14:00 July 10, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]Bree Granger
We have been expecting it. Sa mga nagdaang linggo matapos na payagang magbigay ng reward ang mga tao sa kahit anong mga pribadong grupo, mas nagiging magulo na ang lahat. Akalain mo't may pangalan na ring ibinigay sa kanila.
"Reapers..." Magnus randomly uttered out of nowhere. "No lie, mas cool ang pangalan nila kesa Hunters."
Napasinghal ako at binigyan ko siya ng mapanuring tingin. Tapos bigla-bigla na lamang nabilaukan si Larasati.
"Ate Bree," tawag niya sa akin habang pasan ang dibdib. "'Yan ba 'yung tinatawag nilang bombastic side eye?"
As usual, we all looked at her confusedly. Magkakaharap kami ngayon sa conference hall. Kio just brought up what he heard in Capitol Jail a while ago. Now we are here to brainstorm. But instead of coming up with a plan, this kid uttered nonsense again.
"Luh, you're all so outdated talaga. Alam niyo, our generation's trend is to dig Gen Z's," paliwanag ni Alki. I almost forgot. Silang dalawa ang nangunguna sa kalokohan and Generys will just eventually join them.
"Eesh. Mas illegal namang pakinggan ang Reapers kesa Hunters."
"True!" I immediately agreed. Mabilis na napalingon sa akin si Kio at Generys.
"What?" singhal ko sa kanilang dalawa. "Ayaw mong parehas tayo ng naiisip?"
Sa sobrang rare na sitwasyon ang sang-ayunan namin ang isa't isa ni Kio, ang OA na ng reaksyon nila.
Totoo namang ang illegal pakinggan and not to mention that they really are illegal to begin with. They shouldn't be created in the first place. Kaya nga may Ministry of Protection para mawala ang mga halimaw na nagkalat. They started to let the organizations to make units para opisyal na maging hunters. Tapos gagawa sila ng sa kanila ng sila-sila lang? Tangina! Edi sana libre na lang lahat.
"Okay, enough for that." Nagsalita rin si Chasin sa wakas. Kanina pa kasing malalim ang iniisip. Nakapatong ang siko niya sa lamesa at nakasandal ang baba niya sa magkasiklop niyang kamay.
Dahil seryosong usapan na ito ay umayos na kaming lahat ng pag-upo. It's been a long time since we have this formal meeting inside conference hall.
"We are all aware that our mission will start at any time so I want you all to be attentive," he started. Tumango kami bilang pagsang-ayon.
"But the thing is...we have a concern." He is so serious that I can't react at all. Sinenyasan niya si Kio kaya lumipat sa kanya ngayon ang atensiyon namin.
"Since the Reapers are just popping out in no time, we got a problem looking for a beast to hunt." Gusto kong magsalita dahil hindi ko maintindihan pero nanatili lamang akong nakinig. Sabi nga ni Magnus, Don't talk when your mouth is full...of nonsense.
Ipinakita niya sa hologram namin ang mga listahan ng mga halimaw na naghahasik ng lagim sa mga araw ngayon. There's a lot of them. Ang iba ay na-encounter na namin, may mga hindi pa kami nakikita sa personal at ilan ay mga hybrid.
"Well, pwede pa naman tayong pumili diyan but the thing is the new rule right?" Napa-ohh ako ng mahina. Patango-tango naman ang iba.
"But that's not the real problem here," saad niya. Sumunod niyang ipinakita ang hindi pamilyar na litrato ng isang grupo. They're aren't wearing a kind of uniform of their unit or a badge. It means these are the Reapers.
"Malalaman natin kung anong unit na ang nakapili sa isang beast at nasa sa atin na kung makipag-agawan pa tayo sa kanila o hindi na." Mas naging seryoso na siya sa pagsalita. "And for the Reapers, since they aren't registered, hindi natin alam kung sila na 'yung tumatapos halimaw."
BINABASA MO ANG
Malory
Science FictionLet us hunt beasts and stay alive. ••• In the year 2100, a failed scientific project leads to the release of devouring beasts. Malory, the lowest-ranked unit among a group of hunters, steps into the night to save their fellow countrymen from the re...