11:00 July 04, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]Bree Granger
Halos isang buwan na ang nakalipas matapos nagkaroon ng bagong rules ang Capitol. Marami na ring nag-iba. Kung noon ay smooth lang ang pag-hunt sa mga beasts sa iba't ibang lugar dito sa Necropolis City, ngayon ay halos mawasak na ang ilang gusali at nagkakagulo na ang ilan. Maliban kasi sa pagiging competitive ng ilang hunter ay naging aggressive na rin ang mga halimaw.
Puspusan ang naging training namin sa mga nagdaang linggo bilang isang grupo. Si Larasati, kunting push na lang ay pwede na ulit siyang sumama sa amin. She's recovering well.
"Mas marami na ang naging casualties sa mga hunter kumpara noong isang linggo," saad ni Morgan habang inihahanda sa lamesa ang mga niluto niya. "If they won't stop with their dirty tricks, magpapanic ang mga tao."
Malakas na napabuntong-hininga si Larasati matapos maiayos ang mga pinggan at kutsara na gagamitin namin. Naupo ito sa tabi ni Morgan na kauupo lang din.
"By the way, Julian and Valiente tied at the top of the ranking."
I made face from what I've heard from Generys. Naiinis pa rin ako kapag naririnig ko ang unit nila lalo na at nasa pinakamataas pa rin silang ranggo. Okay, we can't deny that they indeed strong but do I care?
"The management is already demanding us to make a move. The beasts were now shockingly increased and more violent," bungad ni Chasin saka umupo sa bakanteng upuan.
Tama. Malory is back on its spot - the lowest rank. We are again the weakest hunter in their eyes. Atleast hindi kami katulad ng mga ibang grupo ngayon na nagkakainitan na.
Whichever unit attacked last for the beast to be killed will only be the one to get the given points.
Kawawa ang mga nakaunang makahanap sa halimaw. Kahit pa sa'yo galing ang lahat ng attack na natanggap ng beast hangga't hindi ito namamatay, hindi sa'yo mapupunta ang puntos. Ang pinakamalas pa n'on, kung may isang grupo na naghihintay lang na maging kritikal ang kalagayan ng halimaw saka aatake at napatay ito, sa kanila ang puntos.
It's now a battle of the most cunning and wicked unit. The rule is rule. Hindi pinagbabawal na mandaya.
"The western part of the city is slowly vanishing. Hindi lahat ng unit ay kayang ubusin ang mga ibang halimaw na nagtatago sa lugar na iyon. So some unregistered group of hunters took the opportunity to hunt, ang aim lang nila ay ang rewards na ibibigay ng taga-roon."
Naningkit ang mata ko sa ibinahagi ni Magnus. The sudden change of rules turns the city upside-down. Kung titingnan ay parang wala nang batas na sinusunod ang mga tao. This is indeed a survival of the fittest.
"And." Sinundan namin ng tingin ang boses ng nagsalita. "Wala na naman si Kuya Kio." It was Alki.
"Oh. Nakita ko siyang lumabas kaninang madaling araw. Hindi nga niya ako napansin na nakaupo doon sa common room," dugtong ni Azai na kararating din at naupo sa tabi ko.
"Si Denzel din," ani ko.
Nilibot ko pa ang tingin ko sa kanilang lahat para tingnan kung sinong wala. Hindi na ako nagtakang hindi namin kasabay si Kio dahil madalas siyang wala. Uuwi na lang siya kapag hapon o madilim na. Minsan halata pa sa mukha niya ang pasa. Nadadagdagan tuloy ang speculation kong miyembro siya ng gang.
"Ah, si Denzel? Lumabas din siya ilang minuto matapos makaalis si kuya Kio. Siguro sinundan niya," si Azai ulit ang nagsalita. "Hindi rin ako napansin kanina at dumeretso lang."
Hindi na kami nagpatuloy pa sa pag-discuss kung nasaan ang dalawang iyon at nagsimulang kumain. Hindi rin naman ako nakapagpokus sa pagkain dahil kanina pa tingin nang tingin sa akin si Generys. Katapat ko siya sa lamesa kaya halata ko sa mukha niya na may gusto siyang iopen up sa akin.
BINABASA MO ANG
Malory
Science FictionLet us hunt beasts and stay alive. ••• In the year 2100, a failed scientific project leads to the release of devouring beasts. Malory, the lowest-ranked unit among a group of hunters, steps into the night to save their fellow countrymen from the re...