sorry for the last two short updates. napupurol na talaga kasi ang utak ko pagdating sa AML. hahabol ako ngayong chapter.
-------
Chapter 30 - Broken
Jeraldine's POV
andito na kami ni Chaviz sa exhibit. kaso humiwalay na siya sakin kasi hinahanap na siya nung tagapamahala nang exhibit na to.
nagtaka naman ako, bakit ba guest dito si Chaviz? may irerepresent din ba siyang painting? ang alam ko kasi, wala siyang kaalam alam pagdating sa mga ganyan eh.
pag-alis niya, bumili na ko nang ticket para makapasok. required kasi nang ticket para matignan kung sino sino ang papasok. highly rated at exclusive kasi ang mga painting dito na galing pa sa mga sikat na pintor. sobrang mahal din ang benta dito pag in-auction. kaya nga may mga bouncers pa na nakabantay sa bawat sulok nang exhibit area. medyo mahal nga ang ticket nila.
madalas din akong napunta sa mga ganitong exhibit. kumukuha kasi ako nang inspiration sa mga ganito pagdating sa pagpepaint. ito nga ang first time napagpunta dito pagkatapos nung pagbenta nang mga painting.
huhu. hindi naman ako sikat na painter at hindi din naman mahal ang ginamit ko sa pagpepaint. pero laking pagtataka ko talaga nun na sa bawat painting na ginawa ko ay higit isang milyon na. grabe lang ang yaman nung bumili.
di pa nila binubuksan ang exhibit kasi may inaasikaso pa daw. malamang, kadadating lang nung main guest, which is si Chaviz. =___=
naghihintay pa kami sa opening nang exhibit dito sa labas at medyo nahihiya na ako sa suot ko. naka-jacket kasi ako na may plain t-shirt sa loob na tinernuhan nang jeans at sneakers na kung ikukumpara mo sa mga tao na nandito sa labas na naka-formal attire at sophisticated tapos mukhang mayayaman pa. na-out of place tuloy ako.
kinuha ko na lang yung mcdo burger ko at nagsimulang kumain. bawal daw kasi kumain sa loob. no food policy sucks.
habang ineenjoy ko ang pagkain, may kumalabit sakin. at pagharap ko dito, tumambad sakin ang isang taong hindi kilala.
"hi miss. papasok ka din ba dito?" nakangiting tanong niya.
medyo na-star struck pa ko sa itsura niya kasi ang puti puti at singkit ang mga mata niya. parang may lahing koreano. nakasuot siya nang unbuttoned denim jacket na may printed white t-shirt sa loob. naka jeans at naka-shoes ito partnered by a beanie at the top of his red-orange hair. kung iba ang nagsuot, iisipin mong kagaya din siya nang suot ko na simple lang pero pag siya nagsuot, may dating at class na hindi mo iisiping simple lang yung damit. na kahit anong anggulo mo tignan, parang nagmomodel lang siya.
Summer kasi ako. walang class T^T geh ang corny. 😂
"uhh.. oo" tapos inangat ko ang ticket ko.
"wow really? fan ka din ba ni Mr. Lance?"
Mr. Lance? sino yun?
"he's the co-producer nitong event na to at sakanya lahat ang mga painting na ieexhibit dito" sabi niya na parang nabasa niya yung isip ko.
ahh. si Mr. Lance. di ko siya kilala. pumunta lang naman kasi ako dito para sa mga paintings eh.
"h-hindi ko siya kilala eh" i said, trying to be not so rude. mukha kasing nirerespeto siya dito according dun sa mga attire nila. hindi ko naman kasi alam na may required clothing dito eh.
"huh? eh kung ganon, bakit ka naandito?" he asked.
medyo napahiya naman ako dun. grabe, nakakapagtaka ba kung bakit ako nandito tapos hindi ko man lang kilala yung paintor na nag exhibit na to?
BINABASA MO ANG
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter