Okay, another sabaw moment mula sa ating mga mahal na Malory at Valiente, hehe. Pambawi sa previous chapter <3
07:19 June 02, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]BREE GRANGER
Isang nakakagigil na yugyog ang gumising sa akin. Anong nangyari sa alarm clock ko at bakit may kung sino mang nagmamay-ari ng kamay na ito ang pilit na sinisira ang maganda kong tulog?
"Bree, OMG ka! Kung hindi ko pa binuksan 'yang cellphone mo 'di ko na malalamang nagmessage pala sa'yo si Madigan." Buti naman sana kung sa braso niya ako hinahawakan dahil nakatagilid naman ako pero bakit sa balikat ko pang may sugat?
"Generys, masakit," daing ko bago ko man malakas na sampalin ang kamay niya. Nayayamot akong bumangon saka marahas na inayos ang maikli kong buhok.
"Bakit ka naman--" hindi ko na tinapos ang sasabihin dahil nanggigigil na ako. Hawak niya ang cellphone ko at nakabukas ang message tab.
"Just wanna see kung may email din ang academy sa iyo. Hindi ko naman kasalanang ito ang bubungad sa akin," saad niya saka nagkibit-balikat balikat. So, kasalan kong hindi in-exit ang tab kagabi dahil gusto ko nang matulog? Pero napatingin ulit ako sa kanya ng may kunot sa noo.
"Email? Yung reunion ba?" Naguguluhan siyang tumango. Totoong may reunion? Si Generys at ang ka-batch ko dito sa Malory, sa Valiente ay dalawa at hindi doon kasali si Fort. Anong trip n'un?
"Sa pagkakaalam ko, pati rin ang batch nina Kio." Laglag ang parehas kong panga at balikat. Naghihirap ba ang academy at isahang reunion na lang ang ginawa. Bakit hindi na lang pinagsabaysabay mula sa batch ng lola ko? "Ewan ko rin kung bakit. Pero in-inform ka naman ni Madigan, 'di ba?"
Which is weird dahil parang alam naman niyang may ka-batch ako dito.
"Tsina-tsansing-an ka lang siguro n'un," natatawang sambit niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko. Pero, eww...? Seriously? Kahit pa siguro ako na lang ang natitirang babae rito sa buong mundo hindi siya magiging mabait sa akin. Isa yata ako sa pinakaayaw niya.
"Woi!" Hearing his voice is the worst feeling of all. Kahit na sobrang inis ko'y pinilit ko pa ring pinakalma ang sarili at pumihit pabalik para makaharap siya gamit ang pinakapeke kong ngiti sa lahat.
His bag hung on his left shoulder, he was wearing his unbuttoned school uniform seeing the white t-shirt inside, and his well-ironed pants. Kunot ang noo niya at hawak ang isang tablet.
"Po?" With my fakest attitude, he's a senior after all. He scoffed and looked somewhere before throwing the tablet to me na buti na lang ay nasalo ko. Tangina, sobrang yaman niya ba na okay lang sa kanya na hindi ko masalo?
"Withdraw your registration." Ahh! He's talking about the COC. Pero sino ba siya para pigilan ako sa pagtakbo ko bilang student council?
"Teacher ka po?" Sa pinakawalang modo kong tono. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"You're too young for this, next year ka na lang. The president position is for the graduating seniors," paliwanag niya na hindi ko pa rin maintindihan. Sinasabi niya bang hindi ako karapat-dapat? Well in fact, isang taon lang naman ang agwat namin.
"Walang sinabi sa rules," deretsa kong tugon. "Po." Dinagdag ko na rin para hindi masyadong nakaka-offend.
So I still insist which resulting to a tie. Naghati kami sa posisyon na para sa kanya ay dapat sa kanya lang at nabigyan ako ng special consideration na mamaintain ang position ko bilang student supreme until next school year. Malay ko bang marami ring nagkakagusto sa akin sa academy kaya maraming nagvote sa akin at hindi lang siya ang may admirers?
BINABASA MO ANG
Malory
Science FictionLet us hunt beasts and stay alive. ••• In the year 2100, a failed scientific project leads to the release of devouring beasts. Malory, the lowest-ranked unit among a group of hunters, steps into the night to save their fellow countrymen from the re...