Chapter 19 - Mission Accomplished (?)

52 1 0
                                    

[EDITED]

Chapter 19 - Mission Accomplished (?)

Jeraldine's POV

its MONDAY!!!!!

at ngayon ang start nang OPERATION: BERNALDINE! kyaaaaa!! excited na ko!! >__< naghihintay na ko ngayon kay Tracy na makalabas sa student council room. 5 minutes na lang tapos na ang meeting nila! >_<

"kyaaaa! Chaviz! wait for meeee!!" napatingin ako dun sa tumili at nakita kong hinahabol niya si Chaviz.

ang daan nila ay papunta sa direksyon ko (kasi nga diba, nakaabang ako sa harap nang S.C room? diba president siya nang student council?). kaya nagtaka ako agad nang hindi ako niya pinansin. tsk. whatever.

kung itatanong niyo naman kung anong nangyari pagkatapos nang dinner date na yun? well wala namang nangyari. except lang dun sa lalong dumagdag ang pagkainis ko kay Chaviz pagkatapos nun. lalo niya kasi akong binubwiset! lagi niya kong tinetext na , 'bakit ang panget mo?', tsaka 'bakit ka pa nabuhay sa mundo?', tapos 'nakakabwiset ka' isa pa, 'you know I hate you'

talk about papansin no? kung ayaw niya naman sakin pwede niya namang ideretso niya na personally. tsk asar. buti na lang talaga hindi niya ko binubwiset ngayon. kundi.. GRR!

and oh, hindi ko na muna inintindi ang painting na nakadisplay sa 'bahay' nila. siguro, cinopy paste lang yun nang kung sinong gumaya nang gawa ko. but i'll find out soon who that is. Tapos ipapakulong ko siya sa kaso nang plagiarism. SERYOSO AKO! =__=

"Dindz, halika na!"

KYAAAAAAAAAA!!! andyan na si Tracy! lumingon ako sakanya at nginitian ko siya nang malapad. hindi naman halatang excited ako no? >_< nagsimula na ding maglabasan ang mga S.C officers kasama na ang aking napakagwapong Bernard. *///*

"lika, sundan natin siya.." sabi niya sakin at agad ako hinila sa braso.

"ha? sinong susundan natin?" inirapan niya ko at tinignan.

"eh di si liit!"

aaaah! hahaha! jusko naman. akala ko naman kung sino. si Bernard lang pala. liit kasi tawag niya dun. di ko alam kung bakit. matangkad naman si Bernard my loves eh -3-

palabas na kami nang school gate at sinundan namin siya sa parking lot. sumakay siya sa kotse niya at agad na pinaharurot. Mukha ngang nagmamadali eh.

"hala pano yan Tracy? pano natin siya susundan?" tanong ko habang nandito kami sa likod nang poste

napansin kong napaisip siya. "ah! wait lang.." hinila niya nanaman ako kung saan at nagpatianod lang ako.

"where are you.." rinig kong bulong niya habang natakbo kami at parang may hinahanap siya

"ah! andiyan ka lang pala!" sabi niya nung nahanap niya na yung hinahanap niya. napakunot naman ang noo ko sa sinasabi niya. sino bang kausap nento?

hinila niya ulit ako at tumigil kami sa tapat nang isang Black Ford. kinalikot niya ang bag niya at may kinuha dun.. susi.

nanlaki ang mata ko at hinarap siya "sayo tong kotse na to?"

"obvious ba? oo sakin to" at binuksan niya na yung pinto nang driver's seat saka sumakay dito.

umikot naman ako at sumakay sa passenger's seat. "san ba tayo pupunta? akala ko ba susundan natin si Bernard?" nakapout kong sabi. agad naman akong binatukan ni Tracy.

"aray! bat ka ba nambabatok diyan?"

"Slow mo kasi! malamang, susundan nga natin yang Bernard mo diba? kaya tumahimik ka na muna ngayon. traffic ngayon kaya hindi pa siya nakakalayo"

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang