Chapter 7 - Unforgettable ang Embarassing

114 2 2
                                    

Para feel niyo ang chapter na ito.. click the video t the side: Jump Then Fall. hahahaha!

Chapter 7

FLASHBACK

"Know about Bernard Skyle Augustine, The Hunk Billionaire Model"

ayan na. nabasa ko na yung title! sana naman worth it ang 250 pesos na hiningi ko pa kay papa sa makakalap na impormasyon ko sakanya.

"MC: How are you feeling that you had the title of the most gorgeus hunk model in Philippines? Bernard: Well... blah blah skip na tayo diyan. alam ko na yan"

finlip ko yung page at nakita ko agad ang malaking heading dun, "How to be a perfect match for a perfect guy, Bernard Skyle Augustine". kinuha ko ang handy dandy notebook ko at tinadtad na ribbon na ballpen at kinopya ang lahat na naandun..

"according to interview.." blah blah blah blah ayun number 1!

"number 1: he likes girls who has long silky bouncy hair and layered brown"

makapunta nga sa salon bukas.

KINABUKASAN

"woah kapatid! anong ginawa mo sa buhok mo?" tapos hinawakan niya yung dulo ng buhok ko

kung dati long straight ang buhok ko at napakaplain black, ngayon bouncy na siya at layered brown na.

umakyat ako sa kwarto at binuksan ang handy dandy notebook ko na nakatago sa ilalim ng damitan ko

"number 2: he likes girls who has snow white, american skin and has no any freckles or pimples witnessed in her face"

wala naman ako pimples or freckles, maitim nga lang ako. pagluta ako bukas.

KINABUKASAN

"woah kapatid! anong ginawa mo sa balat mo? ang putiii! para kang amerikana!" nginitian ko siya at nagthank you sakanya at umakyat agad ako ng kwarto

kinuha ang aking handy dandy notebook at binasa ng malakas ang next step.

"number 3: he likes girls who has chubby cheeks ang pouty lips"

counted na yun. chubby naman cheeks ko eh at maglip gloss lang ako pouty na lips ko. hahaha! next step..

"number 4: he likes girls who looks good on skinny jeans and likes to put on make-up but has natural beauty"

skinny jeans? i look good on skinny jeans but i don't like wearing them at all. -,- nangangati ako sa skinny jeans. di ba pwedeng magbaggy pants na lang? make-up? nandidiri ako sa mga make-up stuffs at allergic ako sa powder -,- natural beauty? of course meron ako niyan. kaso nagpagluta na ko -,-

pero kaya to! mahuhumaling ka din sakin Bernard Augustine!

KINABUKASAN [MONDAY]

"what the hell Dindz?! anong ginawa mo ngayong weekend at nagkaganyan ang mukha mo?! namumula ang mga mata mo tapos ang dami mong kamot! at.. yang kutis mo? anyare sa morena skin mo? nagpagluta ka ba? tsaka nagpagupit ka pa at nagpakulay? eh ayos naman yung buhok mo na straight diba? ano bang pinaggagawa mo sa buhay?"

napayuko na lang ako sa hiya kasi pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin sa classroom kasi napasigaw pa si Tracy. kung titignan sa salamin, namumula nga ang mga mata ko kasi nga allergic ako sa powder at puno ng kamot ang mukha ko. ganun din ang legs ko, puro kamot kasi nagsuot ako ng skinny jeans kahapon kasi naisip ko para masanay na ang balat ko pero mali ako. nagkasugat na nga ako kasi kinakamot ko pa. tapos nung cinonditioner ko yung buhok ko kanina, bigla siyang nagdry at bumuhaghag nung tumuyo. yun pala, yung ginamit nung bakla na gumupit sakin na pangkulay sa buhok ko ay expired na. kung titignan, para akong lumusong sa chemicals.

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now