Chapter 25 - Mustard

11 0 0
                                    

Chapter 25 - Mustard

Bernard's POV

Umaga nanaman at papasok nanaman! Kahit may hangover pa dulot nang kagabi, kailangang pumasok. Makikita ko nanaman kasi ang inspirasyon ko. :")

Kagabi, may balak talaga akong yayain si Tracy bilang date ko. Kasi required naman talaga kasi dare yun ni Vince. Pero naisip ko na isa sa mga pinsan ko na lang ang yayain ko. At yun nga, si Johanna. Natatakot kasi talaga ako sa rejection. Ulit..

Pero buti na lang talaga at si Johanna ang isinama ko sa mga babaeng pinsan ko. Kasi nabigyan niya din ako nang mga advice tungkol sa panliligaw. Na siya naman daw na expert doon ayon sa past experiences niya sa mga dinedate niya.

"ang isang torpe, metaphor niyan ang isang tinatamad na early bird. Diba nga sabi nila, "an early bird catches the worm"" naghihintay pa ko nang idudugtong niya dun dahil bitin pero ang mga narinig ko lang mula sakanya, "aba, matalino ka naman eh. ikaw na bahalang ifigure-out yan" then walk-out. Oh diba? Ang bait niyang pinsan?

Pero kahit hindi naman niya dugtungan, gets ko naman na ang ibig niyang sabihin. Hay.

Dumaan muna ako sa favorite hotdog stall sa tabi nang school at bibili nang breakfast ko. Hindi na kasi ako nagbebreakfast sa bahay. Tuwing Saturdays and sundays lang. Lagi kasi akong walang kasabay kumain tuwing maguumagahan ako. Lahat kasi sila, busy. Tapos yung madalas ko pang makasabay, wala. Nasa ospital, nagpapagaling. Kaya it feels more lonely than eating alone in a nearby hotdog stall. Atleast dun, kakuwentuhan ko ang tindera na si ate Cora. Ito din kasi ang takbuhan ko pagnabobored o badtrip ako. Footlong lang ang katapat. Yes.

"ate Cora, dalawang footlong nga po" order ko tapos nginitian ko si ate Cora. Nginitian din naman niya ko pabalik. Wala eh, suki!

"Bernard?"

Napatingin ako sa tumawag nang pangalan ko. Si Jeraldine! Anong ginagawa niya dito?

"oh Jeraldine! Ikaw pala. Hi!" kinawayan ko siya

Napansin ko namang naging uneasy siya.

"h-hello.." she managed to say something kaya di ko na lang pinansin.

"anong ginagawa mo dito? First time kitang nakita dito ah" niluluto na ni ate Cora yung hotdog. Yum!

"a-ah.. Nabili ako nang flying saucer. Nadaanan ko lang kaya naisipan kong bumili. Favorite ko kasi to eh" rinig kong sabi niya. Nakita ko namang inabot ni Ate Cora yung tatlong packs ata nang flying saucer at binigay kay Jeraldine. Tapos balik siya sa pagluluto nang hotdog ko (sheesh. Sagwa pakinggan). Hay minsan concerned ako sa pagmumulti-tasking ni Ate Cora. Matanda na kasi siya at may edad na. Sabi ko maghanap naman siya nang tutulong sakanya pero sinabi niya okay lang daw. May iba ibang pamilya na kasi ang mga anak niya kaya wala din namang makakatulong sakanya.

"ah ganun ba. Favorite spot ko kasi to everytime na papasok ako sa school. I like their footlong here kaya napapadalas na din ako dito" sabi ko habang kinukuha ko mula kay Ate Cora yung dalawang footlong. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat. Kinuha ko yung mustard sa tabi at pinaliguan ko yung hotdog. Favorite ko kasi to lalo na sa footlong. Hindi ko nilagyan yung isa kasi di ko naman alam kung mahilig ba si Tracy sa mustard o hindi. Oo tama kayo. Ibibigay ko nga yung isang footlong kay Tracy. Baka kasi hindi pa siya nagaalmusal kaya gusto ko siyang bigyan.

"di ka naman mahilig sa mustard?" nagtanong si Jeraldine. Di ka din mahilig sa flying saucer? Haha! Tatlo tatlo kasi hawak niya at pustahang sakanya lang yang mga yan. XD pero siyempre di ko na sinabi sakanya yun. Baka sabihin niya, baboy siya sa paningin ko.

"haha! Eto kasi ang pinakafavorite ko. Pati sa pizza nilalagyan ko nang mustard. Masarap kasi!" sabay kagat sa footlong. Ahhh! Gutom na gutom na ko! Hindi pa ako nakakapagbreakfast "shabay na chayo?" niyaya ko siyang pumasok na. Malelate na din kasi kami eh.

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now