami sa kwarto ko nang matapos kumain. Tumulong siya kay Mommy sa pag aayos sa garden, wala na rin akong nagawa kun'di ang makisali roon.
    
      
Hapon nang makauwi si Kuya, alas quatro, aniyay magpapahinga siya saglit saka magbibihis. Binati ko siya kaninang unaga pero hindi ko pa binigay ang gift ko. Mamaya na lang.
      
     
"Elissa!" salubong ni Angel nang makalapit siya
    
     
Mag aalas sais na at marami na ring nagdadatingang mga bisita. Angel's wearing her green dress, she looks too good. Sumexy siya at parang turista.
     
      
"Ang ganda mo." bati ko sa kaniya, natawa naman siya
      
      
"Where should I sit?"
     
     
"Tara." niyaya ko siya
   
    
Dumiretso kami sa isang mesa, kami nila Mommy ang uupo roon kasama si Angel. Hindi ko kasi siya gustong itabi sa mga kaibigan nila Kuya, dahil ako naman ang friend niya. Alam ko namang kahit saan ko ilagay 'tong si Angel ay hindi siya ma a-out of place.
     
     
"Hindi ko nakikita ang boyfriend mo?"
    
     
Umupo si Angel, tumabi naman ako sa kaniya.
      
       
"Nagbibihis iyon. Marami kasing pinagawa si Mommy sa kaniya."
     
    
"Wow, dito nagbibihis." pang aasar ni Angel, natawa ako
     
    
Kuya's now busy entertaining every guest that's coming in. Si Kuya talaga, dapat ay hindi na talaga siya pumasok ngayon dahil mapapagod lang siya.
     
     
Katabing mesa namin ang mesa ng mga kaibigan niya, meron nang iilan na nakaupo roon pero hindi ko naman kilala.
      
     
"Akala ko simpleng party lang, simple lang tuloy ang make up ko. Sayang naman at baka dito pa kami magkita ng future ko." bulong bulong ni Angel
    
    
Hinampas ko siya ng mahina, "Akala ko sawa ka na?"
     
     
Tumawa siya, "Oo nga, pero malay mo!" she smirked
     
      
Natawa ako sa kaniya.
      
      
"Ayan oh, future mo." sabay nguso niya
   
     
Nilingon ko iyon, nakita ko si Arkiel. Naglalakad siya palapit sa amin. Hindi ko maiwasang punain kung gaano siya ka guwapo ngayon. Sobrang ayos na naman ng buhok niya at dito pa lang ay ang bango bango niya na tingnan.
     
      
Simple lang ang suot niyang long sleeve na puti, at dark brown pants pero sobrang guwapo niya pa rin. I'm wearing brown tube dress, pinatungan ko iyon ng puting blazer. Nakita ko kasi ang damit na susuotin niya kanina kaya binagayan ko. Para same kami.
     
      
Tumayo si Angel para batiin si Arkiel, nang makalapit ito.
    
     
"Long time no see, Arkiel." nagkamayan silang dalawa
     
     
"Nice to see you again, Angel." ngumiti si Arkiel,
    
      
Umupo na si Angel saka umupo naman si Arkiel sa kabilang tabi ko. Napapagitnaan nila akong dalawa.
     
     
"Engineer ka pala dito, Arkiel?" tanong ni Angel
     
    
"Oo."
     
    
"Ba't dito ka nagtrabaho? Akala ko mag s-settle ka abroad."
    
     
Nakikinig lang ako sa sagot ni Arkiel, dahil kuryoso rin ako.
     
     
"Mas gusto ko rito."
     
     
Kinurot ni Angel nang marahan ang braso ko, she smirked. Kinagat ko ang labi para hindi matawa sa kaniya.
     
      
"Ah, doon ang mga kaibigan niyo ni Kuya. You should go there." pag iiba ko sa usapan
    
     
"I will, later." tumango ako sa kaniya
     
     
Nag chismisan kami ni Angel. Maraming kwento si Angel tungkol sa kung sino sinong pumasok sa entrance na nahahagip namin. Mga natatandaan niyang school mate namin noon.
     
     
"Ayan, si Santos. Naalala mo?" umiling ako
    
    
"Ano ba 'yan. Lahat ata nakalimutan mo na e" tumawa ako
     
     
More like hindi ko talaga kilala.
   
     
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Angel. Hindi naman umiimik si Arkiel sa tabi ko. Hinayaan niya kaming mag usap ni Angel pero hindi niya hinahayaan ang sarili na hindi nakadikit sa akin.
     
    
Minsan ang kamay niya ay nakapatong sa tuhod ko habang nag c-cellphone siya. At kung wala naman siyang ginagawa ay nilalaro niya ang daliri ko.
     
      
"Ay, ayan. Mga friends mo Arkiel oh." biglang sabi ni Arkiel
    
      
Nilingon ko iyon, it was indeed his friends. Mga grupo ni Lorcan. Sila lang ata ang hindi ko makakalimutan dahil sila rin ang laging kasama ni Kuya Markus noon. Isa isang pumasok ang mga kaklase ni Kuya noon. Siyempre ang table nila ay nasa tabi namin, kaya diretso ang lakad nila banda sa'min.
    
      
Sinalubong sila ni Kuya, saka sinamahan.
     
      
Nagkatinginan kami ni Angel nang mahagip ng tingin namin si Venice. She's still looks so sexy, mas gumanda nga ngayon ang katawa niya. She could pass as a model.
   
      
"Arkiel!" bati nang kaibigan niya.
     
      
Tumayo ako, tumayo rin sa tabi ko si Angel. Tumayo rin si Arkiel. Binati ni Arkiel ang mga kaibigan, kumaway ako sa iilang mga ka close ko dati.
    
     
Sinalubong kami ni Kuya Markus. Agad naman siyang binati ni Angel,
     
     
"Happy Birthday, Kuya! Dito ako kahapon hindi kita nakita."
     
    
"Thank you, Angel. Busy kasi ako kahapon. Ang laki mo na ah." tumawa si Kuya
    
    
Ngumuso naman si Angel, "Grabe. Parang ang liit liit ko naman noon!" tumawa si Kuya
   
    
"Umuwi ka pala Elissa?" tumango ako kay Lorcan
    
     
"Pero babalik din akong Manila."
      
      
Tumango siya. Binati rin ako ng mga girls, at siyempre ni Venice.
    
     
"Long time no see, Elissa, Angel." she smiled
     
     
"It's good to see you, Venice." ngumiti rin ako, binati rin siya ni Angel
    
      
"You look different, Elissa. Ang tagal na rin n'ong huli nating kita. Ikaw rin, Angel! Grabe dati parang mga bata lang kayo." I awkwardly smiled
     
      
"Grabe sa bata! Baby face lang siguro." humalakhak si Angel
      
     
Tumawa na lang din ako nang tumawa si Venice
      
      
Nagpaalam siya saka iniwan kami. Umupo siya sa kabilang table.
    
    
"Elissa." tawag ni Kuya
    
    
Nilingon ko siya. Nakaalis na ang mga kaklase nila at sila na lang naiwan ni Arkiel
     
     
"Isasama ko muna si Arkiel—"
     
     
"Markus, susunod ako." putol ni Arkiel sa sasabihin ni Kuya
   
    
Nataranta naman ako, bakit pa magpapaalam, I mean—of course! Siyempre kailangan doon siya sa mga kaibigan niya.
     
     
"Kuya oo naman. Arkiel, doon ka na."
    
      
"Susunod din ako roon mamaya. Dito muna ako." I heard Kuya Markus sighed
      
     
Umiling ako. Bakit dito siya? Nan'dito ang mga kaibigan niya kaya dapat ay makihalubilo siya roon!
     
     
"Careful, Arkiel. She might find you too clingy. Baka mamaya nasasakal na siya?" Kuya Markus smirked
    
   
Tumawa si Angel sa gilid ko. I sighed, nang aasar na naman si Kuya.
     
    
Tiningnan siya nang masama ni Arkiel.
     
     
"I'm fine here. Mag k-kwentuhan lang kami ni Angel. Dapat doon ka Arkiel, sa mga kaibigan mo."
     
      
"Susunod din nama—"
   
     
"Hindi pwede. Kailangan doon ka kina Kuya. Mag g-girls talk kami ni Angel. Bawal boys dito." pagdadahilan ko na lang dahil ayaw niya talagang umalis
      
     
"At masasakal ang kapatid ko." dagdag ni Kuya, I looked at him and made him stop
     
     
"At maghahanap siya ng iba." madrama ring dagdag ni Angel.
    
   
I sighed, tumawa ang dalawa.
     
    
"Sige na, nag aantay sila roon oh."
    
     
"I'll come back here later." mahinang sabi niya, tumango naman ako
    
     
"Hays, fucking love birds." sinamaan ko ng tingin si Kuya
    
     
Tumawa lang siya saka hinila na si Arkiel.
     
     
"Grabe 'yon!" tawang tawa si Angel
     
     
"Ganiyan talaga sa simula e, dikit na dikit pa." biglang sabi niya.
    
    
Umupo kami, na curious naman ako sa sinabi niya.
    
    
"Kapag...nagtagal na ba, hindi na ganoon?"
    
    
I don't want to admit it, but yes I am scared. Paano kung sa katagalan ay maghiwalay kami ni Arkiel? Dahil hindi tulad ng dati iba na kami?
     
     
"I'm just kidding, Eli. Grabe nalungkot ka bigla!" tumawa na naman siya
    
     
"What if mag break kami?"
     
     
"Ilang metro pa nga lang di ka na kayang iwan oh. Atsaka ano ba, he liked you before. Ilang taon kang inantay sabi mo. Tapos anim na taon pa kayong no contact. But still, mahal ka pa rin."
    
    
Well, that's true though. May tiwala naman ako kay Arkiel.
    
     
"Pansin mo, wala nagbatian si Venice at Arkiel?" bulong ni Angel
    
    
Kumunot ang noo ko, hindi ko napansin.
    
    
"Maybe nag uusap pa rin talaga sila. Or nagkikita, baka dito lang din si Venice 'no? Kasi kung if hindi sila nagkikita siyempre magbabatian 'yan."
     
     
Well, Angel has a point. If they didn't keep in touch this last few years, siyempre they would greet each other after not having a conversation for a long time right?
    
    
"It's fine, Angel. Magkaibigan naman sila."
    
    
Tumango siya, "Sabagay. Oobserbahan ko na lang muna. Ako nang bahala, titingnan ko if gusto niya pa si Arkiel." kumindat siya sa akin
     
     
Natawa naman ako roon. Honestly, it's not a big deal. Kung noon siguro, oo. Pero ngayon hindi na naman. Kami naman na ni Arkiel, he loves me and I love him too. Sinabi niyang kaibigan lang ang tingin niya kay Venice noon, at naniniwala naman ako. And it stops there.
     
     
Kung malaman man ni Angel na may gusto pa nga si Venice sa kaniya, wala naman na iyon sa akin. It's her feelings.
    
    
Nag start ang simpleng program, nag message lang saglit si Kuya Markus ng pasasalamat sa mga pumunta, sunod ay kainan na. Foods were served kaya kumain na rin kami ni Angel.
     
    
Nag vibrate ang cellphone ko habang kumakain kami. Kinuha ko iyon at nakitang may text message si Arkiel. Binasa ko iyon.
    
    
Arkiel:
  
   
Pwedeng maki tabi? :)
   
    
Napangiti ako. Parang bata, nakakainis. Guwapo na nga cute pa!
  
    
Me:
    
    
Hindi pwede, diyan ka lang.
    
     
"Kailan ang balik mo?" tanong ni Angel
    
    
"Sunday ang balak ko. Hindi ko pa nga lang nasasabi kina Mommy."
     
     
"Aalis na rin ako next week."
     
     
"Talaga? Saan ang unang punta mo?"
      
    
"Probinsiya siguro sa Palawan. Hindi ko pa nga alam e, ang dami kong gusto puntahan."
      
      
Nagvibrate ulit ang phone ko.
    
    
"Wait." paalam ko kay Angel, tumango naman siya at hinayaan ako
     
    
Arkiel:
    
    
:(
    
    
Nakakainis naman e. Nilingon ko ang banda niya, lumingon rin siya sa akin. Malungkot siyang nakatingin. I rolled my eyes to stop myself from smiling.
      
    
"Rest room lang ako, Eli." tumayo si Angel
    
    
"Samahan na kita—"
    
    
"Hindi na. Okay lang." tumango ako at hinayaan siya
     
   
Nagtipa ako ng ire-reply kay Arkiel
  
    
Me:
     
     
You shouldn't text me right now, Arkiel. Makipag kwentuhan ka sa mga friends mo.
      
     
Mabilis itong nagreply.
     
     
Arkiel:
    
    
Umalis si Angel? You're alone, baby. Babalik na ako riyan.
    
    
Me:
    
   
No. Nag rest room lang, babalik din agad iyon. Diyan ka lang. Let's talk later.
   
    
Arkiel:
    
     
I miss you. I love you.
    
    
Miss agad? Ang lapit lapit lang namin oh! Natawa ako.
     
      
Me:
      
     
I love you too. Please focus on your friends, Arkiel.
     
     
Arkiel:
   
     
Saglit lang 'to, babalik ako riyan mamaya.
    
    
Hays, ang kulit. Hindi ko na siya nireplyan. Kumain na lang ulit ako habang inaantay si Angel. Everyone's busy with their own businesses. Hindi ko kilala iyong iba. Mostly, mga business partners na naman nila Mommy. Nakita ko sina Tita Mariela at Tito Lukas. They were with Mom and Dad at ang iilan pang kaibigan, o siguro katrabaho.
    
    
Nakakahiya dahil hindi ko sila nabati kanina. Kung pupunta naman ako ngayon doon para lang bumati, ay nakakahiya rin. Mamaya na lang siguro kapag uuwi na sila. Hindi na rin kasi magandang batiin sila ngayon lalo na't busy sila sa mga kausap.
     
     
Nang makabalik si Angel ay wala kaming ginawa kun'di ang mag kwentuhan. Arkiel keep on texting me, nirereplyan ko naman siya minsan.
     
     
"Uuwi na siguro ako, Eli. Gabi na rin e." si Angel
    
     
"Ihahatid kita sa labas." tumango siya
      
      
Unti unti na ring nag aalisan ang mga bisita ni Kuya. Samantalang ang grupo niya ay nagtagal pa sa pag iinuman.
      
       
Lumapit kami sa mesa nila para magpaalam.
     
      
"Kuya, uuwi na ako." paalam ni Angel
     
      
"Sige, may sundo ka? Ipapahatid kita." offer ni Kuya Markus
    
     
Busy ang iba sa pakikipagkuwentuhan, hindi na nila kami napansin. Si Kuya Markus lang din kasi ang nilapitan namin. Napatingin ako kay Arkiel, nakikita kong gusto niya akong lapitan pero may kumakausap sa kaniya. Nginitian ko siya.
     
    
"May sasakyan ako." tumango si Kuya Markus
     
     
"Salamat sa pagpunta, ingat sa pag drive ah. Pero gabi na, ipahatid na lang kaya kita."
     
    
Tumawa si Angel, "Hindi na, Kuya. Kaya ko naman tsaka malapit lang. Salamat sa pag invite!"
     
     
"Sige, drive safely Angel." tumango si Angel sa bilin ni Kuya
     
     
"Ihahatid ko lang siya sa labas." tumango si Kuya Markus sa sinabi ko
     
     
Iyon nga ang ginawa ko, sinamahan ko si Angel hanggang labas ng garden, malapit lang din ang pinag parkehan niya ng sasakyan niya.
    
     
"Good night, Elissa. Let's see if I can visit here again tomorrow." tumango ako
     
     
"Ingat ka, Angel. Salamat sa pagpunta." she nodded and waved her goodbyes
    
     
Nang umandar ang sasakyan niya ay kumaway ako, I'm sure she can see me here. Nang makaalis na si Angel ay umalis na rin ako at bumalik na sa loob. Nahagip ng mata ko ang table nila Mommy. Gan'on pa rin iyon. Nag uusap pa rin sila.
    
     
Pabalik na ako sa table namin kanina ni Angel nang mahagip ko ng tingin si Venice. Kumaway ito sa akin
    
    
"Umuwi na pala si Angel?" tanong niya
     
    
"Ah, oo e. Hindi na nakapag paalam kasi busy kayo kanina." tumango siya, napasulyap ako kay Arkiel
     
     
Someone is beside him, talking to him, pero nasa akin ang atensiyon niya.
     
     
"Wala ka ng kasama? Join us here."
      
      
Tatanggi sana ako pero parang ang hirap kaya tumango na lang ako.
     
     
"Pero papasok na rin ako maya maya, inaantok na kasi ako e." tumango si Venice
    
     
"Upo ka." Venice tap the chair beside her, uupo na sana ako kaya lang ay nagsalita si Arkiel
     
     
"Dito siya sa tabi ko, Venice." sunod ay nilingon niya ako, tatayo na sana siya pero pinigilan ko
    
    
"Ah, hindi. Dito na ako." umupo ako agad
     
     
Mukhang nakuha namin ang atensiyon ng lahat. Kuya Markus groaned. Ang iba ay nagtataka, of course hindi nila alam! Nakakainis naman talaga 'tong si Arkiel.
     
      
Hindi nagpapigil si Arkiel, tumayo siya at lumapit sa akin. Dahil doon ay nakatingin na lahat sa amin. Hiyang hiya ako. Tiningala ko siya nang makalapit ito, sinundan ko ng tingin hanggang makaupo sa tabi ko
    
     
"May kausap ka roon, Arkiel." bulong ko, pero alam kong rinig ng lahat dahil ang tahimik nila!
    
      
"Let's not mind them. Come on guys." Si Kuya Markus, pero hindi siya naririnig ng kahit na sino
     
    
"Samahan mo ako." bulong niya
     
     
I'm sure everyone's curious about what's going on between us.
    
     
"Hindi na, inaaya ako ni Venice dito." bulong ko rin
    
    
"Ah okay lang!" tumawa si Venice ng alanganin, I looked at Venice, hindi ako sigurado kung anong gagawin
     
      
Tumayo si Arkiel, wala na akong nagawa kun'di sumama sa kaniya. Nilingon ko si Venice, I smiled apologetically. Ngumiti naman siya, she mouthed 'okay lang"
     
      
Everyone's already murmuring kung sino ako. Ang iba ay pamilyar pero halos hindi ko na kilala. Inaasar si Arkiel. Tinatanong kung sino ako. Hiyang hiya na talaga ako.
    
     
"Hi, I'm Kael. Nice to meet you. You are?" tanong ng kausap ni Arkiel kanina
    
   
Nangapa ako ng salita at naisagot ang sagot na nakasanayan ko na.
    
      
"Ah, kapatid ni Kuya Markus. Elissa." pakilala ko
     
    
"Oh, I didn't know." Maybe he's one of Kuya's friend in college.
    
    
Tumango lang ako at ngumiti.
     
    
"Girlfriend ko." biglang sabi ni Arkiel
     
     
Nilingon ko siya. Hindi, lahat ata kami napalingon sa kaniya. Nagulat ang lahat, siyempre sinong hindi!
     
     
"That's Elissa. My sister, girlfriend ni Arkiel." ulit ni Kuya Markus sa isang grupo na hindi talaga ako kilala
    
     
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Sobrang kabado ako. Nawala lang iyon nang asarin na si Arkiel. Maski sina Lorcan ay nagulat pero kalaunan ay inasar na si Arkiel.
    
     
Nagpatuloy ang pang aasar nila sa'min, sinasaway naman sila ni Kuya Markus. Lalong lalo na sina Lorcan, hindi sila makapaniwala na kami. Hindi ko nakita ang reaksiyon ng mga girls, lalo na si Venice. Nahihiya akong lumingon sa banda nila.
      
     
Naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa tuhod ko. Lumapit siya sa akin at bumulong,
    
    
"You should always introduce yourself like that, Elissa. Girlfriend ko."
    
      
"Nahihiya na ako Arkiel." bulong ko
    
    
Hindi ko na kaya ang mga pang aasar nila. Hindi ako sanay.
     
     
"Labas tayo?" he looks concerned
      
      
Tinimbang ko ang lahat, okay lang naman siguro? Patapos na rin sila. Hindi rin naman na nila kinausap si Arkiel kasi nan'dito na ako. Nakakahiya talaga! Kaya mas okay na nga sigurong lumabas.
     
     
Dahan dahan akong tumango.
     
      
    
 
     

   
      
-
Thank you for reading everyone. I am truly grateful. This is my first story at hindi ko in-expect na mayroong magbabasa. This is the last chapter and the next update will be the Epilogue. See you there!
    
     

     

     
    
   
     
     

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon