chapter 10

3.2K 65 3
                                        

Nang makarating kami sa bahay nina Fritz ay dumiritso agad kami sa garden dahil doon ginanap ang selebrasyon. Isang simpleng birthday party lamang iyon.

Madami ding mga tao Kaya medjo nahihiya na ako pero tong katabi ko naman parang wala lang sa kanya at naka hawak pa sa bewang ko.

Nahihiya talaga ako, buti sana kung andito si Ella kaso wala.

Pumunta agad samin si Fritz nang makita kami. Naka long sleeve lang siya at tinupi hanggang siko gaya ng kay Kurt at naka slacks na kulay black lang ito. Ang simple ng suot pero gwapo parin tingnan, mga pinagpala nga naman.

"Hi" Bati agad samin ni Fritz ng makarating na samin.

"Hi Fritz, happy birthday!" Bati ko sa kanya saka niyakap at binigay Ang regalo sa kanya.

"Damn." Sabi naman ng katabi ko saka ako hinigit ulit papunta sa kanya.

"Thanks Cas." Sabi naman ni Fritz saka ako nginitian ng hilaw.

"Happy birthday moron." Sabi ni Kurt saka sinapak sa braso kaya naman napa igik ito, siguro ang lakas ng sapak nito.

"Ba't mo siya sinapak? Birthday niya pa naman" Singhal ko kay Kurt.

Hindi naman siya sumagot sakin at tiningnan lang si Fritz ng masama.

"Hindi naman malakas, Cas, ayos lang yun ganyan talaga si Kurt kapag nag se----"

"Okay, continue that and you will dead right now." Banta sa kanya ni Kurt na ikinatahimik naman ni Fritz saka ngumisi lang sakin.

"Kapag?"

"Kapag ano masaya basta yun." Sagot sakin ni Fritz sabay kamot sa ulo at ngumisi.

"Tsk."

Sino paba yan, walang iba kundi si Kurt. Paborito niya ata sabihin yan kapag pikon siya.

"Iwan ko sayo." Sabi ko sa kanya sabay iling pa.

"Kain na kayo. Tara dun na kayo umupo." Sabi ni Fritz at nauna nang maglakad papunta sa sinasabi niyang table.

Sumunod naman kami sa kanya na tahimik lang. Literally na tahimik kasi hindi na naman nagsasalita ang kasama ko. Palagi naman.

Nang makarating na kami sa mesang nakalaan samin ay umupo agad ako, kanina pa gusto kong umupo nahihiya na ako sa mga taong tumitingin sakin.

"I'll get a food for us." Paalam ng katabi ko saka tumayo na para kumuha ng pagkain.

Hinayaan ko naman siya Kasi nahihiya rin akong tumayo ngayon at makihalubilo sa mga tao na hindi ko naman kilala.

Nag hintay lang ako ng ilang minuto at nakita ko na si Kurt dala ang pagkain namin. Buti nalang hindi ganon kadami ang dala niyang pagkain kaya ayos lang.

Nagsimula na kaming kumaing dalawa  hanggang sa binasag ko ang katahimikan.

"Saan na ang regalo mo Kay Fritz? I thought nasa car mo na, ba't wala ka namang dala nang pumasok tayo dito?" Tanong ko sa kanya habang kumakain siya.

"I can give her later, Cas, don't worry." Sabi naman niya saka kumain ulit.

"Okay."

"Atsaka matanda nayon hindi na dapat binibigyan ng regalo." Sabi naman niya.

"Wala naman sa bata ang pagbibigay ng regalo." Katwiran ko sa kanya.

"Tsk" sagot niya at hindi na nga ako nagulat sa sagot niya.

"Good evening everyone! So here we are celebrating a birthday of our dearest man Fritz Micheal Sandoval." Sabi ng emcee kaya tumingin ako sa mini stage na ginawa nila. "Let's welcome our birthday celebrant, Mr. Fritz Micheal Sandoval." Sabi Ng emcee kaya umakyat ng stage si Fritz habang naka-kaway sa mga bisita niya.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon