Chapter 11 - Reveal your secret

85 3 2
                                    

Chapter 11

Tracy's POV

"Meeting's dismissed. magkita kita na lang tayo bukas" sabi ni Chaviz sabay kuha ng bag at kumaripas na ng takbo

bat nagmamadali yun? eh maaga pa naman. sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. baka najejebs lang?

"Tracy.." lumingon ako kay Bernard

napataas naman ako ng kilay kasi para siya pa ang najejebs. pulang pula ang mukha at kagat kagat ang labi.

"what?" nakataas pa rin ang kilay ko sakanya. teka bat ko ba siya tinatarayan?

"ano.. ahm.. gusto mo bang.. g-gusto mo bang.." namumula pa rin siya at parang wala siyang balak ituloy ang sasabihin

nyeta, ano ba yun? wag niya kong badtripin. HB ako ngayon. HIGH BLOOD! 😬

"ano ba yun? pwede ba, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin kasi busy ako ngayon at--"

"gusto mo bang lumabas?" bigla niyang sabi sakin na agad ko naman tinaasan ng kilay

"duh? oo naman!" walang gana kong sagot sakanya. napataas naman ako ng kilay ng bigla siyang ngumiti ng malapad. magsasalita na sana siya ng inunahan ko siya "lalabas ako kasi uuwi na ko. shunga ka ba? ngiti ngiti ka diyan. tabi nga!" ang weird niya.

akala ko ba, masungit at mataray itong lalaking ito? eh ang weird nga niya at parang laging tinatamaan ng LBM. -,- kinuha ko na yung bag ko at paalis na sana kasi kaming dalawa na lang ang natitira sa loob

"wait Tracy!" palabas na sana ako ng S.C room ng hinawakan niya ko sa braso. tumingin naman ako sakanya ng nakakunot ang noo

"hindi yun ang ibig kong sabihin.." medyo namumula niyang sabi. napatigil ako sa sinabi niya. ano ba talaga yung ibig niyang sabihin? parang ayaw ko marinig ah. kinakabahan ako sa sasabihin niya "Tracy, will you go out on a d--"

"wag mong itutuloy!" pigil ko sakanya at agad ko namang binawi ang kamay ko. "aalis na ko. bye!" at dali dali akong kumaripas ng takbo papalabas at iwan siya dun

d--? ano yung "d" na yun? Date? weh, assumera. pero ano bang pwedeng iyaya niya sakin na nagsstart sa letter "d"??

nah. paranoid lang ako. baka naman nagyaya lang siyang kumain ng.. dumplings diyan sa malapit na Dumpling Store. oo yun nga siguro yun. pero sorry na lang kasi medyo busy ako ngayon. magbobonding pa kami ni Iggy XD

Jeraldine's POV

akala ko pa naman, mararanasan ko ang mga nararanasan ng mga babae sa mga boyfriend nila sa first boyfriend ko. di ko naman aakalaing, gagawin lang pala akong utusan ng kapreng to! kahit fake, aba panagutan niya ang title niya kahit man lang sa harap ng ibang tao!

"RETARD! cook for me! i'm hungry" he said bluntly.

napakamalas kong tao. napatingin ako kay manang na nasa tabi lang ng hari at nakangiti saming dalawa. mga nasa 40's ang edad niya at maputi. di ko siya kilala basta pagpasok namin dito, andito na siya.

"eh mahal na hari, pano ba yan? di ako marunong magluto. pwede na ba kong umalis?"

i looked at the time. 6:59. gumagabi na rin. kailangan ko na talagang umuwi. kanina pa vibrate ng vibrate tong phone ko. hindi ko naman masagot sagot kasi utos ng utos tong yoda na to. hindi naman ako makaangal kasi nakakahiya naman kay manang na nakangiti.

"what?! no! stay!" tapos napatayo pa siya

tumingin ako sakanya at kinunotan ng noo. "what?"

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now