Chapter 21

42 7 1
                                    




"I want more." Napakurap kurap ako nang magsalita muli si Arkiel. Wala sa sariling itinapat ko sa bibig niya ang sandwich at pinanuod siyang kumagat doon.

Am I hearing things? Antok pa ba ako? No. I'm sure I heard that right. Gosh, how dare he!

"You okay?" Of course I'm not!

Kung para sa kaniya ay wala lang iyong pag tawag niya sa akin ng baby, para sa akin ay pala isipan na iyon. Lalo lang gumulo ang isip ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Elisssa? What's wrong?" Mabilis akong umiling at hindi na nagsalita.

Tahimik akong kumain ng breakfast ko habang paminsan minsan ay nagpapasubo siya ng sandwich hanggang sa maubos niya iyon. Itinabi ko ang kalat naming dalawa. Inayos ko rin ang sarili. Hindi ko na lang papansinin iyon. Kung iisipin ko pa, pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala. Arkiel is always like that, baka nga kahit si Venice ay natawag niya na ng baby, my love, or what. So that isn't a big deal. I should not care at all.

"Inaantok ako." Nagulat ako at tiningnan siya. He isn't gonna sleep while driving right?

"Arkiel you're driving!" Natawa siya dahil doon na ikina kunot naman ng aking noo.

"That's why you need to talk to me, Elissa."

"If you're sleepy I can call Manong Ramon." Which is impossible, malayo na ata ang narating namin.

"Seriously?" Tumawa siya pero tiningnan ko lang siya, thinking he's the weirdest person in earth.

"You need to keep me awake." Ngumisi siya.

Napasimangot ako dahil doon. Ang sarap sarap niyang sipain palabas ng sasakyan! He's obviously teasing me!

"Anong sasabihin ko?"

"Anything." I sighed, I need to calm myself. Naiinis ako at hindi maganda ito, hindi ako madaling mainis sa kahit na anong bagay but Arkiel is pushing me!

"Bakit ayaw mong isama si Venice?" Wow. Pinalakpakan ko ang sarili sa isipan. Nagiging stupid na talaga ako these past few days.

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko. Ang sabi ko hindi ko siya isasama. This is obviously you and your brother's vacation. Venice is out of it."

See? Pero kung hindi namin ito bakasyon ni Kuya paniguradong isasama niya iyon.

"Okay." Tipid kong sagot.

"Yes." Tumango na lang ako, wala ng masabi.

Tahimik kami buong biyahe. Kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag na suot para tingnan ang oras. Eight thirty-two pa lang, halos dalawang oras pa ang biyahe bago kami makarating sa resort. Si Kuya ang nakapili n'on, nagpakita rin siya ng ilang litrato at maganda nga talaga.

"I'm sleepy." Nilingon ko si Arkiel sa kaartehan nito. Nag kape naman siya ah?

"Should I make you some milk and sing you a lullaby?" Natawa ako sa sariling biro, napanguso naman siya.

"Because you're so silent." Huminga ako ng malalim, hindi naman pwedeng mag play ng music kasi baka lalo siyang maantok.

Okay, just this time. I'll think of him as my friend, at hindi bilang gusto ko. Like how I talk to Angel, right? That will fix things between us. That will also help me to forget him.

Kinuha ko ang cellphone at nag search ng kung ano. I'll find questions then we will answer it both. Nang makakita ako ng compilation ng mga random na tanong ay ipinakita ko iyon kay Arkiel. Tumango naman siya at hindi na tumutol pa. Ganito rin kasi ang ginawa namin ni Angel noon when we're just getting to know each other.

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon