"Sige, magpapaalam ako kay Kuya."
Hindi na siya nagsalita kaya umalis na ako roon at bumalik kay Kuya. Inantay kong matapos ito makipag usap sa kaibigan bago ko siya tinawag.
Lumapit ako sa kaniya para bumulong, nasa likuran niya lang ako dahil nakakahiya sa mga kaibigan niya.
"Pwede raw ba ako sa room ni Arkiel? I'll watch movies there."
Lumingon sa akin si Kuya, nagtataka. Of course, why would I want to be in Arkiel's room? Parang nakaraan pa ay ang lala ng away namin.
"Okay ka lang ba roon?"
Dahan dahan akong tumango.
"I have no choice, Kuya. Doon na lang ako kaysa istorbohin ka rito. At isa pa, I'll be out of place, and you should enjoy your celebration."
Tumango si Kuya.
"Okay, Elissa. Wait lang."
Nagpaalam siya sa mga kasama, nakita ko ang pagtango ng kausap niya kanina. Umalis kami ni Kuya roon at lumapit kay Arkiel.
"Sa kuwarto mo raw, Arkiel. Is that fine?"
Nag angat ng tingin si Arkiel at tumango. Tumayo siya at naglakad na patungo sa hagdan. Sumunod naman kami habang paakyat.
"You should behave there, Elissa. Just watch movies, okay? And call me or Arkiel if you need anything."
"Yes, Kuya."
"Ano ba ang panonoorin mo?"
Tanong ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway ng second floor nina Arkiel.
"Kahit ano, Kuya. Huwag lang horror kasi mag isa lang ako."
Tumawa ng bahagya si Kuya at inakbayan ako.
"Don't watch horror, then. Tumawag na si Mommy sa iyo?"
Umiling ako, "Wala pa."
Ikatlong pinto ang kuwarto ni Arkiel. Pumasok kami roon, at ang ganda ng kuwarto niya. Malinis. Black and white ang theme ng kuwarto niya. Walang masiyadong furniture na sa tingin ko ay lalong nagpa linis sa kuwarto niya.
Lumapit siya sa flat screen TV na naka hang sa wall niya saka in-open iyon. Binuksan ang Netflix at ibinigay sa akin ang remote. Kinuha ko naman agad 'yon sa kaniya.
"Text me if you need anything, pwede ring bumaba ka sa kusina para kumaha ng pagkain. You can do whatever you want."
Marahan akong tumango.
"If Mom calls you, text me okay. I'll update her." Tumango ako kay Kuya.
"Iwan ka na namin dito?" dugtong ni Kuya. Tumango ako.
"Text me, Elissa. Okay?" Tumango ako ulit at natawa ng bahagya sa paulit ulit na bilin ni Kuya.
Nagpaalam si Kuya sa akin samantalang si Arkiel ay basta na lang umalis. Hindi ko na iyon pinansin. Isinara ko ang pinto pero hindi ko naman ni-lock. Kinuha ko ang remote at naghanap ng mapapanuod. What should I watch?
I clicked the play button when I decided to watch some random love story movie. Hindi ko naman alam kung maganda iyon, lahat naman ata sa Netflix ay magaganda kaya lang ay hindi naman ako mahilig manuod.
Kalahating oras nang makaramdam ako ng gutom. Dapat ba ay bumaba ako sa kusina para kumuha ng pagkain o i-text si Kuya na kailangan ko ng pagkain? Umiling ako sa huling naisip. Ayaw kong maka istorbo, malaki na ako at hindi ko na dapat inuutusan pa si Kuya. I paused the movie, hindi naman boring. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama ni Arkiel at lumabas ng kuwarto niya.
Hanggang second floor ay rinig ang ingay at tawanan nila. They're probably drinking. Sana lang ay hindi magpa lasing si Kuya.
Malayo naman ang Living room nila sa kusina kaya 'di na nila ako napansin. They're playing some games that I can't understand. Pumasok ako sa kusina at naghanap ng pwedeng makain. Should I open the fridge? Pinag isipan ko pa 'yon saglit.
"Hi, Elissa." Lumingon ako.
It's Arkiel's girlfriend, kung hindi ako nagkakamali. Tipid akong ngumiti dahil nahihiya.
"H-hello..." Hindi ko naman alam ang pangalan niya.
"Arkiel told me you were in his room?" nagulat ako roon.
Nagseselos ba siya? Baka magalit siya sa kin. At bakit sinabi ni Arkiel sa kaniya? Malamang sasabihin niya talaga. Sinabi ni Kuya noon na ganoon daw kapag may girlfriend or boyfriend. Nag u-update.
"Tinanong ko kasi kung nasaan ang kapatid ni Markus." Tumawa siya nang bahagya na parang nabasa ang isip ko. Ah. Ngumiti ako sa kaniya.
"Nanunood l-lang..." umiwas ako ng tingin nang lumipat ang tingin niya sa akin galing sa mga dessert na kinukuha niya.
"Hmm." Siya. Hindi na nagsalita.
Baka nga nag se-selos talaga siya? But she don't seem mad or what. And she really is friendly.
Hindi ko na binuksan ang fridge at kumuha na lang ng mga junk foods doon sa pantry nila.
"You don't want to join us?" lumingon ako sa kaniya.
Paalis na ito pero kinakausap pa ako kaya ngumiti ako at umiling.
"No, thank you. Hindi a-ako umiinom e." tumawa siya.
"I can see that, alagang alaga ni Markus."
"Ah, h-hindi naman." umiling ako. Nakakahiya.
"Kaya pala kahit number mo ay ayaw man lang ibigay." Humalakhak siya. Ngumiti lang ako at nahihiyang kumuha pa ng soft drinks sa fridge.
"Nice meeting you, Elissa. Babalik na ako roon."
Tumango ako, "Nice meeting you, too..."
"Venice." Dugtong niya, ngumiti ako at tumango.
"Nice meeting you, Venice." Ngumiti siya at kumaway. I sighed.
She's so pretty and so kind. No wonder why Arkiel like her.
Bumalik ako sa kwarto ni Arkiel bitbit ang dalawang coke in can at isang malaking junk food. P-in-lay ko ulit iyong movie at nag focus sa panunuod nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko na kanina ko pa hindi ginagalaw. Mom is calling.
"Hello anak what are you doing? Ayos ka lang diyan?"
"Hello, Mommy. I'm fine po."
"You're with your Kuya Markus?"
"No, Mom. He's with his friends. I'm watching some movies."
"Okay, baby. I just call to check on you."
"I'm having fun din po, Mom. Musta kayo ni Dad?"
P-in-ause ko ulit ang movie para makapag focus kay Mommy. Mahaba naman ang dress ko kaya nakaupo ako nang maayos sa kama ni Arkiel.
"We're having fun, your Dad is drinking with his friend. Nag excuse lang ako sa kanila to call you."
"I'm doing fine, Mommy. Don't worry about me. Enjoy na lang po kayo riyan. Minsan lang 'yan, Mom. Malaki na po ako."
Tumawa si Mommy. "Okay anak. Call me when you want, okay?"
"Yes po, Mom."
Pagkatapos n'on ay binaba na ni Mommy ang tawag. Tulad ng bilin ni Kuya ay t-in-ext ko siya na tumawag nga si Mommy sa akin.
Kuya Markus:
Okay, I'll call Mom.
Hindi na ako nag reply. Babalik na sana sa panunod nang makita ang pangalan ni Arkiel sa pinakauna sa text messages ko. Bago lang iyon. Binuksan ko at binasa.
Arkiel:
Venice told me you came here?
Nag reply ako.
[Uh, oo. I got something to eat.]
Arkiel:
Okay. You're not bored?
I sighed. [Hindi, Arkiel.]
Arkiel:
Okay.
Hindi na ako nag reply. Nagpatuloy ako sa panunod. Ilang saglit lang ay nag vibrate na naman ang cellphone ko. P-in-ause ko ulit ang pinapanuod. Matatapos ko ba 'to ngayon?
Arkiel:
Text me if you need anything.
Kumunot ang noo ko. I already knew that. Kanina niya pa iyon sinasabi. Nagtipa ako ng ire-reply.
[Okay, Arkiel. Enjoy.]
Gusto ko sanang sabihin na 'wag niya na ako alalahanin pero hindi ko na ginawa dahil nakakahiya naman. Baka concern lang siya dahil nasa kuwarto niya ako. Baka sa tingin niya ay nagkakalat na ako rito o nangingialam ng gamit niya. Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang panunood.
Ilang minuto lang nang mag vibrate na naman ang cellphone ko. Sinilip ko iyon at nakita na naman ang pangalan ni Arkiel. Baka pinag t-trip-an ako nito?
Hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang panunuod. Binuksan ko rin iyong isang lata ng coke, dahan dahan at baka mabasa ako. Nag vibrate ulit ang cellphone ko at nang makitang si Arkiel ulit iyon ay hindi ko na pinansin.
Pakiramdam ko ay pinag t-trip-an niya lang talaga ako. Baka may galit talaga siya sa akin at ayaw niyang manuod ako ng matiwasay. Bumuntong hininga ako. Ilang minuto at nag vibrate ulit iyon, nang makitang si Arkiel ay hindi ko na pinansin pa.
Malapit nang matapos ang pinapanuod ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Arkiel. Dahil nadadala na ako sa pinapanuod ay sumigaw na lang ako, sapat para marinig ng kung sino sa labas.
"That's open."
Narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko ba iyon napansin. Naiiyak ako dahil akala ko ay love story pero bakit namatay ang babae? When two people are in love, should one of them die? Grabe naman iyon. Pinigilan ko ang luha.
"Is it that hard to reply?"
Nagulat ako roon. Saktong natapos ang pinapanuod ko. Ibinaling ko ang tingin kay Arkiel.
"I'm sorry, h-hindi ko napansin, Arkiel!"
Am I seriously lying? Hindi ko alam. Ayaw kong malaman niyang sinadya kong hindi pansinin ang mga text niya.
"Really?" Sabay tingin niya sa cellphone kong katabi ko lang. Napalunok ako at kinuha iyon. Binasa ko ang mga text niya.
Arkiel:
If you're bored, you can text me.
Arkiel:
I need a reply.
Arkiel:
You said you want someone to talk to.
Arkiel:
You aren't gonna reply, are you?
Mabilis kong pinatay ang cellphone at tumingin kay Arkiel na ang sama na ng tingin sa akin.
"Uh sorry..."
"That's it?" Umupo siya sa single couch na nasa harap ko.
"Bakit ka nan'dito? Tapos na ba ang celebration niyo?" Imbis na sumagot ay tiningnan lang niya ako.
"B-bumaba ka na roon kung hindi pa." Umiwas ako ng tingin. I don't like the way he look at me. Hindi ko siya mabasa, at... maintindihan. Why is he even here? Dahil hindi ako nag reply?
"Mag r-reply na ako, Arkiel." Paninigurado ko sa kaniya. It's just awkward na kami lang dalawa dito. Tumingin ako sa kaniya ngunit agad ding umiwas.
"You should go back, baka inaantay ka na ng girlfriend mo."
"Girlfriend?" Tumingin ako sa kaniya at tumango. Kumunot ang noo niya.
"Venice, she's your girlfriend right?" Kinuha ko ang junk food na kanina ko pa kinakain.
"Wala akong girlfriend, Elissa."
"Venice isn't your girlfriend?" Paninigurado ko. Tinitigan niya ako nang masama na ibig sabihin ay ayaw niya nang ulitin kung ano ang mga nasabi na niya.
"Okay, okay! Pero gusto mo siya? Don't fool me Arkiel, you're happy with her!" Tumawa ako saka ipinagpatuloy ang pagkain. Uminom ako ng coke nang mauhaw.
"Iba ang gusto ko, Elissa."