Maaga akong nagising kinabukasan kahit na late na akong natulog dahil sa pag iisip ng kung ano ano. Tumawag si Kuya para kamustahin ako ngunit saglit lamang iyon dahil tulad ko ay may pasok din siya.
"Sa tingin mo sinong mananalo?"
"Hindi ko alam, Angel. Hindi ko rin kilala lahat ng sumali."
Tumango siya. Nasa kabilang gym kami, nanunuod ng Ms. and Mr. Intramurals. Ang kilala ko lang na sasali ay iyong representative namin, ang iba ay hindi na.
"Kapag hindi maganda ang laban, uwi tayo." Tumawa si Angel.
Pumayag ako sa gusto niya, dahil wala rin naman na akong gustong gawin kun'di umuwi at magkulong sa kuwarto. Sana nga ay bakasyon na. Baka sakaling makalimutan kong gusto ko si Arkiel kapag hindi ko siya nakita ng ilang buwan.
"Mananalo ay ang third year sa babae, alam ko."
"Bakit naman?" Tanong ko, I'm curious.
"Hindi ba obvious? Walang pag asa 'yong mas mababang grade sa kaniya. Tapos iyong sa fourth year naman hindi pang pageant." Halos ibulong niya ang huling salita saka ngumisi.
"Gan'on ba 'yon?" Nagtataka kong tanong na ikinatango niya lang.
Wala kaming ginawa ni Angel kun'di ang pumalakpak, hindi naman kami nag c-cheer dahil sapat na ang cheer ng maraming estudyante sa loob ng gym. Alas tres ng hapon at hindi ko pa rin nakikita si Arkiel, mabuti na lang.
"Told you." Bulong ni Angel nang koronohang Ms. Intramurals si Claire Delos Reyes, representive ng third year at ang sa lalaki ay ang first year na si Kade Chavez. Marami talaga ang may itsura sa batch nila Kuya Markus. Natalo pa nito ang higher year.
"Tara na." Tumango ako sa yaya ni Angel. Ang sakit ng pwet ko kakaupo roon.
"Kain muna tayo bago umuwi?" Tanong ko kay Angel na tinanguan niya lang. Naghanap kami ng booth dahil sarado ang cafeteria. Pinasara iyon para maraming tumangkilik sa mga booths at kumita ang bawat representative.
"Doon na lang." Tinuro ni Angel ang isang booth na nagtitinda ng iba't ibang street foods, minsan lang ako kumain n'on dahil ayaw nila Mommy. Pero ngayon, okay lang naman siguro. At isa pa, masarap kaya.
Nakarating kami roon. Nasa labas ng booth nag iihaw ang dalawang estudyante, binasa ko ang banner nila. Napatango tango ako, booth pala iyon ng Grade 12. Nagsimula nang pumili si Angel ng kaniya kaya kumuha na rin ako ng akin. Iyong mga napilin kong dapat pang lutuin ay iniabot ko na sa lalaking nag iihaw.
"75 sa'yo, Miss." Nagbayad naman si Angel. Inantay ko ang akin.
"Sa'yo libre na." Kumunot ang noo ko at tiningnan lang ang lalaki na humalakhak. Tumingin ako kay Angel, nakataas ang kilay niya sa lalaking nagbabalot ng pagkain. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa lalaki.
"Bakit? Magbabayad ako. Magkano?"
"Kapag maganda libre na rito." Kumindat siya, tiningnan ko lang siya.
"Excuse me? So ako hindi maganda? Wow!" Angel exclaimed. Tumawa lang iyong lalaki. Hinawakan ko ang kamay ni Angel, baka nagbibiro lang iyon.
"Maganda naman..." Ngumisi siya.
"E'di ibalik mo ang pera ko kung ganoon!" Umirap si Angel. Hinawi ko ang buhok at kinuha ang wallet ko.
"Magkano lahat?" Tanong ko sa isa pang lalaki. Iyong nag iihaw, tumawa ito.
"60 pesos sa'yo." Tumango ako at kumuha ng pera, wala akong barya maliban sa five hundred at ilang bills ng one thousand doon. Kinuha ko iyong 500 at inabot.
"Ang laki naman, mahirap ang barya ngayon." Ngumuso siya ngunit binaryahan pa rin ako.
"Maganda ka nga, Miss." Iyong isang lalaki dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ni Angel.
"Anong grade na kayo?"
"Nine." Simpleng sagot ko sa isa, iyong nag iihaw. Pinagmasdan ko lang magtalo si Angel at iyong kasagutan niya. Napailing ako.
"Tanga mo Ali, bata pa 'yan. Grade nine gago." Tumawa siya, nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Ano naman?
"Hindi ko naman pinopormahan ito si Miss. Kinukulit kasi ako sabing maganda nga siya e!" Tumawa rin iyong isa. Kita ko ang pag irap ni Angel.
"Duh!" She flipped her hair saka pumasok na sa loob ng booth, iniwan ako. Ngumiti ako at napailing na lang.
"Eto na Miss. Salamat!" Tumango lang ako saka kinuha na ang tray laman ang pagkain namin.
"Enjoy, Miss. Masarap 'yan, parang ako!" Nagtawanan sila, hindi na ako lumingon kasi nakakadiri ang mga salita niya.
Hinanap agad ng mga mata ko si Angel. Nang makita ay kumaway ito sa akin, maayos na ang mood niya ngayon. At ako naman ang hindi dahil nakita ko na kaharap niya sa table si Venice at Arkiel.
Tumikhim ako at naglakad na ulit palapit roon. Dito pa sila nag date? Siguro enjoy na enjoy sa horror house kahapon. Umupo ako sa tabi ni Angel at nilapag ang tray namin.
"Hi." Ngumiti ako nang batiin ni Venice.
"Hello..." Marahan kong sinabi, hindi tumitingin kay Arkiel.
"Salamat, Elissa. Badtrip talaga ako sa lalaki na 'yon kaya naiwan kita roon."
"Sino?" Tanong ni Arkiel, hindi ko siya pinansin at ngumiti lang kay Angel saka tumango. Umupo ako sa tabi niya at itinuon ang atensyon sa pag aayos ng mga street foods na binili ko.
"Iyong nag iihaw sa labas, sinabihan akong pangit."
"Huh? Why? Ang ganda ganda mo kaya!" Si Venice iyon.
"I know that." Tumawa si Angel,
"Bulag ata ang lalaking 'yon, nag order ako at binayaran ko na. N'ong si Elissa na ang magbabayad sinabing libre na kapag maganda? So ako pangit? Huh!" Halos baligtarin ni Angel ang mesa dahil bumalik na naman ang galit niya.
"Nagbibiro lang iyon, Angel. Hayaan mo na." Sabi ko, dahil sa akin na nakatingin ang dalawa, si Arkiel at Venice.
"Wow, wala naman ako sinabihan na libre kapag magaganda kanina!" Tumawa si Venice saka ngumuso, tulad ni Angel ay parang nagtatampo rin.
"Baka sa'yo maintindihan pa kasi naman kasama mo si Arkiel, siyempre akala nila boyfriend mo. E 'yong akin? Uh! Nakakainis." Sinubo ni Angel ang isang kwek kwek matapos magsalita.
"Nag bibiro lang 'yon, Angel." Sinabi ko ulit para tumahimik na siya kasi ang sama na ng tingin sa akin ni Arkiel. Bakit?
Galit siya dahil sinabihan ako ng maganda at ang girlfriend niya ay hindi? Parang kasalanan ko pa 'yon? Bakit hindi niya sugurin ang lalaki sa labas at pagsabihan na sa susunod ay sabihan din ang kaniyang girlfriend na maganda. Girlfriend o nililigawan, I don't know! Wala akong pakialam.
"Alam kong maganda ka, but that guy is so unfair!"
"Baka nang t-trip lng." Sabi ni Venice.
Hindi na ako nagsalita. Nag focus ako sa pagkain kahit na ang titig ni Arkiel ay ramdam ko pa rin. Baka mamaya ay masapak ako nito? Ipinilig ko ang ulo. E'di lagot siya kay Kuya! Isusumbong ko 'to na nang aaway kasi may nililigawan na. Tss.
"Bakit pala kayong dalawa lang? Umamin na kasi kayo. Kayo na ba?" Nahinto ako sa pagkain. Inaantay ang sagot ni Venice.
"No, Angel. Sabi ko naman sa'yo hindi pa nanliligaw si Arkiel."
"Venice." Matigas ang tono niya nang magsalita.
"I know, Arkiel." Tumawa nang bahgya si Venice
Kumunot ang noo ko at hinayaan sila. Hindi pa? Bakit hindi pa? Bakit pa nila pinapatagal kung halos araw araw at oras oras naman silang magkasama!
Ipinilig ko ang ulo, this isn't me. Bakit nakikialam na ako sa buhay ni Arkiel? I need to stop this. Pero paano ko agad matitigilan kung lagi ko siyang nakikita? Kung lagi siyang titig na titig sa akin! Oh please, don't give me those look anymore! Para makalimutan kita agad! Para hindi na ako magkagusto sa'yo kasi mali 'to. Maling mali sobra! I feel bad! Ano na lang ang iisipin sa akin ni Kuya Markus? At ni Arkiel? Kapag nalaman niyng ang tinuturing niyang kapatid ay may gusto sa kaniya! Nakakahiya.
Ayaw ko na. Ayaw ko nang makaramdam ng ganito. Please.
"Elissa?" Si Angel. Lumingon ako sa kaniya.
"Why are you crying?" Nagulat ako roon. Mabilis kong pinunasan ang pisngi nang maramdamang may luha nga. Nagulat pa ako nang mabilis akong dinaluhan ni Arkiel.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Venice. Tumango ako agad.
"What's wrong?" Lumingon ako kay Arkiel nang magsalita ito.
My feelings for you, is wrong...
Umiling ako at nag iwas ng tingin.
"Masama lang ang pakiramdam ko." Now I'm lying. Natututo na akong magsinungaling. Kay Angel, kay Venice, kay Kuya Markus dahil sinabi niyang bawal muna magkagusto, at kay Arkiel.
"Gusto mong umuwi na? Are you okay?" Halos manginig ako nang punasan ni Arkiel ang pisngi ko gamit ang kamay niya. Lalo akong naiyak. I can't be with him. Hindi pwedeng siya.
"Damn, what's wrong?" Umiling ako.
"Mabuti pa, Arkiel iuwi mo na." Si Venice iyon, I feel bad! Sinira ko ang date nila ni Arkiel. Mabilis akong umiling.
"Kaya k-kong umuwi. Tatawagan ko si Manong." Kinuha ko ang cellphone, nanginginig ang mga kamay ko nang buksan iyon, mabilis na inagaw sa akin ni Arkiel ang cellphone. Nanlumo ako. I don't want to be with him. Kaya kong umuwi!
"Akin na..." Pinilit kong ikalma ang sarili para hindi na sila mag alala.
"Ihahatid na kita. Umuwi ka na." He looks mad. Of course he's mad! Nasira ko lang naman ang date nila!
"Elissa, mabuti pa nga. Kahapon pa masama ang pakiram mo 'di ba? Dapat ay hindi ka na pumasok ngayon." Kinakabahang sabi ni Angel. Umiling lang ako.
Halos iiwas ko ang sarili kay Arkiel nang punasan niya ulit ang pisngi ko. Inaya niya akong tumayo at sumunod naman ako. Sumunod ako! Nakakainis dahil kahit ayaw ko, nagagawa ko pa ring sundin siya. Nakakainis.
"Elissa magpahinga ka, okay?" Halos kamuhian ko ang sarili nang makita ang awang awa na mukha ni Venice. I am so selfish.
Is this what Kuya Markus don't want me to feel? Dahil kung oo, sana ay hindi ko na lang nagustuhan si Arkiel. Sa dinami dami bakit siya? Kaibigan siya ni Kuya Markus, bata pa ako. Grade nine samantalang siya ay college na!
"Elissa, i-text mo ako kung okay ka na." Tumango ako kay Angel. Nalaman ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ni Arkiel. Sinara niya ang pintuan. Nakita kong sobrang nag aalala si Venice at si Angel, habang pinapatakbo ni Arkiel ang sasakyan palabas ng school.
"Did someone hurt you?" Yes, Arkiel. Ikaw 'yon. Pinigilan ko ang sarili, umiling ako.
Gustong gusto ko sabihin na tigilan niya na ang pagiging mabait sa akin, ang pagiging concern niya sa lahat ng bagay, ang pag aalala niya, ang galit niya tuwing may lalaking lumalapit sa akin, lahat. Gusto ko itigil niya na ang lahat. Pero hindi ko masabi iyon, dahil gusto ko siya. Hindi ko mapigilang hindi siya gustuhin, dahil gustong gusto ko siya.
Is this one sided? Siyempre, Elissa! Hindi ka niya gusto. Hindi ko mapigilang mapaisip, one sided love hurt like this?
"Bibili ako ng tubig." Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko nga namalayan na huminto na siya sa isang convenience store.
Can I like him? Pipilitin ko lang ang sarili ko na huwag nang mangarap na gustuhin niya rin ako dahil imposible iyon. Pero habang...hindi ko pa kayang hindi siya gustuhin...baka pwede namang gustuhin siya ng palihim?
Napapikit ako. I can't believe myself anymore. This isn't me.
"Uminom ka muna." Nagmulat ako at naabutan ang titig ni Arkiel. Those stares... I hate that he's always doing that. But I like his eyes, so much. I wanted those eyes to stare only at me. I'm so selfish.
Binuksan niya ang tubig at inabot iyon sa akin. Kinuha ko iyon at ininom para kumalma.
"Si Sean ba? Siya ba ang dahilan ba't umiyak ka? Pinaiyak ka na naman ba ng gagong 'yon?" Umiling ako.
"Hindi ka iiyak kung masama lang ang pakiramdam mo, Elissa. I know you." Hindi naalis ang titig niya sa akin. Ibinalik ko sa kaniya ang tubig. Tinakpan niya iyon at itinabi, muling tumingin sa'kin.
"Tell me, what's wrong?"
"Wala, Arkiel..." Marahan kong sinabi. Pakiramdam ko ay nanlagkit na ang pisngi ko dahil sa luha. Mabuti na lang at tumigil na iyon.
"Then why are you crying?" Napasinghap ako ng hawiin niya ang kaunting buhok na nasa mukha ko at inilipat iyon sa likod ng aking tainga. Uminit ang aking pisngi, at sigurado akong namula iyon!
"If you have a problem, you can tell me." Umiling ako ulit. He sighed, gaving up.
"Okay, whatever your problem is, just don't cry." Nagtaka naman ako. Bakit hindi ako iiyak kung naiiyak ako?
"Bakit?"
"I hate seeing you cry, Elissa." Hinaplos nito ang buhok ko sa likod. Hindi ako makahinga, bakit? Bakit ayaw niya akong makitang umiyak?
I am hoping for a deeper reason kahit alam kong imposible, kahit alam kong mali. And I am being selfish for this. Dahil lang sa pagmamahal ay nagiging selfish ako? Oh come on Elissa, you're better than this!
"No one should make you cry. Okay?"
Paano kung ikaw 'yon? Gustong gusto kong itanong! At hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para nga itanong iyon sa kaniya.
"Paano kung ikaw?" Kumunot ang noo niya.
"Did I do something wrong? Tell me." Masuyong tanong nito. Umiling ako.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na dapat ay gustuhin niya ako pabalik.
"I won't hurt you. I will never make you cry. Did I?" Hindi ako sumagot, tanging pag iling lang ang ginawa ko. Gusto ko na namang umiyak. I am so sensitive!
"I will not be worthy of you if I make you cry, Elissa."