Chapter 32 - Cheesecake, The Yellow Stufftoy

12 0 2
                                    

Chapter 32 - Cheesecake, The Yellow Stufftoy

Jeraldine's POV

masakit pa din hanggang ngayon.

nasasaktan ako sa isang bagay na wala pa namang kasiguraduhan. hindi ko pa kasi alam kung totoo yung iniisip ko. maaaring mali ako o tama. hindi ko dapat hinusgahan si Tracy kanina. napakasama kong kaibigan para isiping tinatraydor ako nang sarili kong kaibigan. hindi dapat ako nagiisip nang mga ganung bagay unless sabihin nila ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa.

pero halatang halata naman talaga eh! i can see it. at ayokong isipin na dahil kay Bernard ay hindi ko na nakakasama si Tracy sa mga nakaraang araw. posible ba yun? na ang dahilan kung bakit hindi nagpaparamdam si Tracy sa mga nakaraang araw dahil kasama niya si Bernard?

h-hindi naman diba? hindi naman siguro.

haaay.. napaparanoid nanaman ako. mali ito. mali ang iniisip kong ito. mamaya tatawagan ko si Tracy para magsorry sakanya. mali yung akusahan ko siya sa isang bagay na wala namang patunay na kaya nga niyang gawin.

may tiwala ako sakanya.

napangiti ako. kakalimutan ko na lang yung kanina para hindi na ko magisip nang kung ano.

"para kang tanga. ano namang nginingiti mo diyan? parang kanina eh parang bata ka kung umiyak, nayon naman, nababaliw ka na kakangiti?"

napatingin ako kay Chaviz na nasa driver's seat at nagdadrive. nakakunot nanaman ang noo niya na parang may ginawa akong kasalanan sakanya. ang hard niya talaga =___=

"bakit? masama na bang ngumiti? =3="

hindi ko na sinabi kay Chaviz yung nangyari kanina. hindi naman siya nagpumilit pang malaman at hinayaan niya lang akong umiyak. unang beses kong nayakap si Chaviz at swear, ang bango bango niya >///

nagdadrive na siya ngayon papunta sa condo niya. tinanong ko nga siya kung bakit kasama pa ako eh pwede niya naman na kong ihatid pauwi. at alam niyo ba kung anong sinagot niya sakin?

"maglilinis ka ulit sa unit ko. ang dumi dumi na. pakitandaan na hindi pa tapos ang palugit mong 3 months na pagiging slave ko"

yun ang sabi niya. eh sa pagkakaalam ko, ang palugit na 3 months ay para magpanggap kaming on diba? bakit slave? ?___? pero di ko na pinansin. alam ko namang miss na miss niya na ako eh XD

"oo. nakakatakot ka kapag ngumingiti ka"

"ay sus! ang sabihin mo, kinikilig ka kapag nginingitian kita! WAHAHA! yieeee!!! aminin! gusto mo na ako no?" at tumawa ulit ako nang malakas.

pero inismiran niya lang ako at hindi na ko pinansin. hmm, kunwari pa siya! eh pulang pula na nga yung tenga niya eh! XD ang cute ni Red Yoda!

"may gusto ka na sakin eh!"

"wala ah! feeling!" =___=

"anong feeling? totoo naman kaya! halata ka eh!" ^____^

"aish! pwede bang tumahimik ka na lang ha?" =__=

"aysuuuus!!! pulang pula kaya yung tenga mo!" ^___^

pagkatapos kong sabihin yun, nanlaki ang mga mata niya at napatingin sakin. natawa ako nang umiwas siya nang tingin at takpan ang tenga niya. Pero agad naman niyang binitawan yun dahil nga nagdadrive siya.

"HAHAHAHA!!"

pero sinimangutan niya lang ako.

napangiti ako. kahit papano, napagaan ni Chaviz ang pakiramdam ko. kahit sinisimangutan niya ko at sinusungitan, napapangiti niya ako. yung kahit ganyan ang ugali niya, ang sarap niya kasama. wahaha! nababaliw na ko. ^____^

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora