[13] New Rules

11 6 0
                                    

08:30 June 06, 2100
[Malory Hideout, Redhama, Necropolis City]

Generys Khan

"Kung makabintang ka, akala mo naman may napakalaki kang naiambag."

"Woi, pusang gala! Hindi naman mahirap umamin, ano?"

"Pusang gala? Angas, ah. Ikaw lang ang nakita kong tuta na hindi cute."

Napailing ako sa sumbatan ng dalawa. Bago pa man sila magsakalan ulit ay pumagitna na ako sa kanila at saka inakbayan sila. Pinanliitan ko ng mata si Bree at nang dumako na ang tingin ko kay Kio ay nginitian ko siya nang may pagbabanta.

"You still have five minutes para gumayak. Kapag inuna niyo pang maglampungan, maiwan na lang kayo," seryosong litana ng kapitan. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag-irap ni Bree bago umalis sa tabi ko.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos mabura ang file na matagal naming hinintay mabuksan. Unfortunately, walang natirang information sa amin. Mayroon pa naman sa utak namin pero hindi naman basta-basta maniniwala ang mga tao, hindi ba? Baka mamaya ay isipin nilang sinisiraan lang naming ang kapitolyo at mga scientists.

Maaga kaming nagising para sa pagpupulong na pupuntahan namin mamaya. It is an emergency meeting where all the hunters are expected to attend. Magaganap ang meeting sa sentro ng Necropolis City-- ang Capitol.

Hinila ko si Kio papuntang labas habang nakaakbay pa rin ako sa kanya. Pumasok kami sa van namin at pinaupo siya sa pwesto niyang malapit sa bintana. Tinabihan ko na rin siya at baka kasi mamaya ay si Bree ang mapunta sa kanya. Nasa shotgun na rin si Chasin na nakamasid lang sa kanyang cellphone.

"Para kang nanay," reklamo niya bago umirap. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumingin sa labas. Sumunod na pumasok si Alki na dumiresto na kaagad sa driver's seat. Magkasabay si Magnus, Larasati, at Morgan na naupo sa likuran namin. Pinagitnahan ng dalawa si Larasati na kumakain na naman ng corn chips kahit na ang aga-aga pa.

"Ba't ang tagal ng dalawa?" saad ni Alki habang bahagyang nakasilip sa lift sa labas. Nahagip pa ng mata ko ang pagkunot ng noo ng Kapitan bago tumipa nang mabilis sa cellphone niya.

"Tatlo, Alki," pagtatama ni Magnus sa kanya.

"Two, kuya. Nasa likod na si kuya Azai." Lahat kami ay napalingon sa likod namin at doon sa pinakadulo ay nakaupo siya habang may nakasaksak na earpods sa tainga niya. Naguguluhan namang siyang napasulyap sa amin.

How come we didn't notice him there?

Naputol naman ang mapagtanong na tingin namin kay Azai nang may paang malakas na umapak sa pintuan ng van. Si Bree na nakataas ang kilay at sa likod niya ay si Denzel na hinihintay siyang pumasok.

"What?" tanong niya habang nakakunot ang noong pumasok sa loob.

"Wala--"

"Watawat!" pagputol niya sa sasabihin ni Kio. Kaagad namang napatayo ang lalaki at umamba ng suntok. Napigilan ko naman iyon kaagad at pinaupo siya habang nagpipigil ako ng tawa. Malakas pang napatawa si Bree na parang nang-iinis pa. Sumunod sa likod si Denzel na umiiling.

Naging tahimik ang unang minuto ng biyahe namin. Nasa harap ng kanyang cellphone si Chasin at si Alki naman ay walang kaimik-imik na nagdadrive. Nakasumalmal naman ang mukha ni Kio sa tabi ko na parang kating-kati nang mag-ingay. Sa likod namin, tanging ang plastic wrapper lang ng corn chips ang naririnig. Kita ko pa sa rearview mirror na nakatulog si Magnus. Hindi ko naman masyadong makita ang mga nasa likurang bahagi ng van.

"Hindi ko na kaya," Kio stated. Napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang kanyang tablet at maya-maya pa ay kinonek na niya ito sa speaker ng van. "Guys. Palaman my dear."

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon