"Gaga ka, ang rupok mo." Bulyaw sakin ni Hazel.
Andito kami ngayon sa isang restaurant kumakain ng lunch.
Isang linggo narin ang nakalipas simula noong may nangyari samin ni Kurt. Hindi naman ako nagsisi na may nangyari samin ni Kurt dahil ginusto ko rin naman iyon.
"Mahal ko eh, pasensya naman." Kibit balikat na sagot ko naman sa kanya.
Matagal tagal narin simula noong nagkita kami ni Hazel. Hindi ko na siya masyadong nakikita sa opisina dahil nag leave siya ng tatlong linggo sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi rin naman siya nag sasabi sakin kaya hinayaan ko nalang dahil nitong mga nakaraang mga araw, linggo at buwan ay naging busy narin ako at hindi ko na siya masyadong nakakausap.
Hinila naman ng gaga ang buhok ko sa naging sagot ko sa kanya at tiningnan ako ng masama.
"Umayos ka Caszie Thorie. Baka nakakalimutan mo na ang ginawa ng gagong yon sayo." Seryosong sabi niya.
Umiwas naman ako sa kanya ng tingin. Natatakot akong tumingin sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.
Oo at napatawad ko na si Kurt pero andito parin ang kaba at takot ko.
"Alam ko naman yon." Sabi saka umiwas ng tingin.
"Yon naman pala eh. Pero bahala ka disesyon mo yan, kong yan ang magpapasaya sayo kong sa tingin mo masaya kayo ng anak mo at kong sa tingin mo tama ang disesyon mo Basta andito lang ako kapag kailangan mo ng isang kaibigan at kong kailangan mo ng kausap." Sabi Kiya saka hinawakan ang kamay ko.
"Salamat, Zel!" Nakangiting pasalamat ko sa kanya at hinawakan din ang kamay niya. "Nag explain narin naman niya sakin lahat sinabi niya na lahat-lahat sakin." Sabi ko naman sa kanya.
Kinewento ko kay hazel ang lahat na mga sinabi ni Kurt sakin sinabi ko lahat-lahat. Tumango tango naman sakin si Hazel saka ngumiti, at biglang dumilim ang mukha ng marinig ang pangalan ni Ella.
"That bitch." Nanggigil na sabi niya.
"Let's forget her, I hope she's okay now." Nakangiting sabi ko.
Kahit ganon si Ella ay naging parte parin naman siya ng buhay ko.
Napatawad ko narin naman siya sa mga ginawa niya sakin. Napatawad ko na silang lahat. Ang gusto ko nalang ngayon ay mabuhay ng tahimik at masaya ang walang gulo.
Pagkatapos namin mag-usap ni Hazel ay lumabas na kami kaagad at laking gulat ko nang makita ko si Fritz sa labas ng restaurant sa tabi ng kanyang kotse habang nakatingin kayo Hazel ng madilim.
Tiningnan ko naman si Hazel at hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya pagkita kay Fritz.
Pagkita naman samin ni Fritz ay lumakad agad siya papalapit samin at dumiritso kayo Hazel para hawakan ang bewang nito.
Ehem. Kaya pala.
Gusto ko matawa sa naging reaksyon at mukha ngayon ni Hazel.
"Hi, Cas, tapos na kayo mag-usap?" Tanong sakin ni Fritz saka ngumiti.
"Ah, yes, pauwi na nga ako ngayon eh." Sagot ko naman sa kanya saka ngumiti din. "Anyway, mauuna na ako sa inyo." Paalam ko sa kanila.
"Ingat, Cas. Call me if you need someone to talk and if you need something." Sabi naman ni Hazel sakin saka ako yinakap.
"Ingat, Cas, pakikamusta nalang ako kay Kurt at sa anak nyo."
"Yeah, sure." Sabi ko sa kanya. "Thanks for today, Zel! Bye, enjoy kayo." Sabi ko sabay kindat sa kanila at pumunta na sa kotse ko na nakaparada.
BINABASA MO ANG
Hiding The Architect's Son
DiversosCaszie Thorie Caro. A girl with a dream's. A girl who have a lot of husband's in Wattpad. A girl with full of boastfulness. A girl who have a crush in architect department. A girl who's always happy, confident and funny. A girl with full of crazine...