Matapos namin mag-usap ni Kurt sa gabing iyon ay naging maayos na kami hindi ganon kaayos pero masasabi kong maayos narin at hindi na tulad ng dati.
Palagi nang pumupunta dito si Kurt sa condo namin at minsan dito narin natutulog tulad sa gustong mangyari ng anak namin. Walang araw na wala dito si Kurt kapag wala siya sa Batangas.
Minsan siya narin ang sumusundo kay kirt galing school nito kapag wala siya sa Batangas at dito lang sa kompanya nila.
Napag-alaman ko na may sariling kompanya pala siya na family company nila na pinamana sa kanya ng daddy niya.
A CEO and an architect.
Mapapasana all ka nalang talaga, hays.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni kirt na may biglang kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko muna iyon dahil wala dito si manang Nilda at umuwi sa kanilang probinsiya dahil may emergency daw.
"Saglit lang baby, bubuksan ko lang kong sino ito." Paalam ko naman sa anak ko saka tumayo na para pagbuksan kong sino ito.
"Sige po mommy." Sabi naman ng anak ko sabay tango.
Lumabas naman ako sa kusina namin at pumunta sa pinto para pagbuksan kong sino ito.
Laking gulat ko naman ng makita ko kong sino ito at mas lalo akong nagulat sa dala niya. Hindi ko alam kong para na iyon sa akin o para sa anak niya pero imposible naman para kay kirt ang dala niyang isang bungkos ng bulaklak.
"Hi."
Sabi niya sakin ng pagbuksan ko siya ng pinto saka ngumiti ng malapad sakin, nagulat naman ako sa sunod niya na ginagawa na hindi ko inasahan.
Hinalikan niya ako sa pisngi.
"H-hello! Pasok ka." Sabi ko saka binuksan ng malaki ang pintuan.
"For you." Sabi niya sabay abot sakin ng dala niyang isang bungkos ng bulaklak.
"T-thanks."
Agad naman nag harumintado ang mga puso ko dahil sa binigay at sa ngiti niya ganon din sa amoy niya na amoy na amoy ko pagdaan niya sa harap ko pagpasok niya.
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya na tumitingin sakin.
Wth?!
"A-ahm, kumain kana? Eat with us, andun sa kusina si Kirt kumakain." Sabi ko habang naiilang parin.
Hindi naman na siya sumagot pa at pumunta na sa kusina kong saan ang anak namin.
"Daddy!" Sigaw naman ni Kirt nang makita ang ama nito sabay takbo at yumakap dito.
Akala mo talaga hindi sila nagkikita palagi eh.
"Son, how are you? Hmm?" Tanong naman ni Kurt sabay karga dito at halikan sa noo.
"I'm good daddy, how about you daddy?" Malapad na ngiti na tanong ng anak ko sa tatay niya.
"I'm good too." Sagot naman nito saka ginulo ang buhok ng anak niya na ikinangiwi ng anak niya.
"Let's eat." Agaw atensyon na sabi ko sa kanila.
Ipinaghanda ko narin si Kurt ng pagkain niya para sabayan kami kumain.
"Thanks, love." Malapad na ngiti niya saka tumingin sakin.
Wth?! Love? My god!
Ramdam na ramdam ko naman ang uminit ang pisngi ko kaya iniwas ko kaagad sa kanya ang mukha ko.
I heard him chuckle kaya tiningnan ko ito ng masama na ikinatawa niya lang din.
"Why so early Kurt?" Tanong ko naman sa kanya ng nag umpisa na kami kumain.
BINABASA MO ANG
Hiding The Architect's Son
LosoweCaszie Thorie Caro. A girl with a dream's. A girl who have a lot of husband's in Wattpad. A girl with full of boastfulness. A girl who have a crush in architect department. A girl who's always happy, confident and funny. A girl with full of crazine...