[16] The Reapers

8 3 0
                                    

09:35 July 10, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]

Takio Miles

"Sigurado ka? Talaga? Totoo?" pangungulit ni Generys kay Larasati habang nag-aayos sila ng weapons na gagamitin nila sa training.

"Oo nga. Si Doc Cath na rin ang nagsabi na pwede na ulit ako," halatang naiinis nang sagot ng isa.

Napailing ako sa kanilang dalawa. Mabuti at susulong na naman kami sa isang misyon pero ngayon ay iisang grupo na. Simula kasi nang ganap na kaming hunter ay never pa kaming nagpunta sa isang misyon as-- one.

Dahan-dahan kong isinara ang laptop at nag-unat ng braso nang matapos kong mabisita ang website ng Ministry of Protection. Isang linggo na ang nakalipas and the ranking is simultaneously changing. May umangat, may bumababa but the worst of all-- may nawawala. Sad to admit, may mga namatay na ring ibang hunters and some disbanded.

Nag-aalala nga kami kay Morgan. Noong nakaraang araw pa siyang walang imik at madalas naming napapansing nakatulala lang, parang ngayon. We know that the death of her comrades is still hunting her. Minsan nga kapag napapadaan ako sa silid niya ay hindi ko alam kung matatakot ako o malulungkot. Akala ko kasi that time may multo since wala namang nagmamay-ari ng room na iyon noon but then I remember that Morgan owned it now.

Kaagad kong tiningnan ang oras. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko ngayon sa weapon chamber ng headquarters. Busy sila sa pag-aayos ng mga weapon nila.

Alki is helping Larasati on cleaning her katana na matagal nang 'di nagagamit. Si Denzel naman ay inaayos ang electric whip ni Generys dahil nagkaroon ng malfunction sa handle habang ang babae ay na nakikipagdaldalan sa dalawang bunso. Si Bree naman ay tahimik na kinikilatis ang mga baril sa lamesa kasama ng kambal. Hindi naman kasi talaga siya tahimik, nahawa lang siya sa dalawa. Si Azai, ayun, nauna na sa training room. Certified most punctual sa aming sampo. Samantalang si Morgan naman ay nakatulala sa kinauupuan niya habang hawak ang pana niya.

Dahil tapos ko na ang gawain ko ay maingat akong tumayo at lilisanin ko na sana ang silid ng narinig ko ang pagpeke ng ubo ni Bree. Nang lumingon ako sa kanya ay nakatingin na silang dalawa ni Chasin sa akin.

"Saan ka punta?" tanong niya at deretso lang mukha.

"To the moon," isasagot ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka maiputok pa sa akin ni Bree 'yung baril na hawak niya.

"Bibisitahin ko si Joaquin,"sagot ko na lang. Nagtinginan muna silang dalawa bago niya ako tinanguhan.

Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya. "Baka gusto mong magpasama."

Hell no!

"Huwag na." Hulog ng langit ang sinabi ni Chasin.  I smiled teasingly at them and waved my right hand two times. Hindi ko inalis ang ngiti sa labi kong tumalikod sa kanila saka naglakad palapit sa pinto.

Agad nagbukas ang pintuan kaya deretso lang ako palabas. Sumakay ako sa kotse ni Chasin at inilagay ang fingerprint ko sa scanner saka ito umandar. Hindi naman madamot ng sasakyan si Chasin maliban na lang kung hindi ka nagpaalam na gamitin ang mga pagmamay-ari niya.

Hindi pala ako nagpaalam.

Anyways, sa kulungan ako pupunta ngayon. Bibisitahin ko ang ama ko. Bakit ko siya bibisitahin? Gusto kong ipakita sa kanya na deserve niya kung anong kalagayan niya ngayon. Adik siya sa drugs at madalas niyang saktan pamilya ko. One more thing, he's disturbing us.

He used to be a responsible father. Hindi ko nga alam kung bakit o kailan siya natutong mag-adik. Ang alam ko lang, nagsimula kong mapansin ang kakaiba sa kanya nang unang beses akong umuwi ng bahay noong kasisimula ko pa lang maging miyembro ng Malory.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon