Chapter 13 - Dumbest prank

49 1 0
                                    

sorry for late update T0T

Chapter 13 - Dumbest prank

Chaviz's POV

"kyaa! salamat po lola sa pagkain. naku nakakahiya naman po at nagbaon pa ako. hehe. masarap po kasi ang luto niyo eh!" pambobola nung babae kay nanay Teresa.

=___= ang ingay niya. bakit kasi sa lahat nang babae siya pa ang nahingian ko nang pabor? mukhang wala naman akong mapapala sakanya

"ikaw talaga bata ka. binola mo pa ako. haha!" nakangiting sabi ni nanay.

bakit kasi nagawa pa yang tradisyon na yan? pwede namang, ibigay agad sakin ang mana ko, bat kailangan pang ikasal? napakadaya talaga.

"totoo po iyon lola. sana po magkausap ulit tayo sa susunod. at sa susunod na yun lola, ako naman po ang magluluto para sainyo" nakangiti niyang sabi kay nanay.

kung itatanong niyo kung anong tingin ko kay Jeraldine? isa lang ang masasabi ko. desperada.

unang tingin pa lang sakanya, iisipin mong hindi siya yung taong, bibigay na lang dahil sa isang grasya. hindi siya bababa sa posisyon niya para lang makuha kung anong gusto niya. kaya nung narinig ko mula sakanya na, umoo siya sa alok ko dahil ang kapalit ay mapalapit sa bestfriend ko na si Bernard na matagal niya na palang gusto.

ikakasal siya sakin. itatali siya sakin. at nung mga panahong umoo na siya at pumasok siya dito sa sitwasyon na ito, wala nang urungan. walang magaganap na 3month-deal saming dalawa. walang magaganap na retuhan. walang magaganap na pagpapanggap. tuloy na kami sa pagkakakasal. i know its unfair. i know i'm so selfish for not saying her the truth. pero ganun din ata ako. desperado. pero magkaiba kami. magkaibang magkaiba.

kaya sorry na lang sakanya. hindi ko naman siya kakilala o kaibigan para makonsensya ako. bahala siya. basta makuha ko lang ang mana ko mula sa daddy. wala na kong paki matali sa iba. basta nakuha ko ang gusto ko.

"huy. ang tahimik mo ah?" nabigla ako nang bigla siyang magsalita pagkatapos nang namuong katahimikan. andito na kami sa kotse ko at hinahatid ko na siya sakanila. wag kayong magisip ng iba diyan. pinilit lang talaga ako ni nanay Tere kaya hinahatid ko siya. napilitan lang ako, okay?

"tsk. ano naman sayo?" irita kong tanong

"wow. nagiimprove ang pagtatagalog mo ah? pagpatuloy mo lang yan" tas nagthumbs up siya, dinededma ang tanong ko

ano bang meron sa pagtatagalog ko? is that even a big deal? oo alam kong madalas ako magenglish. pero minsan lang. madalas ako magtagalog sa school pati na rin sa bahay. sa mga kaibigan ko madalas ako magtagalog. pag kausap ko naman ang ibang tao, tagalog pa rin ang lenggwahe ko. malay ko ba sakanya kung bakit napakalaki nang issue ang pageenglish ko. this is a democratic community. i can speak any language i want to speak. is she a retard? -,-

"this friday, are you free?" tanong ko na lang sakanya.

don't think malicous. i'm not asking her for a date. i'm gonna introduce her to my parents, now that they've come back from states. gusto ko na agad matapos to. at makuha ko na ang gusto ko. hmm.. ano kaya unang bibilhin ko sa pera ko? how about an Ice Silver Metallic Lamborghini? sounds nice.

"hmm.. siguro. bakit? yieeee! yayayain mo ko sa date no?" tapos tinusok niya ko sa tagiliran na di ko alam kung bakit.

sabi na nga ba sasabihin niya yan eh. napakamalisyosa niya talaga. tsk. sa lahat nang ayoko ang mga malisyosang babae. napakafeelingera at mga assumera. inuunahan ang kilig bago magisip. open-mindedless human.

"retard. ipapakilala kita sa parents ko" matipid kong sagot sa tanong sakanya. kahit hindi naman yun ang appropriate na sagot para sa tanong niya.

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now