[10] Hybrids

13 6 0
                                    

14:34 June 04, 2100
[Computer Lab, Malory Hideout]

TAKIO MILES

"Aaah." Binuksan ko ang bunganga habang hindi inaalis ang paningin ko sa screen at ang pagtipa ko sa keyboard. Naging hudyat naman iyon ni Bree para subuan ako ng Super Crunch na binili ng mga bunso. Mabilis ko iyon nginuya.

"Akala ko naman kung anong tulong na sinasabi mo, ang subuan ka lang pala," hindi halatang reklamo niya saka sumubo rin ng chips.

"As if naman na may alam ka sa coding at hacking. Para hindi ka naman pabigat, pakainin mo ako. Aah!" Sinubuan niya ako ulit.

Hindi niya ako puwedeng awayin ngayon dahil importante ang ginagawa ko. Nandito kami ngayon sa computer lab ng hideout at sinusubukan kong alisin ang virus ng flash drive na nakuha namin sa researcher na iyon.

I'm certain that Doctor Bendon is somehow innocent. The thought that they gave him a device with bugs, they perhaps wanted to get rid of him, shut his mouth up or they don't want him to reveal their secrets. Bakit hindi na lang nila siya patayin, hindi ba? Maybe also, they wanted him to be their scapegoat.

"You know I'm getting bored. I can't even understand every code that you're typing. Hindi ka rin nagsasalita." Totoong nagrereklamo na siya. Pakialam ko?

"I can't concentrate when I'm talking or when someone's keeps on asking," pinal kong saad. Kita ko sa dulo ng mata ko ang pag-ikot ng mata niya. Binuka ko ulit ang bibig ko at siya namang sinubuan ako. Good.

"Nababagot na din ako." Napaigtad kaming dalawa ni Bree. Mabilis kaming lumingon dalawa at nakita naming nakaupo si Magnus sa sofang nasa likuran lang namin.

Tangina. Nakalimutan kong kasama pala namin siyang pumasok dito. Tamad siyang nakasandal sa inuupuan niya at kumakain ng potato chips.

"Huwag niyong sabihing nakalimutan niyo ako?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Bree. Pati siya hindi din naalala. "Nevermind. Let's just entertainment ourselves."

Umayos siya nang upo. Dahil kalahating oras ko nang nagtitipa sa keyboard ay pinaikot ko ang swivel chair na inuupuan ko para humarap sa kanya.

"Why don't we decide who's the cat and the dog from the two of you?" Kumuha ng marami si Bree ng chips sa kinakain namin saka ibinato sa kanya.

"Magnus, kung walang matinong sasabihin, isara ang bibig!" Padabog siyang tumalikod at hinarap ang napakaraming screen at hologram. Naiiling akong ibinaling ang tuon sa ginagawa ko kanina.

Bree and her anger issue. I'm not serious about that. Madali lang siyang magalit at mainis pero hindi 'yung talagang may issue siya. She can control it. Normal siya. Wala, gusto ko lang sabihing may anger issue siya. Also, she can't fight back when she's tired.

Cat and dog? Ganoon ba kami kadalas magbangayan? Parang 'di naman. Madalas ko lang siya iniinis kasi nakakatawa iyong mukha niya kapag napupuruhan ko. Magaling din naman siya mangbara kaya minsan nakakapikon. 

Pero dahil mukha siyang laging mangangagat...

"I'll go with being cat. All Bree can do is to bark," I casually said. Hindi na ako nagulat nang isinubo niya sa akin ang chips na napupuno sa kamay niya. I almost choke.

"Then be it. Pusa ka. Masamang damo, 'di pa naliligo!" Saka siya umalis sa silid. Panay ang tawa namin ni Magnus sa ginawa niya.

Maya-maya pa ay pumasok si Chasin sa loob. Tumingin ako sa kanya nang hindi pa rin naalis ang aliw sa mukha ko. Okay, he's giving me a death glare but I won't stagger.

Tangina. Nagsumbong ang babae.

"I asked her, hindi siya nagsumbong," he explained like he read my mind. Nagkibit-balikat lang ako saka sinubukan ulit na linisin ang flash drive. Madali naman akong naging seryoso sa ginagawa. Not that I'm afraid to our captain, sinipag lang ako.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon