13:37 July 14, 2100
[Casa Miracle, Mamlane, Necropolis City]GENERYS KHAN
I never expected to see that man, no, that jerk again after two years. He had changed a lot, yeah, physically pero ang ugali ay mas sumama pa yata. His greed for money is still there no wonder he joined that stupid group. Siguro ay pera talaga ang ipinaamoy sa kanila ng kung sino mang organization na 'yan para napa-oo sila.
I have an instinct that he knows that I'm part of Malory before the incident the other day. I was just a trainee back then when we were still together and he knew that it was the same society where I am. The way he shot me with no second thought was proof that he still had a beef with me. Kung umasta parang siya pa itong may utang, ah. Parang hindi nagnakaw.
Nasa harap ako ngayon ng orphanage kung saan naroon ang kapatid ko. Yes, I sneaked from our Captain. He is so strict these days for I don't know the reason is. Bigla-bigla na lamang niyang ni-restrict ang paggamit namin ng gadgets. Like wala namang bago sa amin na mababa na talaga ang rank namin no matter how many missions we undergo.
Well, I should've give him heads up since bibisitahin ko lang naman ang kapatid ko. The other reason is because my wound is still fresh. Baka nga 'pag nasobrahan ako sa paggalaw ay dumugo ulit. Kaya 'di na ako nagpaalam pa. Baka kasi isipin pa niya na gumagawa lang ako ng paraan para makahawak ako ng gadgets.
"Rys, napabisita ka?'' bungad sa akin ni Nanay Sabel. Siya ang nagbabantay sa mga bata dito sa Casa Miracle. Tinawag na siyang nanay ng mga batang inalagaan niya dahil siya naman na talaga ang tumayong magulang sa mga ito.
"Kamusta po?" masayang bati ko. "Hindi po kasi ako nakadalaw noong nakaraang buwan dahil batak po kami sa training," sunod na paliwanang ko.
One thing about this orphanage that made me feel at ease is it is one of the safest places in the city. They make sure no outsider can enter the area unless they permit you to visit. As an orphan, madali na lamang aong nakakapasok at nakakalabas dito.
"Maayos pa kami dito," sagot niya sa tanong ko. "Buti nga at nakagawa ka pa nang paraan para bumisita rito. Sa mga nangyayari kasi ngayon..." Hindi na nya itinuloy pa ito at napailing pero alam ko ung anong gusto niyang sabihin.
Niyaya na niya ako sa loob. Sinundan ko siya papasok at iniwan muna sa common room para maghanda ng meryenda. Wala namang gaanong pinagbago sa pisikal na anyo ng bahay-ampunan. Gaya ng dati ay inspired pa rin ang interior design sa makalumang bahay. Mga panahong semento at kahoy pa lamang ang ginagamit sa pagpapatayo ng bahay. Ang talagang nabago lang ay ang ingay. Mas dumami na kasi ang mga bata dito.
I can't help but to remember what happened so long ago. Iyon na ata ang pinaamasakit sa lahat ng naranasan ko. I feel relieved when I found a way to forgot and accept it. It never bothered me on hunting. Pero kapag nakakakita ako ng mga batang nararanasan ngayon ang mga sinapit ko noon, bumabalik lahat.
"Yow, ate Rys!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Naomi, ang nakababatang kapatid ko. Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin na sana ako ay bigla siyang tumigil. Pinaningkitan niya ako ng mata habang nakahalukipkip.
Ginaya ko siya.
"Ba't?" nagtataka niyang tanong.
"Bawal bumisita?" I countered.
"Weird...may nangyari," saad niya.
Kumunot ang noo ko. Like, paano niya nasabi? Tumingin ako sa sugat ko kung halata ba nang hindi siya naghihinala. Parang 'di naman.
"Usually, nagsasabi ka kapag pupunta ka dito sa Casa Miracle." Medyo nakahinga naman ako nang maluwag-luwag sa sinabi niya.
"Captain didn't allow us to use gadgets as of now, so 'di ko na nasabi," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Malory
Science FictionLet us hunt beasts and stay alive. ••• In the year 2100, a failed scientific project leads to the release of devouring beasts. Malory, the lowest-ranked unit among a group of hunters, steps into the night to save their fellow countrymen from the re...