Chapter 14 - Best buddies to the rescue XD

46 1 0
                                    

as requested by CuteMeLoveExo kaya idededicate ko to sayo XD

Chapter 14 - Best buddies to the rescue XD

Tracy's POV

"Jeraldine!" lumingon siya sakin then bigla siyang humagulgol. lumapit naman agad ako sakanya at yinakap siya

i heard what happened earlier. ang bilis kumalat. ang bilis kumalat na may eksenang ginawa itong babaeng to at nahalikan pa. at ang masaklap, si Chaviz pa. ang dakilang hari harian dito sa school. naiintindihan ko tuloy ang mga hikbi na to ni Dindz. haaay

ganito si Jeraldine. tanga kaya minsan, napapahiya. minsan, inaayawan. hindi niyo naman kasi masisisi. iniwan siya nang maaga ng mama niya at hindi din siya nasusubaybayan nang mga kuya at papa niya dahil nga masyado na silang busy sa trabaho. Dahil nga kinuha na ni Lord si Tita, naisip ng tatlong Perez's brothers na tulungan ang kanilang papa sa kumpanya. kaya parang lumaking magisa si Jeraldine without guide. meron naman. but not enough.

hindi naman niya sakit ang pagiging tanga.. talagang immune na talaga. XD and yes pinagtatawanan ko lang ang lahat nang katangahan niya. its not a big deal naman. ang alam niya kasi, umiikot ang buhay niya sa fact na tanga siya. but of course, nagiging paranoid lang siya. she just needed someone to make her realize that she's special and so important at hindi yung daig niya pa amg tangang palakad lakad sa quiapo. i can give it to her naman. of course, because she is my bestfriend. but not that enough. kaya nga kahit hindi pa dumadating yung someone na yun, andito ako para sa kaibigan ko. immature pa kasi ang pagiisip ni Jeraldine.

kaya nga nung nakilala niya yung Bernard na yun, akala niya, he's the one that can feel the spaces. bakit? kasi daw tumibok ang puso niya nung mga panahong SUMULYAP lang sakanya si Bernard. =_____= akala niya LOVE na yun kaya pinagpipilitan niya ang sarili niya sa hayup na yun. kaya mas lalo siyang nagiging tanga eh.

"B-bessyyy.." hagulgol niya. hinimas himas ko lang naman yung buhok niya. di ako nagsalita. hinayaan ko lang siyang ilabas ang hinanakit niya.

naaawa tuloy ako sa bestfriend ko. she doesn't deserve this.

"yung first kiss ko.. n-nawala na.." inalo ko lang siya habang naiyak pa rin siya. medyo kumalma na siya sa hagod ko sa likod niya.

parang gusto ko tuloy manapak. kahit wala ako dun sa pinangyarihan nang krimen (charot XD), gustong gusto kong sampalin yung Chaviz na yun sa kadahilanang--- teka.. pano ba sila nagkakilala nung tenga na yun?

"Dindz.. can i ask you a question?" nagaalinlangan man pero narealize kong may butas pa pala akong di nalulusutan.

pano ba talaga nagkakilala ang dalawang yun? nakakaintriga, grabe. di ko alam na may something na pala sa dalawa O0O Omo. di naman pwede na maglihim si Jeraldine sakin diba?

"*sniff* a-ano yun?" kumalas na siya sa yakap namin dalawa. mukhang okay naman na siya eh. ngumiti ako sakanya para iparamdam sakanya na wala naman problema. kasi medyo kinakabahan siya sa itatanong ko

ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magsalita siya "magtatanong ka siguro kung pano kami nagkakilala ni Chaviz no?"

natigilan ako. mind reader ba tong bestfriend ko? ngumiti ako sakanya at tumango. "hehe. galing mo bestfriend"

napabuntong hininga na lang siya at napakamot nang ulo. nagsimula na siyang magsalita at never ko pa siyang nakitang seryoso tulad nang ganito. minsan ko lang makita siyang ganyan. yung minsan na yun sa pamilya lang niya. madalas kasi puro kalokohan siya. pero ngayon.. @__@

"pasensya ka na Tracy kasi di ko sinabi sayo. plano ko kasi pag naging kami na ni Bernard ko sasabihin sayo"

aba walangho naman itong babaeng ito. patatagalin niya pa hanggang dun? =________= kapal din naman nang mukha nito? -,- kung hindi ko lang mahal talaga itong bestfriend ko na ito kanina ko na to pinelktusan. buti na lang at sinabi niya agad sakin kundi.. haaay

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now