Chapter 3

37 3 0
                                    




"Si Arkiel! Bubugbugin ata si Sean!"


Kumunot agad ang noo ko. Si Arkiel?


"Anong trip 'yan Amina? Bakit naman gagawin ni Arkiel 'yon?" si Angel.


Iyon rin ang gusto kong itanong. May kasalanan ba si Sean kay Arkiel? At bakit sa akin nag susumbong si Amina, dahil ba crush ko si Sean? Hindi ba dapat si Mira ang pinuntahan niya dahil baka nga bugbugin ni Arkiel ang manliligaw niya?


"Hindi ko rin alam, Angel! Pumasok sa court ang grupo nila Sean para mag basketball. Kaso naroon na sina Arkiel naglalaro, at ang sabi hinagis daw ni Arkiel ng bola! At hindi nag sorry, nagalit si Sean. Umalis na ako agad at hinanap kita Elissa." Natataranta na si Amina, sumunod kami sa kaniya dahil nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko rin alam bakit kami sumunod.


Kung bakit nasa gym si Sean at maglalaro ng basketball ay hindi ko alam. Hindi ko alam na naglalaro siya noon. Akala ko ay soccer lang.


"Ano naman, Amina? Iniisip mo bang ipagtatanggol ni Elissa ang Fernandez na iyon? Kung bugbugin man siya ni Arkiel, he deserved it."


"Si Elissa ang pinuntahan ko Angel kasi kaibigan iyon ni Markus 'diba? At wala roon si Markus! Elissa, you should stop Arkiel. Graduating pa naman siya, kapag nabugbog niya nga si Sean baka hindi siya maka graduate!"


Hindi na kami umimik at binilisan na lamang ang paglalakad dahil kinakabahan na rin ako. Baka nga ma kick out siya sa school at hindi maka graduate! Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Bakit hindi nag iisip? At nasaan si Kuya? Hindi ba sila magkasama? Dapat siya nag pumipigil kay Arkiel at hindi ako!


Nakarating kami sa loob ng gym, wala masyadong tao dahil nasa loob ng gym. Hindi ko rin alam bakit walang mga teacher! Dapat ang pinuntahan ni Amina ay ang teacher at hindi ako!


Nanginig ako sa galit nang makitang kine kwelyuhan nga ni Arkiel si Sean. Grade 8 pa lang si Sean samantalang Grade 12 na siya! Sa tangkad niya pa lang paniguradong walang laban si Sean.


"Arkiel!"


Hindi ko na napigilan. Nakakahiya dahil may iilang tao roon pero ni isa ay walang pumipigil.


Lumingon sa banda namin si Arkiel. Mabilis akong lumapit at hinila si Sean, mabuti na lang at binitawan siya ni Arkiel.


"What do you think you're doing Arkiel? Hobby mo na ba ang mang away ng tao?"


"Seriously, Elissa? Sa'kin ka pa galit?" he glared at me.


"Kanino ba dapat? Sa'yo naman talaga! You keep on fighting those who are not capable of fighting back!"


"Pinagtatanggol mo pa ang lampang yan pagkatapos ng ginagawa niya sa'yo? You know what, I can't understand you anymore." Tinalikuran niya ako. Umalis kasama ang mga kalaro niya.


Nilingon ko si Sean. Nakayuko ito, at medyo kusot ang uniporme.


"Elissa, next time 'wag ka nang mangialam. Anong gusto mong palabasin? Na hindi ko kaya ang sarili ko at...kailangan kita?"


"Aba! Ang kapal ng mukha mo!" pinigilan ko si Angel. Nagulat ako sa sinabing iyon ni Sean. Uminit ang gilid ng mga mata ko ngunit nagawa ko pa ring tumango.


"I'm sorry, Sean. Hindi na mauulit."


Hindi niya ako pinansin at saka umalis. Ni hindi man lang lumingon o ano. Halata ang galit sa pananalita at sa mga titig niya.


"I think I've seen the other side of Sean..." bulong bulong ni Amina. I know she felt sorry dahil siya ang tumawag sa akin.


"Hindi ko kinakaya ang ugali ng Fernandez na iyon!" frustrated na sabi ni Angel.


Hindi ko alam kung paano ko kinayang pigilan ang luha ko kahapon hanggang sa makauwi. Paulit ulit akong tinanong ni Kuya Markus kung anong nangyari pero umiiling lang ako. Nang makapasok sa kuwarto ay saka ako umiyak. Now Sean is really mad at me, paniguradong si Arkiel din. Noong gabi ring iyon ay kumatok si Kuya sa aking silid. Hindi ako bumaba para sa hapunan and he's probably worried.


Alam kong hindi ko maitatago ang pamamaga ng aking mga mata matapos umiyak ng ilang oras pero hindi ko na tinanggihan si Kuya Markus at marahan na pinagbuksan ng pinto.


"Are you okay, Elissa? Kung hindi ko pa tinawagan si Angel ay hindi ko pa malalaman ang nangyari."


Pinapasok ko siya sa loob. Umupo siya sa kama ko at agad na nagtanong. Tumango ako. "I am fine, Kuya. It's my fault, so I'll accept whatever the consequence is."


"It's not your fault, Elissa. Kinausap ko na si Arkiel at hindi naman daw siya galit sa'yo. He's just protecting you."


Hindi ako nagsalita. Hindi siya galit? His eyes tells me the opposite, though.


"I'm sorry kung wala ako kanina. Pinatawag kasi ako ng prof namin kanina. Please understand Arkiel. Kung ako ang nasa posisyon niya ay gagawin ko rin iyon, because I care for you. Sinabi ni Samuel na narinig daw nilang pinag uusapan ka nila. Ipinagyayabang na umamin kang crush mo siya, at kinabukasan ay niligawan niya si Mira to reject you. I don't want to tell this to you, Elissa. Pero baka si Arkiel ang sisihin mo. Kung ako ang nakarinig sa Fernandez na iyon, bubugbogin ko siya."


Umiling ako kay Kuya.


"I don't want you to draw violence for me Kuya." Marahan siyang tumango.

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon