Chapter 27 - Konsensya

9 0 0
                                    

Chapter 27 - Konsensya

"let's just play here, kuya! I'm not hungry pa eh!" pagrereklamo nung mestisahing bata sa isang matangkad na lalaki na malaki ang tenga.

"alright, we'll play" lumiwanag yung mukha ni Kyna "but let's eat first, Kyna. Its already lunch time" sumimangot siya sa pagaaya nang kuya niya. Pero umiling lang ito nang marahas at umupo sa sahig. Tumingin siya sakin at inirapan ako. Taray naman nitong batang to. Andito ako sa sofa at prenteng prente na nakaupo. Hehe. Nasa ibang bahay nanaman ako. -_- dapat ba kasi sa lahat nang lakad nitong si Chaviz, kailangan kasama ako?

"c'mon. Don't be stubborn. Derik and Devonne are already there" tapos sinuyo suyo niya pa yung bata. Naiinis na nga siya dahil matigas nga ang ulo ni Kyna.

"let her out first!" what? Ako nanaman?

"Kyna!" napatingin ako dun sa tumawag nang pangalan nung bata at nakita ko ang isang babae na palapit kay Kyna liit.

"watch your words, young lady. Mas matanda pa rin sayo si Ate Jeraldine" kilala niya ko? "pasensya ka na sa pamangkin ko ah. Talagang mataray talaga siya" sabi niya sakin habang nakangiti.

Nginitian ko din naman siya. Mukhang mabait kasi at hindi naman ganun kataray ang aura niya. Di tulad nang pamangkin niya. -_-

"lika na Kyna. Let's help tita Wendy prepare our lunch" sumunod naman sakanya yung bata at pumunta na sila sa dining room. Kaya kami na lang ni Chaviz ang naandito sa sala

"kapatid mo si Kyna diba? So ibig sabihin, tita mo din yun?" tanong ko kay Chaviz. Wala, curious lang naman ako.

"Kyna's not really my sister. Lumaki lang siyang kasama ako kaya she thought that i'm his brother"

"but of course she knows about it" dagdag niya at nagkibit balikat siya tapos inabot ang kamay niya sakin "come. Let's eat"

Naguluhan ako at tinignan nang pagtataka yung kamay niya. Bakit kailangang iabot ang kamay niya sakin? Kumunot ang noo niya.

"don't tell me magpapakastubborn ka din?" nakapoker face niyang tanong. Agad ko naman siyang tinaasan nang kilay at tumayo.

"duh! Kaya kong pumunta dun, magisa" naglakad na ko paalis. Pero bago pa ko makaalis, nakasalubong ko si Danica

"I was just about to call you. Lika na kayong dalawa. Kainan na!" masigla niyang sabi at hinila niya ko sa dining room nila.

"tss" rinig kong sabi ni Chaviz. Di ko na lang pinansin at nagpatianod na lang sakanya.

Buti naman at tinawag niya kami. Wala din akong kaalam alam kung nasan yun eh. Alibi ko lang yung kanina. Hehe.

Sa lunch, as usual pinakilala nanaman ako ni Chaviz as his girlfriend. Eto nanaman ako at hindi pa nasasanay. Eh duh! Pano naman ako matutuwa? Eh wala nga kaming feelings sa isa't isa tapos naging kami? Wala ngang ligawan eh!

"so Chaviz, iho, I heard na nakilala na ng parents mo si Jeraldine personally. Is she the one?" tanong ni Tita Pam. The one talaga?

"i hope so.." sinabi niya yun nang nakatingin lamang sa plato niya at nakain. Gumagaling siya sa pagaacting ah? Teka, pakialam ko ba sakanya?

"of course naman! Just believe. Sa nakikita ko naman, magtatagal kayo. Bagay na bagay kayo eh!" palihim akong napairap. Grabe naman. Magtatagal? Kung totoo lang tong relationship na to, baka nga wala pang 1 week naibreak ko na to eh. Teka, bakit ko naman naiisip na magiging totoo to? Tama na nga, Dindz.

A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)Where stories live. Discover now