Chapter 21 - Ribbon Band
Chaviz's POV
Nakarating na kami nang boutique at pinapili ko na agad siya nang mga damit na magustuhan niya. At ngayon, nagsusukat na siya. I checked the time. 6:30. 8:00 pa yung party. We still have time.
"nope.."
"ugly.."
"next.."
"di bagay.."
"ugh! Panget! Wala na bang iba?"
Kanina pa ko nagrereklamo at kanina pa siya pauli uli sa pagsusukat nang tamang dress. Pero wala pa rin akong makitang perfect fit for her. Ang papanget kasi, tss.
"ano ba yan? Choosy pa ba?" reklamo din niya.
"the dresses you picked, stinks" I said then brought out my phone. I dialed the person who is needed right now
"yow, Ben.."
"yow, Chaviiz! What's up bro? Bigla ka na lang nawala kanina! May nangyari ba?"
"tss. Its none of your business, Bernard. Anyway, I need your help.."
Jeraldine's POV
"tss. Its none of your business, Bernard. Anyway, I need your help.."
Nakakainis itong lalaking ito. Pinapili ako nang damit na magustuhan ko, pinasukat sakin and he told me that everything I picked, stinks. Tapos tatawagin niya si Bernard my bebs para humingi nang tulong? Nakakainsulto na ah! Ganun ba ako ka-unsophisticated?! -_-"
"papunta na dito si Ben. And you," sabay turo sakin "behave. Or else!" then tumayo siya at lumabas nang boutique.
Behave? Bakit? Ano bang gagawin ko? *grins* kyaaaa~ pupunta daw si Bernaaard! What to dooo?
"miss, tulungan mo naman ako oh! Mukha ka namang sophisticated. Pakipili naman ako nang damit na babagay sakin oh~" kinakausap ko yung saleslady.
"n-naku ma'am! Nagbabantay lang po ako dito!"
"bilis na~! Parating na prince charming ko ohh~"
**
Chaviz's POV
15 minutes wala pa rin si Bernard. Aish! Kahit kailan pa-VIP talaga yung lalaking yun nampota! Nasasayang ang oras ko!
"what seems to be the problem bro? Fashion problem nanaman ba?" tapos tinawanan niya ko.
That's him. Sasalabungin ako na may kasamang insulto. Late na nga, tapos siya pa ang may ganang manginsulto. Kapal lagi nang mukha. Nakakainis.
"shut up. Late ka na nga at sinayang mo pa oras ko. Bwiset. Hindi para sakin. Kundi para sa kanya" sabay turo kay Jeraldine form the glass door.
"hehe. Sorry. Wrong timing kasi ang pagtawag mo. Nagpahatid pa kasi si Johanna sakin. Eh alam mo naman yun. Anyway, sino ba ang nangangailangan nang magic ni Bernard Augustine?" Sinilip niya naman yung loob tapos kumunot ang noo niya.
"teka sino nga ba talaga? Asan ba, dude?" tanong niya sakin habang nakatingin pa rin sa bintana
"tss. Maghanap ka kaya!" sabi ko pero nakatingin ako sa phone ko. Nagtext kasi si Ate. Sabi niya, aattend daw siya sa reunion. Grr. This woman. Always a party-pooper. Asar. Eh hindi naman siya invited.
"sino nga ba kasi yung tinutukoy mo? Hindi ako manghuhula ha!"
Argh! Isa pa tong si Bernard! "si Jeraldine! Sino pa ba ang kasama ko kanina. Tch" focus pa rin ako sa phone ko.
YOU ARE READING
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter