Chapter 33.2 - Not Kidding
Chaviz's POV
i drove closely across the curb kung san siya naglalakad. nang makita niya ang nakabukas na bintana ko at makita ako, napatigil siya sa paglalakad.
"hoy, pasok" binuksan ko yung pinto sa passenger's seat habang nakatigil yung sasakyan ko sa harap niya.
tinaasan niya ko nang kilay habang sumisilip siya sa loob. "a.yo.ko" tapos naglakad ulit siya.
sinundan ko lang siya habang nakabukas pa rin yung pinto. "pumasok ka na nga sabi!"
tumigil siya habang hindi nakatingin sakin at nakita kong napapikit siya at nag-igting ang mga bagang niya. hinarap niya ko at ang sama na nang tingin niya. "hindi ka ba nakakaintindi nang ayoko? hindi ka marunong--"
"can i say i like you?" sabi ko pure question.
it just blurted out of my mouth. stupid. siguro sa inis ko na din sa pagiging stubborn niya. di ko alam.
can i really say i like you? do i have the guts? i don't know. i wanna find out.
nanlaki ang mga mata niya at namula. umayos siya nang tayo at naglakad nanaman. this time, medyo mabilis na. sinarado ko yung pinto habang nagtataka. minaubra ko yung kotse ko habang nakabukas pa din yung bintana ko.
"hey, can i?" i asked her. nasabi ko na. might as well, panindigan ko na. besides, i would take this as a joke. hindi ito ang plano ko para umamin sakanya. masyado pang mabilis.
"pwede ba Chaviz. kung nangtitrip ka, mamaya na lang pag nakapasok na tayo sa school. pramis, sasakyan ko yan" she said fake laughing, still fastening her pace. nakaiwas pa din yung tingin niya.
"hmm.. what if i say, its true? will you believe me?" i said, smiling.
funny, kailan pa ko nangtrip tungkol sa nararamdaman ko? eh ideny ko man o hindi, biruin ko man o seryosohin, i know in my heart i already like her.
i deserve an applause. parang naging madali lang sakin na tanggapin sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya. maybe because she's so like her. hindi nga talaga mahirap siyang magustuhan. tsaka, there's nothing wrong of falling inlove with her, right? i just accepted it na walang pagaalinlangan. funny.. really funny.
tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. sinamaan niya ko nang tingin at umikot siya nang lakad hanggang sa makarating siya sa passenger's seat. binukas-sinarado niya yun at nagcross arms.
"kung sinasabi mo lang yan para sumakay ako sa kotse mo, itigil mo na. okay? eto na oh, nakasakay na! tss. oh gorabels na! LATE NA TAYO!" saka siya pumalakpak nang dalawang beses.
nagkibit balikat na lang ako at pinaandar na yung kotse. kung yan ang gusto niyang isipin eh.
Jeraldine's POV
kaloka tong si Chaviz. ano yung i like you-i like you niya na yun? pinagtitripan niya ba ako?!!
p-pero.. mukhang seryoso kasi siya at sincere. walang halong pagbibiro o pangtitrip. kaya hindi ko naintindihan nung hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin yung mga huling sinabi ko. hindi niya dineny diba at hindi niya na ako pinilit na hindi nga joke yun.
so pinagtitripan niya talaga ako? kasi kung seryoso siya, pipilitin niya akong maniwala diber? diber?
ARGH! HAYUP! wala talagang magawa tong lalaking to sa buhay! paglaruan niya na ko't lahat, wag lang ang feelings ko! hindi niya ba alam kung gaano kalakas yung tibok nang puso ko nung sinabi niya na gusto niya ako?! hindi niya ba narinig yung ganong kalakas na tibok?! ha?!
YOU ARE READING
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter