Chapter 23 - Boyfriend Material
Jeraldine's POV
"sisihin niyo si Vince!"
"oh bakit ako?!"
"sino ba kasi ang naginvite nang ganung kadami na tao? Diba ikaw lang naman?"
"ako?!"
"idedeny niya pa yan!"
"pwede ba manahimik na kayo? Ang iingay niyo eh" si Ate Arlene na yung sumigaw. Kanina pa kasi nagiingay yung mga tao dito sa loob nang private room nang bar at ni isa sakanila, hindi ko kilala. Except for Ate Arlene and Bernard.
Eh eto naman kasi si Chaviz, bigla bigla na lang namumutla. Pagpasok niya sa bar, namutla na siya agad. Nagalala naman agad ang mga kasama niya dito sa loob. Tapos pagkaupo niya, hindi na siya nagsasalita at pinagpapawisan pa nang malamig. Ano bang meron?
"sorry talaga bro" sabi ni Bernard.
"tss.."
"aish.. Sorry din Viz. Kasalanan ko" tinignan lang siya ni Chaviz nang masama saka hinawakan yung sentido. Katabi ko lang siya kaya kitang kita ko kung gano siya nahihirapan dun sa sakit ng ulo niya. Bakit naman bigla bigla na lang nasakit ang ulo nito? Pinaypayan ko siya gamit ang panyo ko. Baka naiinitan lang to?
"uy okay ka lang?" bulong ko sakanya
Tumingin siya sakin at napatitig. Uhh.. May dumi ba sa mukha ko? Kumunot ang noo ko nung lumalim yung tingin niya sakin. Yung parang.. May sinasabi yung mga mata niya. Napako tuloy ako sa kinauupuan ko. Matagal tagal din yung titig niya sakin pero hindi ko magawang lumihis din nang tingin. Nagtitigan kami nang ilang minuto at hindi ko alam kung bakit hindi ako umiiwas nang tingin. Ewan ko pero kasi.. Wala. Ang weird nang feeling. Ano bang nangyayari dito?
"uhh.. Chaviz?" nagawa ko ding magsalita
"tss.." sabi niya lang at lumihis nang tingin. Napahilamos siya sa mukha niya at binaon ang mukha sa palad. Nakita kong tumabi sakanya si Ate Arlene at binigyan nang gamot na galing sa bag niya at isang basong tubig. Inabot naman yun ni Chaviz at ininom. Tapos binulungan niya si Chaviz na hindi ko naman alam kung ano ba.
Seryoso.. Anong nangyayari? May sakit ba si Chaviz?
Kinalabit ko yung babae na katabi ko at tinanong siya, "ano bang meron?"
Mukhang nagulat ata siya sa tanong ko dahil tinignan niya agad ako nang pagtataka. "di mo ba alam?"
Itatanong ko ba sayo kung oo? "ah.. Hindi eh" siya na yung tinanong ko kasi siya lang naman ang hindi busy eh.
"ikaw mismo na girlfriend, hindi mo alam ang nangyayari sa boyfriend mo?" nagtataka niyang tanong. Eh sa hindi ko nga alam eh!
"hindi eh" simple kong sabi. Pansin ko namang nakatingin na sakin ang mga tao dito.
"may claustrophobia si Chaviz. Takot siya sa mga matataong/masisikip na lugar"
**
"sigurado ka bang okay ka na?" tanong ni Ate Arlene nung nasa labas na kami nang bar
"oo nga.."
"sure ka?"
"oo nga sabi.."
"weh?"
"ate.."
Ganyan lang paguusap nila hanggang sa makarating kami nang kotse ni Chaviz.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Genç Kurgu08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter