[11] Password's Password

15 7 0
                                    

17:15 June 04, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]

Bree Granger

If I have a list of people who I hate the most, ganoon din sa mga ginagawa ko o mas ayon na banggiting pinapagawa sa akin.

Una, this beasts hunting. Yes, of course, my duty as a hunter is a big privilege and somehow give me a chance of being heroic, I think. But, hell the origin. Kung hindi nagbida-bida ang mga scientists at researchers na ibalik ang mga nawala na 'di sana napapahamak ang mga tao ngayon. Hindi rin sana kami nagpapagod na pumatay ng mga halimaw na 'yan.

Pangalawa at siya ring panghuli, ang pagtuturo sa mga trainee sa Malory Headquarters. Oo, siyempre, ang pagtuturo sa mga susunod na hunter ay malaking tulong. Pero kung nakikipag-cooperate sila sa amin 'di sana pangit ang pag-uwi namin ngayon.

Ano bang pumasok sa isip ni Chasin at bigla-bigla na lang mag-uutos ng gan'un?

Noong unang beses na mang-train kami sa mga nanduroon, mayroong labing-tatlong taong gulang na lalaking trainee ang daig si Kio sa pagtipa ng mga devices. Babansagan ko na sanang hulog ng langit dahil sa talino pero tangina, daig din si Kio sa kayabangan. Kung hindi lang ako binantayan ni Denzel noong araw na iyon ay baka natusok ko na ang dalawang mata ng bata sa ilang beses niya bang pag-irap.

Tapos kani-kanina lang, mas nadagdagan pa sila. Kapag naaalala ko talaga ang pagmamayabang nila kanina ay kumukulo ang dugo ko.

"A-ate, baka maputol na 'yang kutsarang hawak mo." Tila mahimasmasan naman ako sa sinabi ni Alki.

Kanina pa kami nakauwi at napagpasiyahan naming maghapunan na dahil na rin sa ginawa namin. Pagdating namin kanina ay 'di na naalis ang inis sa mukha ko. At sinong hindi?

"Baka gusto mo disposable chopsticks," tanong ni Magnus sa akin kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. Aanhin ko ang chopsticks? At bakit disposable?

"Para mas madaling maputol." Umirap muna siya bago sumagot na tila nabasa niya ang nasa isip ko. Sinamaan ko siya ng tingin at kumain ulit. Mas masungit pa siya kaysa babae. Siya pa ang tusukin ko ng chopsticks, eh.

Nasuspende sa ere ang kutsarang isusubo ko sana nang tumikhim si Denzel. Katatapos lamang niyang uminom nang tubig at pinupunasan na ang kanyang bibig gamit ang tissue.

"Why does Kio isn't around, yet?" Tanong niya.

Oo nga, 'no? He chose to be left behind- or rather to say, permitted to- and transfer the files on a clean drive. Pero ilang oras na ang nakalipas at sana ay nandirito na siya para ireport kung ano ang nasa loob n'on.

"Still on the process, I think," hindi siguradong sagot ni Chasin. That long? Umiling ako habang nakatingin sa kinakain ko saka iniangat ang tingin para makita sila.

"Maybe he lied," kibit-balikat na tugon ni Generys bago sumubo ng kanyang pagkain. Some thing that Kio can do.

"Or delayed, kasi baka inuna niyang mag-rest," hirit ni Magnus. Pwede rin naman but I doubt. I rather want to hear him say that he delayed because he wanted to have some fun first before doing so.

"Hmm. Siguro'y natapos na at nagpapahinga," Morgan added. Siguro nga, pero parang hindi rin.

"O baka hindi niya pa siguro ginawa," ungos ni Azai. I'm a bit surprised when I heard him talk. Minsan lang siya magsalita at maki-get-along sa amin.

Wala nang balak pang sumabat pa. Umalis sa hapagkainan si Denzel dahil natapos na rin naman siya. Sumunod si Alki at nagpaalam na matutulog na pero ang too ay maglalaro na naman ng online games. Nagpaalam na rin si Azai kahit 'di pa nauubos ang pagkain.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon