There will be no epilogue in this story. Just a cliffhanger lang naman. HAHA! Wait for book 2 title: "A Bittersweet Coincidence" Abangan niyo ah? Haha!
Enjoy reading! ^__^ sana hindi kayo madisappoint T___T
------------------------------
Chapter 38 - Tragic
Totoo nga ang sabi sabing, nakakamatay ang maling akala.
Dahil akala ko okay kami. Na akala ko wala nang mangyayaring masama. Na akala ko, instinct ko nanaman tong palpak na hindi naman nagkakatotoo.
Pero bakit ganun? Bakit kung kailan nakaramdam ako matinding kasiyahan kasama siya, kung kailan sobra akong nakuntento basta't kasama ko siya, eh biglang magkakatotoo ang kutob ko.
Iniwan niya ako.. iniwan niya ako.
Hindi niya man lang sinabi kagabi, kung kailan pinaramdam niya sakin na pwede palang sumaya nang sobra sobra, na aalis siya na wala man lang sinabihan. Nang hindi man lang sakin nakapagpaalam.
Sobrang sakit. Na umasa ka na sa paggising mo sa umaga, na naandyan pa din siya. Handa nang harapin ang araw na kasama ka. Pero ayun. Wala na. Para ngang hindi siya pumunta dito dahil simot na simot ang mga dinala niyang mga gamit.
Akala ko.. magiging masaya tong bakasyong to.
I tried contacting him, i tried dialling his number countless of times. I tried many possible ways to have contact with him. I even tried to contact ate Arlene at kung sino sinong close sakanya, to know where is he.
Pero ni isa sakanila.. walang nakakaalam. May pakiramdam akong alam ni ate. Pero hindi niya naman maamin o masabi sakin.
Bakit? Pinagtatakpan ba niya yung kapatid niya? Ano bang ginagawa ni Chaviz ngayon? Mas importante pa kaya yun kaysa sa pagbibigay alam sakin na aalis siya?
Whatever the reason is, kailangan kong malaman.
"Anak? Nakahanda na yung sasakyan." Narinig ko yung boses ni papa sa labas ng banyo.
Tumunghay ako at tumingin sa pintuan. "O-opo, papa. M-magbabanlaw lang po." I've been draining myself inside the tub for hours. Punong puno pa ito. Hindi na ako magtataka kung magkakasakit ako.
Tutal, wala na akong pakealam. Siguro sapat na yung dahilan na yun para bumalik si Chaviz. Para makita ko ulit siya. Para masabi niya sakin yung rason niya kung bakit bigla siyang umalis.
Umahon na ako na naging dahilan ng pag-awas ng tubig. Kumuha ng twalya sa towel rack. Binalot ko ito sa buong katawan ko at lumabas na ng tub. Hindi ko alam na basa yung buong sahig ng tubig at ng bath soap. Pagtapak ko pa lang sa sahig, naramdaman ko na ang madulas na likido sa ilalim ng paa ko, dahilan para madulas ako at mapatama yung ulo ko sa gilid nung tub.
Wala na akong pakealam. I'm emotionally and physically hurting right now. But i don't care anymore. I don't care what's painful right now.
I just want him back. Just him.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
A Mistaken Letter (Love Letter Entry#1)
Teen Fiction08/23/2014 - 04/27/2016 A Mistaken Letter