[21] Sharpshooter

15 3 0
                                    

Generys Khan

"Tangina! Guys, I need backup!"

Halos sabay-sabay na kaming nagsasalita at kahit ni isa ay wala akong maintindihan sa suot long earpiece. Sabay kaming tumatakbo ngayon ni Azai. I activated my watch detector to find where Bree is. Nang mahanap siya ng relo ko ay sinundan namin ang itinuturo nito.

Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Napahiwalay tuloy kaming dalawa ng kasama ko at nagtago sa likod ng kung anong nahanap namin kotse na nandito. Iba't ibang klase ng mura naman ngayon ang nanaig mula sa suot naming earpiece. Naginhawan lamang ang tainga ko nang iisang boses na lang ang namayani.

"Para kayong mga lamok!" reklamo ni Kio. De-ni-activate niya lang naman ang mga mic namin. "Bree and Larasati, stay there and don't make any move yet."

Hiwalay na kaming nagtungo sa lugar na iyon. Maingat lamang ang pagtakbo ko para hindi makatunog ang kung sino man ang mga taong iyon.

"Azai, Generys, stay closer to them and wait for the others. Tangina, huwag niyong hayaan ang mga Reaper na 'yan ang tumapos sa leon."

Magkasunod lang kaming nakarating ni Azai sa puwesto nina Bree. Mula rito ay tanaw namin ang mga Reaper na pinalilibutan ang leon malapit lang sa entrance ng parking space. Parang hindi kami napansin ng mga ito dahil tutok na tutok sila sa kanilang ginagawa.

"Ano nang gagawin natin? They can't just take advantage on the damage we did to the beast," halos pabulong nang sambit ni Larasati.

"Mabuting sundin muna natin si Kio. Isa pa, apat pa lang tayong nandirito at lamang sila sa bilang," pangungumbinsi ni Azai. Napabuntong-hininga na lamang kami sa pinanuod ulit kung anong susunod na galaw ng mga ito.

They're just standing there and watching how the lioness trying to intimidate them. Marami nang tama iyong tama sa katawa and no doubt, isang barilan lang ng shotgun ni Magnus ay matatapos na ito. Nakuha pa ng isang lalaking nagsalita kanina ang pagtawa at itinuro ang halimaw saka may sinabi sa katabi niyang lalaking may hawak na shuriken.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko nang ma-recognize ko ang isa sa kanila. Hindi ako pwedeng magkamali. I can't just forget the one who almost ruin my life-- ang buhay namin ng kapatid ko.

Sabay na dumating sina Morgan, Denzel, at Magnus mula sa likod na bahagi ng parking space. May sinasabi sila pero pumapasok-labas lang ang mga iyon sa tenga ko. Parang kumulo ang dugo ko habang sunod-sunod kong naalala ang mga pinaggagagawa niya noon. Bumibigat din ang paghinga ko.

"Now, all we have to do ay palibutan sila nang hindi nila namamalayan. No, no! Hindi sa mga Reaper ang magiging atake natin," nagsalita ulit si Kio. "Bantayan lang natin ang kilos nila, and if ever na aatakihin na nila ang halimaw, distract them as you can.

"Tapos wait for my signal. Be attentive kasi pwedeng isa sa inyo ang gagawin kong last shot."

Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila kanina. Nawala kasi bigla sa isip ko ang kasalukuyang sitwasyon namin ngayon. Ang alam ko lang ay palibutan namin ang mga grupong ito. Pero hindi ko alam kung saan-saan kami pupunta. Baka mamaya nag-assign pala si Kio.

Nagsimula na silang nag-alisan sa puwesto. Para tuloy akong batang ligaw na sinundan lang sila ng tingin at nalilito kung saan ako pupunta. Si Magnus ang naiwan ngayon dito.

"Oh, natuod ka na diyan," sambit ni Magnus and obviously, may pagkataray sa tono niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para sumagot pero narealize ko na idya-judge niya lang ako once na nalaman niyang hindi ako nakikinig. Itinikom ko na lang ulit at tinalikuran siya. Nagkunwari na lang ako ng naghahanap ng pagdadaan papunta sa pwesto ko.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon