Chapter 15 - The Truth
Jeraldine's POV
"nakauwi na ko!" sigaw ko sa buong bahay. hindi naman halatang masaya ako no? lol. dahil kay Tracy mah best bud, nakalimutan ko ang karumal dumal na pangyayari na yun kaninang umaga sa tapat nang school gate. pano kamo? lol first time kasing manlibre ng McDo ni Tracy eh kaya super saya ko \(^ㅂ^)/
"hi bunso!" lumapit si Kuya Jerald sakin at pinisil ang pisngi ko. pagkakita ko pa lang kay Kuya, naalala ko si Kuya John. Magkakamukha kasi sila. Super gwapo pa! Pero para sakin, mas gwapo si Kuya Je. HAHAHAHA! Wag niyo sabihin sakanya kasi lalaki ulo niyan. Lol.
"kuya, si Kuya John?" tanong ko habang naghuhubad nang sapatos
"ah.. nasa kwarto. nagmumukmok" nakangising sabi niya na parang may naalala siya.
"may sakit ba si kuya? kaninang umaga kasi parang.. ang tamlay niya" sabi ko sakanya. napansin ko namang lumabas galing kusina si papa at si kuya Jackson
"oh Jeraldine. Nakauwi ka na pala." at hinalikan ako sa pisngi ni papa.
napansin ko namang kakagaling lang nila sa paguusap kasi nakasimangot si Kuya Jackson paglabas nila sa kusina
"may sakit ba kamo?" at bumungisngis si Kuya Jerald "sakit sa puso pwede pa!" at tuluyan na nga talaga siyang tumawa. nanlaki naman ang mata ko sa narinig
"SAKIT SA PUSO?!" natatawa namang umiiling lang si papa at umakyat na sa hagdan
"hay naku Jeraldine. pagsabihan mo nga yang kuya mong pugo! tigas nang ulo eh! sayo lang naman makikinig yan" naiiritang sabi ni Kuya Jackson saka umupo nang padabog sa sofa at binuksan ang t.v. mukhang badtrip nga siya kay kuya.
"ano ba talagang nangyari?" tanong ko sa kuya jerald na hindi matanggal tanggal ang ngisi "hay naku bunso. ang slow mo talaga kahit kailan"
Eh di wow. tinaasan ko naman siya nang kilay at binigyan ko siya nang tingin na "wala nang paligoy ligoy pa pwede?"
"heart broken yang kuya mong hilaw sa EX-GIRLFRIEND niya" bulong niya sakin pero pasigaw niyang sinabi yung "EX-GIRLFRIEND" na para bang pinaparinggan niya ang kuya john.
"ha? ex-girlfriend? break na ba sila ni ate Barbie?" si ate Barbie yung girlfriend ni kuya; na sa tingin ko ngayon eh wala na sila
"yes tama ka bunso. eh sobra kasing magmahal yang si John kaya sobra ding masaktan" John nanaman tawag niya kay kuya. palibhasa isang taon lang naman ang agwat nila
"kaya wag ka na magalala. makakamove on din yang si John. baka nga bukas may kasa-kasama na yang ibang babae" tapos tumawa siya nang malakas. napatingin naman si kuya jackson sakanya na may iritableng tingin.
muntanga talaga tong si kuya. tawa nang tawa. maya niyan, baka kung ano pa ang kapalit niyan. wahaha! BV ko talaga.
inirapan ko lang ang kakulitan nang mga kuya ko saka dumiretso na nang kwarto ko para makapagbihis. hindi ko na muna kakausapin si kuya. baka kasi wala pa sa mood makipagusap yan at mabigat pa ang loob. alam ko naman kung gano niya kamahal si Ate Barbie eh.
dumiretso ako nang kwarto at nagpahinga muna saglit. ang daming nangyari ngayong araw na yun. sa sobrang dami, sumasakit ang ulo ko -_-
naalala ko nanaman yung kanina at di sinasadyang mahawakan ko ang labi ko. ramdam ko pa rin hanggang ngayon yung labi niya sa labi ko..
>//////<
ehhhh! smack lang naman yun eh! bakit parang di makalimutan nang labi ko ang malambot at mapula niyang-- ay teka teka.. ano ba yang pinagiisip mo Jeraldine?! anong malambot at mapula?! gumising ka nga! T^T
YOU ARE READING
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter