Paris' PoV:
"What seems to be the problem?" Nakakunot-noong tanong ni Rayleigh sa akin. Kakatapos lang ng board meeting at kami na lang ang natira rito sa SC Office. I'm actually planning na mamayang mga 5pm na umalis dito.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandito ang isang 'to. As far as I remember, wala na syang gagawin.
"No, I'm fine. Thanks for asking anyway." And forced a smile. Ayaw ko na syang abalahin pa.
Rayleigh seems not amused with my answer. She sat on the chair in front of me. At inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Come on, Paris. Don't hesitate to tell it to me. Kilalang-kilala na kita. Wag kang mag-alala dahil hindi naman kita ijajudge." Nakanguso nitong turan. She's even poking my hands.
I heaved a deep sigh. "I told you, wala nga 'yun."
"Really? Bakit parang hindi ka na umuuwi sa inyo? You know, you keep on spending your time here." Naging seryoso bigla ang mukha ni Rayleigh.
"I also noticed na palagi kang tulala. Hindi ko na rin nakikita na magkasama kayo ni Autumn." Dagdag pa nya.
Napailing na lang ako sa kawalan. No doubt, she's really a great observer. Madali rin syang makabasa ng isang tao.
"Hmm.. based on it, nakabuo na ako ng conclusion." She grinned and wiggled her eyebrows to me. "Away mag-asawa?"
"Kind of." Ibinaba ko ang hawak-hawak kong papel. Sumandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ang aking mata.
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang magkaroon kami ng misunderstanding ni Taglagas.
I keep on crying for a matter of two days not until I realized that I shouldn't be hard on myself. Hindi ko dapat gawing miserable ang sarili ko.
Who knows, baka hindi na ako magustuhan ni Taglagas kapag nakita nya ako sa ganoong estado.
I have trouble sleeping. Heck, I've even had sleepless nights. Punong-puno ang isipan ko ng guilt at pagsisisi.
Natatakot ako na baka hindi na maayos ang kung ano mang meron sa amin ni Autumn. Na baka maisipan nyang maghiwalay na lang kami.
I always make myself busy para maiwas-iwasan ko ang pag-iisip kay Taglagas. God knows how much I missed her.
"I guess, may kinalaman si Tito nyan noh?"
"How did you know?" I asked in disbelief. Ang galing talaga kahit kelan ni Rayleigh.
"Ako lang 'to, kalma." She smirked mischievously and flipped her hair.
"Just kidding." Naging seryoso bigla ang kanyang mukha. "You know, he talked to me saying na baka makumbinsi kita na iwanan si Autumn at magpakasal na lang kay Louise."
Naikuyom ko ang aking kamao. Damn it! Pati ba naman si Rayleigh ay gagamitin nya para lang makumbinsi ako? Why is he so eager to do it? There's something off.
"At anong sinabi mo kay Dad?"
"Well, I turned him down and said na ayaw kong makielam sa lovelife mo. Buhay mo kaya 'yan." She said in a duh tone.
Hindi ko maiwasang mapangiti. I'm really thankful with Rayleigh. She's the best. She's always there to support me.
"Sadly, Dad keeps on controlling my life. Pero ayokong iwan si Autumn. Never. I love her so much." Hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Wait. Nagconfess ka na ba sa kanya? How did it go?" Mukhang excited syang malaman ang sagot ko.
"Y-Yeah, nagconfess nga ako." I averted my gaze. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Gosh, nagflashback sa isipan ko ang ginawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/310315471-288-k253222.jpg)
BINABASA MO ANG
Love-struck
Teen FictionAutumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit s...