It was an exhausting trip. Gabi na nang makabalik kami sa hotel. Dire diretso lang ang lakad ko hanggang makapasok ng kuwarto at makahiga sa aking malambot na kama, hanggang sa makatulog.
Alas otso ng umaga nang mag check out kami sa hotel. Nagpasalamat kami sa bell boy na tinulungan kami sa pagbitbit ng maleta. Pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan ni Arkiel, nagpasalamat ako bago pumasok.
Pagkapasok ko ay saktong tumunog ang cellphone ko, Mom's calling. Sinagot ko iyon agad habang pinapanuod si Arkiel na isara ang pinto sa gilid niya hanggang sa ayusin niya ang kaniyang seat belt.
"Hello, Mommy?"
"Hello, anak? Kamusta kayo?"
Napatingin ako kay Arkiel nang mapansin kong kanina pa niya ako tinititigan at hindi pa nag d-drive.
"We're fine Mommy, pauwi na po."
"Your Kuya's driving? Paki sabi sa kaniya mag ingat sa pag drive hija."
"I'm in Arkiel's car, Mom. You know...Kuya and his girlfriend..."
"Oh!" Tumawa si Mommy nang makuha ang gusto kong sabihin. Ngumiti ako, ngunit napasinghap nang ayusin ni Arkiel ang seat belt ko, hindi ko pala iyon naayos!
"Paki sabi kay Arkiel mag ingat sa pag drive ha."
"Opo, Mommy." Nagtagal ang tingin ko kay Arkiel hanggang sa matapos niyang ikabit ang seatbelt ko.
"Okay, I'll hang up na anak. Ingat kayo. Love you!"
"Okay, Mom. Love you too."
Ako na ang nag end ng tawag at nilingon si Arkiel matapos i off ang cellphone na hawak.
"Sorry nakalimutan kong ikabit." Ngumiti siya,
"I won't mind fixing your seat belt anytime, Elissa." Tahimik akong tumango at nagpasalamat, hindi na ako umimik pagkatapos.
Lagi kasing hindi ko kinakaya ang mga sinasabi ni Arkiel. I always ended up, defeated.
"Grabe! Ang saya niyo siguro, nakaka inggit naman!" Natawa ako kay Angel nang mapag usapan namin pareho ang naging bakasyon namin.
We were Grade 10 already, ang bilis lang ng panahon.
"Hindi naman masyado, tama lang." Nakangiting sagot ko.
"I enjoyed Japan, kaya lang ay iba pa rin kapag marami kang friends na kasama. Ako lang isa e, ang hirap kaya magpicture! Mom and Dad were always busy. Ako lagi mag isa ang nag iikot ikot!" Natawa ako sa reklamo nito.
"Well at least, nakapag bakasyon ka na sa Japan."
"Yeah, right." Natawa kami parehas.
Ganoon lang lagi ang pangyayari at wala namang nagbago maliban sa hindi na namin pagkikita pa ni Arkiel. Marahil ay sobrang busy nito sa studies. Minsan ay nakikita ko siya o nakakasalubong, ngiti lang lagi ang natatanggap ko dahil lagi siyang busy, pero ayos na 'yon.I graduated high school at hindi naka attend ng graduation ko si Kuya Markus dahil naging busy siya at walang time para umuwi. Ayos lang iyon at hindi naman ako nag tampo, that day ay binati lang ako ni Arkiel through text, at ayos lang dahil alam kong busy din siya.
Hindi nakauwi si Kuya noong summer at ako, sumama na lang kila Mommy sa HongKong dahil doon ang vacation nila kasama ang mga workers sa company, treat nila Mommy at Daddy sa kanila. Naging masaya naman iyon, sayang lang at wala si Kuya Markus.
Well, about Arkiel. Wala na rin kami nakapag usap, hindi na rin siya nag text o ano, siguro ay busy. Ayaw ko rin namang ako ang maunang mag text. Baka ma istorbo ko pa.
Time passed like a blur, Angel and I were Grade 11 already, STEM ang kinuha naming strand pareho, but we're both undecided kung ano nga bang kurso ang gusto namin.
"Well the good news is, hindi na natin kaklase si Sean." Tumawa siya, ngumiti lang ako ng tipid. Nasa classroom kami at nag aantay ng susunod na instructor.
Maybe she still hates Sean, but i never hold a grudge to anyone. Bukod sa dagdag lang 'yon sa iisipin ko ay ayaw ko rin talagang laging may sama ng loob o galit sa kahit na kanino.
"Nabalitaan ko sila na ni Mira e."
"Really?" Pinagmukha kong interesado ang boses ko kahit hindi naman.
"Yes, perfect couple daw. Gosh! Ew." Natawa ako sa reaksiyon ni Angel.
Natapos ang kwentuhan namin dahil dumating iyong susunod na instructor namin. Tahimik kaming nakinig. It's always like that, papasok sa school, makikinig then uuwi.
"Wala ka pa bang naisip na kursong kukunin hija?" tanong ni Daddy, isang araw habang kumakain ng dinner.
"Wala pa po. Siguro kapag Grade 12 na ako saka ko pag iisipang mabuti." Napatango tango ito.
"Well you might want to try business."
"Miguel." Pigil ni Mommy, ngumiti ako para pakalmahin si Mommy.
"Pag iisipan ko pa po, Dad." Tumango siya.
"Relax Elizabeth, I'm just suggesting okay? I'm not forcing our daughter." Tumango si Mommy. Napangiti ako.
Dad didn't force Kuya Markus to take up business courses, Kuya Markus pursue Medical Techonology because he wants to be a doctor and Dad supported him. Maybe Dad's suggesting me to take up business because no one would run our company.
"Kung sakaling may gusto siyang iba, I will support her. I have Khalid to take over." Nakangiting sabi ni Dad kay Mommy.
"Fine." Marahang sabi ni Mommy.
If I'm not mistaken, Khalid is the son of my Dad's best friend. I've never met him but I'm sure I heard his name many times.
"Sir, I don't think I am capable." Mabilis kong sagot kay Sir Jude, instructor namin sa P.E, nang tanungin ako nito kung papayag ba ako maging representative ng Grade 11 for Miss Intramurals 2022.
"It's a great experience hija. Don't ever think that you're not capable dahil hindi kita lalapitan kung hindi." Ngumiti ito sa akin.
Uwian nang ipatawag ako nito sa office niya, nauna na si Angel umuwi dahil naroon na ang sundo niya. Hindi naman na ako nagpa antay dahil nakakahiya naman sa driver niya.
"Sir, I've never been into pageants. Baka hindi ko po kayanin." Natawa si Sir Jude.
"Where's your confidence, Miss Castillon? Everyone thinks you're a great representative. Everyone believes you, how come you don't believe in yourself?" Hindi ako umimik. Tahimik kong nilalaro ang mga daliri ko.
"Trust me, you can do it." Huminga ako nang malalim saka dahan dahang tumango.
"Great! It's fixed then." Ngumiti na lang ako.
Habang naglalakad ako palabas ng office niya ay kinakabahan na ako para sa mga mangyayari. Matagal pa naman ang intramurals halos isang buwan pa iyon. Ngunit hindi ko talaga mapigilang kabahan.
"Bago ka pa lang uuwi?" Dahil sa gulat ay napahinto agad ako at napasinghap. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nadagdagan ang kaba ko.
"I'm sorry, did I scare you?" Mabilis akong umiling kay Arkiel.
He's wearing his engineer uniform, suot ang kaniyang bag at drawing tube na nakasabit sa kanang balikat niya. Mukhang pauwi na.
"Pinatawag ako ni Sir Jude." Naglakad na kami parehas, mabagal ako maglakad ngunit sinasabayan niya ako.
"Bakit? May kasalanan ka?" Ngumisi ito.
"Wala ah!" Mabilis kong tanggi.
"He's asking if I'm willing to participate...in this year's Intramurals." Dugtong ko.
"Really? Anong sasalihan mo? You're not into sports." Tumango ako, kahit siya ay alam iyon.
"Sa pageant, Arkiel."
"I'm not shock. Pumayag ka?" Napanguso ako, saka dahan dahang tumango.
"That's good then. You'll win for sure."
"No!" Mabilis kong tanggi. "Don't say that, kinakabahan pa ako. I've never been into pageants." Tiningnan ko siya, mukha na siguro akong kawawa. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako.
"I know you'll win, Elissa." He patted my head. Ngumiti ako at unti unting nawala ang kaba. He believe in me, ano pang kulang para hindi ako magtiwala sa sarili ko?
"But don't feel like you need to win. Think of it as experience." Tumango ako.
"Salamat." Hinatid niya ako hanggang labas ng gate, pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng SUV namin. Kumaway ako para mag paalam, ngumiti siya saka sinara ang pinto.
Well I guess, I need to prepare myself.
"Wow, that's new. Good luck, Eli!" Napangiti ako nang ibalita kay Kuya Markus na sasali nga ako.
"Yes, wish me luck Kuya."
Tumawa siya, saglit pa kaming nag usap at hindi rin nagtagal iyon dahil busy siya.
"Mom, too early for that." Natatawa kong sabi.
Nang ibalita ko sa kanilang ako ang representative ng Grade level namin ay nagulat sila at hindi makapaniwala, not because they don't believe me but because I never wanted to do this. Kahit noon pa.
"No, Elissa. We need to give our best. Alam kong kahit simpleng gown lang ay maganda ka na, pero gusto ko pa ring magsuot ka ng mas maganda." Tuwang tuwa si Mommy, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
After that, she's now talking to her designer on phone. Bukas na bukas daw ay pupunta iyon sa bahay para sukatan ako, hindi na ako tumanggi dahil gustong gusto ni Mommy ang ginagawa niya. Kumuha pa talaga ng personal trainor ko, meron namang inilaan ang school pero nagpumilit si Mommy na mas matututo raw ako agad kung si Ate Beatrice ang magturo sa'kin, one of her friend.
"Alam mo mabuti na rin at sumali ka rito. Look, pati ako ay excused dahil kailangan daw kitang samahan sa training session mo." Tumawa si Angel.
"Wala kang practice?" Tanong ko, ang alam ko kasi ay sa cheer leading pa rin siya. Umiling ito,
"Wala pa nag a-announce si Venice e. Siya na bago naming leader." Napatango tango ako.
My training wasn't that hard on the first week. Two hours per day lang for every weekdays dahil P.E lang naman na subject ako na e-excuse at iyon lang talaga ang time ko para sa training. I'd spend three hours on Saturday though, tapos sa linggo ay rest day ko. Ate Beatrice would always give me small assignments everyday to maintaining my training.
"Elissa, may notes ka sa Chemistry?" One of my classmates asked. I nodded at agad hinanap ang notes ko sa chem.
"Here." Ngumiti siya at nagpasalamat, she's Lolita. Madalas ay hindi kumukopya kapag may isinusulat kaya lagi, tuwing kailangan nang i check ang notes ay sa'kin lumalapit.
"Ayan, sipagan mo ha!" Pang aasar ni Angel. Dinilaan lang siya ni Lolita saka nagmamadaling kumopya.
"May training ulit ako mamaya, Angel. Samahan mo ulit ako."
"Siyempre!" Tuwang tuwa nitong sabi, napailing ako dahil alam kong masayan siya kasi excuse na naman kami mamaya sa PE. Wala naman kasing masyadong pinapagawa si Sir kaya na b-bored siya.
"You're improving, Elissa." Masayang sabi sa'kin ni Ate Beatrice.
"Thank you po, Ate." Ngumiti siya.
Bukod sa training ay kailangan ko ring i control ang pagkain ko. That's my new assignment from Ate Beatrice.
"Look!" Napatingin ako kay Angel, nilakihan nito ang kagat sa burger na hawak saka dinilaan ang kaniyang labi. Napanguso ako dahil pina pa inggit niya ako.
"Stop that, Angel. Please." Tinawanan niya lang ako.
"Hmmm, sarap ng fries ngayon ah!" Lalo akong napanguso.
Nasa field ulit kami, napag desisyunan namin kumain dito sa mga bench dahil nasasawa na raw si Angel sa cafeteria. Bumili lang kami doon at dinala rito sa field. Tubig lang ang akin samantalang sa kaniya ay ang dami dami. Naiinggit tuloy ako.
"Wait, I'm thirsty!" Malakas niyang sabi at exaggerated na uminom ng soft drink. Parang sarap na sarap siya roon. Natawa ako sa reaksiyon niya.
"Stop it, Angel." I pouted.
"Hmm..." Natatawa siya habang kinakain ang burger. Natakam ako kaya uminom na lang ko ng tubig.
Natawa si Angel nang makita akong uminom ng tubig. Kahapon pa 'ko puro tubig lang. Dinner lang ako nakakakain ng masarap dahil nagluluto si Mommy ng mga healthy na food.
"Ilang days ba 'yan?"
"Hanggang sa araw ng Intramurals." Nakanguso kong sabi
"Aww, my Elissa." Ginaya niya ako sa pag nguso at kala mo talaga ay naaawa sa akin ngunit halata namang inaasar ako. I chuckled.
"Stop it, bilisan mo na kumain." Natatawa siyang tumango.
Kahit sinabi kong bilisan niya, ay alam ko namang hindi niya kaya dahil mabagal talaga siyang kumain dati pa.
Kinuha ko ang libro ko sa pre-cal at inabala ang sarili dahil alam kong mamaya pa siya matatapos, tumitingin tingin ako sa kaniya pa minsan minsan para i check kung tapos na ba siya. I sighed, nakakalahati niya pa lang ang lahat ng pagkin na in-order niya. Kumunot ang noo ko nang may kinawayan ito sa likuran ko.
Napalingon tuloy ako, naabutan ko si Arkiel na papalapit sa amin. Bakit nan'dito siya? Hindi ba siya busy? Madalas kasi ay hindi na ito nadadaan sa field, alam ko dahil lagi kaming nasa field ni Angel.
"Hi." Bati ni Angel nang makalapit siya sa amin, tinanguan siya nito saka tumingin sa akin.
"Your brother's calling you." Nagulat ako roon, hinalungkat ko agad sa bag ang cellphone. Naka silent iyon dahil nasa school kami! Kinabahan ako dahil may apat ngang missed call galing kay Kuya Markus.
"Bakit daw?" Tanong ko agad. Baka kasi importante kaya napapunta pa rito si Arkiel.
"Don't know, you should call him." Umurong ako nang umamba itong uupo sa tabi ko. Napatingin ako kay Angel dahil kita kong tumingin ito sa akin, nakangiti. What?
"Is it important?" He just shrugged so I have no choice but to call Kuya Markus, ilang ring lang at ni-reject agad. Napasinghap ako.
Naka receive ako ng message sa kaniya at agad na binasa iyon.
Kuya Markus:
I'll call you later, Eli. May klase ako. Sorry for hanging up, mwa.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay galit siya! Though hindi naman nagagalit sa'kin si Kuya.
"He's busy." Sabi ko kay Arkiel.
"Really?" Iyon lang ang sagot niya, tumango ako para kumpirmahin.
I thought it was important! Kung hindi naman pala importante ay bakit hinanap niya pa ako, pwede naman akong tawagan ulit ni Kuya mamaya.
"Anong ginagawa mo rito? Wala kang klase?" Ngumiti ito at umiling.
"I wanted to check on you, Markus called." Napatango tango ako. Bumaba ang tingin niya sa mesa, sinundan ko ang tingin niya sa mga pagkain hanggang sa napatingin ako kay Angel, tahimik na kumakain ng fries habang nakatingin sa'min na parang nanunuod ng sine.
Kanina pa ang fries na iyon!
"You're not eating?" Tumango ako.
"Why?"
"I have to, Arkiel. I'm on a heathy diet." Kumunot ang noo niya.
"You're too thin for a healthy diet, Elissa." I shrugged, wala naman akong magagawa kung iyon ang sinabi ni Ate Beatrice. Isa pa, alam ko naman na makakatulong din ito sa'kin.
"You should eat more. Really? Water?" Frustrated niyang sabi, hindi ko alam bakit bigla na lang siyang na stress.
"It's fine, Arkiel. Gan'on talaga." Singit ni Angel.
"Can you give her that?" Natawa si Angel.
"Sure, if she want." Mabilis akong umiling kay Angel.
"Arkiel, ayos nga lang. At isa pa hindi ako nagugutom."
"Fine." Kunot noong pag payag nito.
Natawa si Angel at hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako sa kaniya, nakangisi ito at nakataas ang kilay. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling ang tingin kay Arkiel.
"You can go now, tatawagan ko na lang ulit si Kuya." Mahina kong sabi dahil nahihiya na ako kay Angel.
"I can stay for..." Tumingin ito sa relo, "five more minutes." Umiling agad ako.
"You can go now, Arkiel." Hininaan ko lalo ang boses, nararamdaman ko na ang mata ni Angel sa amin.
"Stop pushing me away, Elissa."
"I'm not."
"Then let me stay here for five minutes." Nilingon niya si Angel, "Am I disturbing you two?" Natatawang umiling si Angel.
"Not at all, nag e-enjoy nga ako e." Natatawang sabi ni Angel. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Why is Arkiel doing this to me?!
Nahahalata na siguro ni Angel na may gusto ako kay Arkiel!
"See? Can't I stay?" Bumalik ang tingin sa akin ni Arkiel.
"B-bahala ka." Umiwas ako ng tingin, naririnig ko pa rin ang munting tawa ni Angel.
"Come on baby, I missed you!" Napasinghap ako at mabilis siyang nilingon.
"What the fuck?" Gulat na sabi ni Angel. Napapikit ako sa kahihiyan.
Why would he say that in front of Angel? Oh my God...no.
***Thanks for reading!