Happy birthday nga pala sa mommy, mama, nanay, mother, mader ko. Love you talaga!! Stay healthy, ma! Love you! Mwah!
Chapter 26 - My Little Nemesis
Jeraldine's POV
Saan ba talaga ako dadalhin nang yoda na to??
Malapit na kami sa parking lot at hanggang ngayon, hila hila pa rin ako ni Chaviz at dinadala ako sa unknown. Yung kaninang enjoy na enjoy akong kumain nang flying saucer at kasama ko ang crush ko tapos bigla na lang susulpot tong yoda na to na parang kabute? At hihilahin pa ko kung saan! Aba matindi! Nakuuuu! Buti na lang at bago pa niya mahila yung braso ko kanina, naitago ko na agad sa bag ko ang mga precious ko. Kundi, mangyari nanaman yung dati.
"uy san mo ko dadalhin??" naiirita kong tanong. Hindi siya sumagot.
"Chaviz!" tawag ko sakanya
"tss. Come with me" ha?? Ang gulo din nang lalaking to.
"come with me? san nga?" ang kulit naman kasi eh! Kung san san niya ko dinadala! Ako naman tong sama din nang sama! Kaya ako nasasabihan at napapagalitan eh. -_-
"get in.." nasa tapat na pala kami nang kotse niya?
"eh teka! May klase pa kaya tayo! Ayoko magcutting!" baka mahuli pa ko at maisumbong pa ko kina kuya! Aalis na sana ako nang hawakan niya ulit ang braso ko
"ano ba?! Todo nanching ka ah!" sabi ko. Eh kasi lagi niya na lang ako hinahawakan! Pasalamat siya at may favor ako sakanya kaya free nanching siya diyan. Tss.
"stupid brat! Samahan mo ko! I'll handle that. Kung yan lang din ang pinoproblema mo. Pasok!" tapos tinulak niya ko sa loob nang kotse kaya wala akong nagawa.
Anong klase yun? Nila-lang niya lang yung pagcucutting?? Hindi niya ba alam na against sa rules and regulations nang univ. yun? Abnormal to! Palibhasa mayaman!! -_-
"yan ka nanaman! Dadalhin mo nanaman ako kung saan! Tapos hindi mo ko ipapaalam! Tapos papagalitan nanaman ako nina kuya! Tapos magaalala nanaman sila! Tapos--" hindi na ko nakatapos magsalita nang bigla niyang hablutin ang phone ko mula sa bulsa ko. Aba't--
"hoy!! Anong ginagawa mo?!" aagawin ko na sana yung phone ko sakanya nang magsalita siya.
"nagrereklamo ka na hindi kita pinapaalam? O yan na nga oh! Tatawagan ko na. Tss. Sariling responsibilidad di pa magawa.." sus. Ibubulong niya pa yung huli pero rinig ko naman.
"hindi ko naman kasi alam kung anong ipapaalam ko" sabi ko na lang. Pero di siya sumagot. Tinawagan niya na lang kung sino mang idinial niya sa phone ko.
"hello?.. Its Chaviz.. Calm down.. I'm her boyfriend.. Whatever. I'll take her somewhere at ipinapaalam niya sainyo yun.. Don't worry, i'll take care of her.." then he ended the call. Yun na yun?!
"anong sabi niya?" inabot niya sakin yung phone ko at nakita ko na ang tinawagan niya ay si Kuya John. Mabuti naman. Akala ko sina Kuya Jackson yun eh. Kundi malaking problema yun. Tsk tsk.
Di niya nanaman ako sinagot at pinaandar niya na yung kotse. "tss eh di wag mong sagutin. Sungit nito" sabi ko pero nanahimik lang siya.
Ano bang problema niya? Kanina pa siya ah! Tapos nakakunot nanaman ang noo. May nakain ba to?
Maya maya biglang nagring yung phone niya. "answer it. Hindi ko dala ang blutetooth headset ko" sabi niya. Fine.
"loud speak" eh? Loud speak daw? Pinindot ko yung "speaker" at may nagsalita sa kabila. Boses babae. Ate Pam ang pangalan.
YOU ARE READING
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter