Chapter 4 - Jaw Drop

119 2 0
                                    

Chapter 4 - Jaw Drop

Bernard's POV

this is my first time to have a point of view right? right? hehe kung ganun.. lulubus lubusin ko na.

ang totoo niyan.. hindi talaga ako masungit na tao. actually, friendly ako at enemy free. madami akong kaibigan at madami din akong fans ;) kung tutuusin, lahat ng social networking sites, meron akong access. para san pa at naging multi billionaire ako hindi ba? effort ko lahat yan simula nung highschool pa lang ako. kung sa unang tingin, akala niyo snob ako o at galit sa mundo. pero, once na nakita mo ang mala-rectangle kong ngiti, magsimula ka ng kiligin. hahaha! di sa pagmamayabang. just stating the fact. hinding hindi ako magmamana sa pagkahangin ng bestfriend ko na si Chaviz. haha! hindi lang kasi ako showy. friendly ako, pero snob din ako. hahaha! naguguluhan ako sa sarili ko. haha hindi naman kasi ako katulad ni Chaviz na masungit na sa loob, masungit na rin sa labas. ako kasi, friendly ako pero hindi yung feeling close. In short, MAYAMANG POGI BONUS PA ANG PAGIGING MABAIT. period.

may mga kaibigan ako (malamang. di naman ako loner ano?), except kay Chaviz na childhood bestfriend ko, anim kami.. ay no, mali. labing dalawa kaming magkakatropa. tanging kaming anim na lamang ang natitira dito sa pilipinas. yung ibang anim? nag around the world na. yung iba kasi samin, graduate na kaya nagkahiwa hiwalay na. yung natirang nagaaral pa ay kami nina, Chaviz,  Dennis, Francis, Vince, Lorrence, at si Xander. kaming pitong loko loko na naiwan. yung dalawang pinakamatanda samin na si Lorrence at si Xander, hindi pa nakakagraduate sa kadahilanang nagtake sila ng major sa accountancy. di pa sila graduate pero ngayong year na to matatapos ang last sem nila. nasa London sila para magtapos dun. si Jefferson naman, last sem niya na kaya magrereview siya dun sa Cali. may girlfriend na nga ang mokong di man lang nagsasabi. nalaman lang namin nung bumisita kami isang beses sa bahay nila. hanggang ngayon di pa rin umaamin. ni hindi nga nagpaparamdam. -,-

matagal tagal din kaming di nagkikita at nabubuong labing dalawa. nakakamiss nga kasi madami din kaming nagagawa na minsan di ko maimagine na nagawa pala namin nung highschool. kumbaga tawag ng mga teachers samin nun ay "Demon's Elite" hahaha! eh kasi naman, demonyo kami nung mga highschool kami. Elite naman kasi kami ang pinakamayaman sa lahat. eh lahat na ata ng estudyante nun sa school na pinapasukan namin dati nabiktima na ng prankness namin. pati nga teacher, di namin pinalampas. hahaha! pero kahit na ganun kami kasiraulo, syempre, maintained ang grades namin. kahit papano may puso din kami nun. hahaha! nakakamiss talaga.

at tungkol dun sa family problem.. totoo yun. lately lang namin nalaman yung sakit ni papa, leukemia stage 4 na siya kaya nagaalala na kami. lumapit na kami sa isang expert specialist at wala na siyang sinabi kundi, maghintay na lamang. what the hell, he call himself expert and he'll say that?! tsk. si dad naman wala ibang nasa isip kundi ang mga pamana niya, ang pera niya. may tradisyon ang pamilya namin na bago makuha ang pamana ng nagdaan na generation sa pamilya namin, kakailanganin muna itong makasal, arranged o legal, upang makuha ang mga pamana. but for me.. money is not my worth. ang mahalaga sakin ay mabuhay si dad. mahal ko si dad kahit napakastrict niya minsan, at minsan naman may topak na parang ewan. kaya mahirap isipin para sakin na ako na ang nagiisang anak niya, mawawala pa siya sakin. wala akong kapatid at siya ang tinuturi kong bestfriend. pero.. ngayon, malubha na ang sakit niya. nyeta. kung may magagawa lang sana ako nagawa ko na.

kaya nga nagpapasalamat ako na kahit naghiwa hiwalay na kaming magkakatropa, dinadamayan pa rin nila ako kahit skype man lang o chat. lalo na si Chaviz. hayst, kapatid na ang turing ko dun. kaya nga kami naturingang "kambal ng tadhana" kasi lagi kaming magkasama. hahaha! kalalaki kong tao, ang daldal ko =___= sabi ko naman kasi sainyo eh, madaldal at heart ako. haha!

"Bernard!"

lumingon naman ako dun sa tumawag sakin at nakita ko ang walangya kong bestfriend na papalapit sakin. nyeta to. di man lang tumawag o nagtext na dito na siya magaaral. suprise suprise pang nalalaman -,-

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now