chapter 9

2K 62 9
                                    

"Birthday ko bukas punta kayo" Aya samin ni Fritz habang kumakain kami ngayon sa cafeteria.

"Game ako jan, anong oras ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Gabi Siya. Dinner." Sagot naman niya sakin.

"Okay. Saan ba banda bahay nyo? Hindi pa ako nakakapunta dun baka maligaw ako" Sabi ko sabay tawa. "Ayaw ko naman mag dala ng driver bukas"

"Edi sunduin nalang Kita." Sabi naman niya sakin.

"Good idea." Sabi ko naman sabay tawa. "Alam mo naman siguro bahay namin."

"Oo" sagot naman niya sakin.

"Gusto mo naman siguro mag enjoy at maka abot sa birthday mo bukas no?" Biglang tanong ni Kurt Kay Fritz habang masama ang tingin.

"Hehe, si Kurt nalang pala susundo sayo bukas Cas may gagawin pala ako bukas at madami pa akong kailangang asekasuhin." Biglang sabi naman ni Fritz na siyang ikalaglag ng panga ko.

"What?" Tanong ko naman kanya dahil bakit bigla nag bago isip niya? Hindi SA ayaw ko na si Kurt susundo sakin pero wtf?!

"Bakit ayaw mo na ako susundo sayo?" Matalim na tanong sakin ni Kurt.

"May sinabi ba ako?" Balik tanong ko sa kanya.

"Tsk"

Ito nanaman po tayo.

"Ikaw ba Ella sasama ka bukas? Daanan ka nalang namin ni Kurt bukas." Tanong ko naman Kay Ella na tahimik lang kumakain.

Ilang araw ko nang napapansin na ang tahimik ni Ella at hindi na niya ako masyadong pinapansin. Pinapansin naman ako pero hindi na gaya ng dati.

Si Kurt naman ay tahimik lang din na kumakain, actually palagi namang tahimik to pero iba Ang tahimik niya kapag kasama namin si Ella. Madaldal Siya kapag ako ang kasama parati nalang tumatawa pero kapag kasama namin si Ella parang wala lang siyang kasama.

"I don't know if I'm free tomorrow." Sagot naman niya sakin.

"Why? May pupuntahan ka?" Tanong ko naman sa kanya.

"Actually yes." Sagot naman niya sakin na ikinagulat ko.

"Saan?" Tanong ko naman sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako.

Hindi na muli ako umimik at bumalik nalang ulit sa pagkain. Muli nanaman kaming binalot ng katahimikan pero hinayaan ko nalang iyon basta kakain muna ako. Kailangan ko pang mag isip Kung ano Ang ireregalo ko Kay Fritz bukas.

Alam Kung mayaman din itong si Fritz at alam kung nasa kanya na ang lahat kaya ano ang ireregalo ko sa kanya? Babae nalang Kaya iregalo ko? Edi gustong gusto ng mukong nayun mukhang babae din yun eh, Hindi mabubuhay ng walang babae. Tsk. Mga lalaki nga naman.

Hindi ko talaga alam Kung ano iregalo sa kanya. Isip lang ako ng isip kung anong magandang regalo para sa kanya hanggang sa matapos kami kumain at makapasok na sa room.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ang prof namin sa sobrang lalim ko mag isip.

Pagtapos ng klase namin ay dumiritso na kami ni Ella sa parking lot na tahimik lang. Gusto Kong kausapin si Ella kung may problema ba siya kaso hindi ako makahanap ng magandang tiyempo dahil sa tuwing nagbabalak akong kausapin siya ay umiiwas naman Siya at aalis na gaya nalang ngayon na balak ko sana siyang kausapin pero alam Kong iiwas nanaman ito at mag mamadaling umuwi.

"Ell-----"

"Mauuna na ako Cas." Paalam naman niya sakin saka pumunta na sa kotse niya.

Bakit ganon? Hindi ko pa nga tapos Ang sasabihin ko aalis na agad. Tatawagin ko pa sana pangalan niya pero hindi na niya ako pinatapos sa pag sasalita.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon