[19] No One Is Allowed To Leave

17 3 0
                                    

20:40 July 10, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]

Magnus Solivan

Akala ko kilala ko na ang mga kasama ko. Hindi naman sa kailangang malaman ko kung ano ang mga tinatago o problema nila. We've been together for two years at kahit pagpikit ko ay alam ko na ang mga hulma ng mukha nila. Ganoon ko sila kakilala. Pero hanggang doon lang.

We came from different areas of this city. So it is no surprise that we have differences in any aspects. At ang mga pagkakaiba namin ay sa sarili lang namin iyon.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kambal ko at kay Denzel. Si Chasin lang ang nakatingin dito samantalang nakatulala lang ang isa. Napalingon ako kay Bree at Morgan na nagbubulungan. When Bree caught me looking at them, I just rolled my eyes at her and turn to watch the two boys again.

"Mayroon pa tayong pag-uusapan, 'di ba?" Ako na ang bumasag sa katahimikan.

Nagtitipon ulit kami rito sa conference room pero kami lang nina Chasin, Denzel, Morgan, at Bree ang nandirito. Napalingon naman silang apat sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

"Sabing hintayin muna natin si Kio," sumbat ni Bree.

Stupid. Siyempre alam ko. Gusto ko lang sabihin iyon dahil parang wala naman na akong kasama rito at kanya-kanya sila ng mundo. Napa-irap ako sa ere.

Bumukas ang pinto ng silid ang pumasok si Kio na hawak ang kanyang tablet. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa dating pwesto niya.

"I asked for a short meeting with Malory's intelligence team regarding our problem," pauna niya saka siya may pinindot sa hawak niya at lumabas mula sa sari-sarili naming hologram ang nandoon.

Nagpakita roon ang mga listahan kung paano namin mareresolba ang problem namin sa pagpili ng halimaw na huhuliin namin. Sinuri kong mabuti ang nakalista roon.

"These are their suggestions about it," dugtong niya.

"Sa lahat ng nandirito mas practical ang nasa pangatlo." Binasa namin ang sinabi ni Morgan na pangatlo.

3. Use a device (e.g. drone camera) or live map to watch over your chosen beast.

"Ito mismo ang sinasabi ko kanina," nakangisi kong saad saka ako sumandal sa inuupuan ko at pinagkrus ang braso ko.

Halos sabay-sabay silang apat-- maliban kay Denzel na 'di ko alam kung tulala o binabasa ang nasa hologram niya-- na napalingon sa akin. Kita ko sa mukha nila lalo na kay Kio at Bree ang 'di pagsang-ayon sa sinabi ko. Tamad lang silang nakatingin sa akin at dahil doon ay naalis ang ngisi sa labi ko.

Totoo naman ang sinabi ko, ah. Should I suggest if I didn't think about it? Mga stupid talaga.

"Actually, I have already chosen this as our strategy..." sambit ni Kio nang makarecover sa sinabi ko. "but I just included the others in case na hindi niyo gusto yung drone."

Iyan ang sabi niya. Oo na lang. I just pretended to yawn and give him a lazy gaze just like what he did to me a while ago.

I let out a breathy laugh as I realized something. Masyado kaming preoccupied sa mga tinatagong problema ng isa't isa na pati ang pagresolba sa kaso ng pagpili sa halimaw ay hindi namin magawa. Who would've thought that it was this easy? Drone lang naman pala ang kailangan. May live map naman.

"I'll agree into this," sambit naman ni Bree, "kesa naman tayo ang mag-last shot."

Some of the IT's suggestions were about the new rules. According to them, if ever some reapers or hunters ang naroon na sa mission sight, we will just have to wait for the best opportunity to take the last shot para sa amin ang puntos. Masyado lang naming ipapahamak ang sarili namin kapag mangialam pa kami. Hindi lang beast ang mahahanap namin, pati na kaaway.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon