Naghahanda na akong umuwi ngayon dahil mag didilim narin at ilang oras pa ang kailangan kong talakayin bago makarating sa condo ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng opisina ng bigla bumuhos ang malakas na ulan at kumidlat pa ng malakas kaya napasigaq ako bigla at biglang natakot. Muntik na akong matumba buti nalang biglang pumasok si Kurt at hinawakan ako sa kamay at sinubsob sa dibdib niya kaya hindi ako natumba.
"Shh. It's okay." Pang-aalo niya sakin habang nakayakap parin sakin.
Nang guminhawa naman ang pakiramdam ko ay bigla akong bumitaw sa kanya at umupo sa pinakamalapit na upuan.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya dahil nasa labas siya kanina galing.
"I was just checking something. You? Uuwi kana?"
"Sana kaso biglang umulan ng malakas."
"Mamaya kana umuwi tilain mo muna ang ulan at kapag gabi na ay dito ka nalang mag palipas ng gabi, bukas ka nalang umuwi."
Hindi naman ako sumagot sa kanya at tumango nalang dahil wala naman akong choice kundi yon ang gawin. Natatakot naman ako mag maniho na ganito ang panahon baka kong ano pa mangyari sakin.
"Umuwi na silang lahat?" Tanong ko sa kanya ng mapansin na wala ng tao dito sa opisina at kami nalang.
"Oo." Maikling sagot naman niya at pumasok sa isang kwarto na hindi ko napansin na meron palang ganon dito.
Ilang minuto lang din ang tinagal niya sa kwarto na iyon at lumabas na at paglabas niya ay iba na ang suot na damit at naka short nalang siya.
Hindi ko nalang din naman siya pinansin at umupo nalang dun sa inuupuan ko at tumingin sa labas, tinitingnan kong kailan titila ang ulan pero mukhang ayaw tumila ng ulan at walang tigil lang ito at sobrang lakas pa.
"May bagyo ba ngayon?" Tanong ko kay Kurt ng umupo siya sa upuan niya.
Huli ko na napansin na nasa tabing upuan niya pala ako nakaupo.
"I don't know. I didn't watch the news " sagot naman niya sabay kalikot sa laptop niya.
"Stop using your laptop, kumidlat baka tamaan yan." Saway ko naman sa kanya.
Nakita ko lang din sa news iyon at nabasa sa isang diyaryo na bawal gumamit ng gadgets kapag kumikidlat kasi baka tamaan daw iyon ng kidlat. May nabasa na kasi ako sa news na may namatay na daw dahil sa paggamit ng cellphone o ano man kapag kumikidlat kaya simula nun hindi ko na pinapabuksan ang tv o pinapagamit ng kong anong gadgets si Kirt kapag kumikidlat o ulan lang.
Tumigil naman bigla si Kurt at sinarado iyon at hindi na kumalikot ng kong ano-ano pa. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako sa mga titig niya sakin.
Ramdam ko naman na nakatingin parin siya sakin kaya lalo akong naiilang at hindi ko maintindihan kong ano ang maramdaman ko.
"What?" Iritang tanong ko naman sa kanya dahil hindi niya parin ako linulubayan ng titig niya.
Hindi naman siya sumagot at umiwas ng tingin.
Umiwas narin ako ng tingin sa kanya at tumayo nalang at nag lakad-lakad palayo sa kanya.
Gumagabi na at hindi parin tumitila ang ulan. Gusto ko na umuwi pero wala namang tigil ang patak ng ulan kaya wala akong magawa.
Nang hindi na kumidlat ay kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si nanny para ipag-alam sa kanya na hindi ako makakauwi ngayon dahil sobrang lakas ng ulan.
"Hello?"
"Hello manang."
"Ikaw pala ma'am. Napatawag ka po?"
![](https://img.wattpad.com/cover/314317764-288-k240915.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The Architect's Son
DiversosCaszie Thorie Caro. A girl with a dream's. A girl who have a lot of husband's in Wattpad. A girl with full of boastfulness. A girl who have a crush in architect department. A girl who's always happy, confident and funny. A girl with full of crazine...