[18] The Evanders

16 3 0
                                    

16:52 July 10, 2100
[Manstreak, Necropolis City]

Bree Granger

It's almost two years of living with Malorys. Pero sa mga taong iyon, hindi ko pa lubusang nakikilala ang mga kasama ko. It's seems like we're just mere co-workers, tasked to take down this failed project. Halos araw-araw nang mukha ng isa't isa ang tanging nakikita namin mula paggising ng umaga. Still, we keep ourselves from the dark with our own secrets.

Natatakot na rin ako sa pwedeng mangyari sa amin. First, kailangan pang maospital sina Denzel at Kio bago naming nalaman kung anong nangyayari sa loob ng pamilya niya. Kung wala pang mangingialam, hindi na hihingi ng tulong ang isa.

I thought we treat ourselves as a family through all the thrills and happiness we've experienced. Bakit nga ba ako nagrereklamo? Ako nga sa sarili ko hindi ko maikuwento kung ano ang mga bamabagabag sa akin. Though it is not as so deep as what happened to the two.

"Here." Napawi ang pagmumuni-muni ko nang may cone ng icecream ang humarang sa paningin ko. Tumingin ako sa kung kaninong kamay iyon and no surprise, si Denzel.

We decided to stopped at a convenience store muna para magmeryenda. Ako na rin ang nag-utos sa kanyang bumili ng makakain since nawiwindang ako sa mga nangyayari ngayon na pati ang pagbili ay parang dadagdag sa poproblemahin ko.

Kinuha ko ang icecream sa kamay niya saka siya naupo sa tabi ko. Nakaharap kami ngayon sa hindi gaanong mataong kalsada ng Manstreak District. Hindi katulad ng Capitol, I barely see any cars around here. Ang mga building nga rin dito ay naabandona na. Some areas near us are totally ruined. May mga bakas pa ng pinangyarihan ng pagpaslang sa halimaw. Ministry of Public Works Development seems to not taking it seriously at hinayaan na lang nilang ganito ang hitsura.

Hay...napakadaming problema sa buhay dumagdag pa ang problemang dapat gobyerno ang tumututok.

"What's on your mind?" tanong ng kasama ko sa akin. Napansin niya atang may bumabagabag sa akin nang napabuntong-hininga ako nang malakas.

"Marami," sagot ko bago nilasaan ang icecream na hawak ko. Pati lasa ng sorbetes parang nag-iba na rin.

Nanaig muna ang katahimikan bago siya muling nagsalita.

"Why do we keep secrets?" he just randomly asked.

Tiningnan ko siya nang may pagtataka. He didn't even bother to look at me at sa labas lang siya nakatingin habang kinakain ang hawak niya. Napaisip ako.

"Depende...in what circumstances ba? Like a secret about our most embarrassing moment? Mga sikretong lalaglag sa iyo?" Nakaka-confuse ang tanong niya.

"In crucial moments. If that secret can involve someone who shouldn't be."

Bakit nga ba? Well, I do have a secret too. Pero sa tingin ko naman ay wala akong madadamay na mga taong malapit sa akin. From what he's asking...

"To protect your people?" I'm not sure. Hangga't hindi ko pa nararanasan, hindi ko pa mapapatunayan.

"Indeed," sambit niya bago ngumiti at tumingin sa akin. "If it is the only right thing to do, why not?"

Mas lalo pang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"How can you determine what's right from wrong? Keeping secrets, serious secrets, is also lying."

"Lying to keep others away from danger can be righteous."

"Eh? Paano mo masasabing tama ang paglayo mo sa kanila sa kapakahamakan?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Pati ako ay nalito rin sa tanong ko. We have this universal knowledge that lying is wrong. And we just still do it because we are tempted too. Pero kahit ano pang senaryo iyon, lying is still lying. We are abandoning someone's freedom to know what is the truth.

MaloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon