03:20 July 04, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]Takio Miles
Wala pa akong maayos na tulog ay tumunog na ang alarm ang cellphone ko. Nang patayin ko ito ay kaagad akong bumangon. Kumuha ako ng jacket sa kabinet at saka sinuot ito bago isinunod ang sapatos at facemask para walang makapansin sa akin.
Maingat akong lumabas sa kwarto ko at binaybay ang tahimik na pasilyo papuntang lift. Kahit anong tunog ay wala akong nilikha. Magising pa sila.
Wala naman sana akong pakialam kung makita nila akong lumabas sa oras na ito at pwede kong sabihin magja-jogging lang ako. But I have already done sneaking a lot of times this month and knowing Bree and Generys, hindi sila maniniwala sa anumang sasabihin ko. Napansin na nila ang mga pasa sa kamay ko at sinubukan pa nilang magtanong tungkol dito. They are the only one who asked me about this and I don't know if the other members have seen it too at hindi lang nagtanong pa.
Nang makatuntong ako sa common room ay tumunog ulit ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko at binasa ang message na kararating lang.
He's home again.
Mas binilisan ko pa ang paglakad hangang sa main door at itinalukbong ang hood ng jacket ko. Inilagay ko sa pinagkuhanan ko kanina ang cellphone saka deretsong lumabas sa quarter.
I'm still glad that yung mga pasa ko lang sa kamay ang nakita nila. Using face cosmetic, tinago ka lang ang nasa mga pasa sa mukha ko. Masira pa ng black eye 'tong mukha ko.
I didn't use any of our cars, may antenna yata sa ulo si Alki at nase-sense niya kapag may isa sa sasakyan dito ang aandar. Kaya ang ginawa ko na lang ay maglakad hanggang sa main highway ng Redhama at sasakay na lang ako ng bus papunta sa seaside.
Nang makalayo ako ng ilang metro sa headquarters ay may naramdaman akong nakapagpatigil sa akin. Someone's following me. Para hindi nito mapansing natunugan ko ang pagsunod niya ay inilabas ko ang earpods ko at isinuot.
-Playing Dragon by TEMPEST-
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad na tila walang nangyari. Sinigurado kong mahina lamang ang music para marinig ko pa rin ang nasa paligid ko. Kung sino man ang sumusunod sa akin ay wala akong ideya. Pero isa lang ang sigurado ako- Malory.
Gaya ng araw-araw kong pag-alis sa headquarters, madaling araw pa lamang ay rinig na mula rito ang ingay mula sa Capitol. Mga sasakyan sa lupa at pati na rin sa himpapawid. Sa una kong minutong paglalakad ay dalawa na kaagad ang airship na dumaan sa tapat ng distrito.
Some hunters are still on missions.
Mabilis kong napuntahan ang highway ng Redhama. Naghintay muna ako ng limang minuto bago pa mang may bus na huminto sa tapat ko rito sa bus station. Dahil gusto kong mahuli kung sinuman ang sumusunod sa akin ay sa pinakalikod na ako umupo tutal at nasa tatlo lamang ang nakasakay na kanina rito. Pero kaagad ding bumiyahe ang sinasakyan ko. Hindi nakasakay ang sumusunod sa akin o baka naman ay hindi niya piniling sumakay.
Tumunog ulit ang cellphone ko tanda na may na-recieve akong message. I almost broke my phone when I started to gripped it very strong. I aggressively took my earpods out from my ears because of frustration. Hinihiling ko na sana ay mas bilisan pa ng bus ang takbo para makarating ako kaagad sa bahay.
Hindi pa ba siya nagtanda? Fuck those drugs he takes. Kahit pa siguro patayin ko na siya sa bugbog ay gagawin at gagawin niya pa rin iyon.
One hour nang marating ko ang Hunnievard Baywalk. I thank myself from wearing facemask dahil sa dami ng nagkalat sa paligid. Hanggang dito ay naging pugad na rin ng mga halimaw. The smell of rotten meat is obvious lalo na at malakas ang hangin na nanggagaling sa dagat. I just hope that no beast will attack me at this hour. Wala pa naman akong dalang kahit na anong armas.
BINABASA MO ANG
Malory
Science FictionLet us hunt beasts and stay alive. ••• In the year 2100, a failed scientific project leads to the release of devouring beasts. Malory, the lowest-ranked unit among a group of hunters, steps into the night to save their fellow countrymen from the re...