Chapter 49: The Fight is On

19.8K 981 850
                                    

Paris' PoV:

"What's with the commotion?" Nagtatakang tanong ko. I decided na lumabas ng bahay para i-check kung ano mang nangyayari. Parang may nag-aaway kasi.

"I'm here to get my wife. I'm here to get you, Paris. Let's go home." Hindi ko maiwasang magulat nang makita ang taong 'yun.

It was the same woman that hugged me. Mukhang okay na rin ang lagay nya. And I assume na walang nangyaring masama sa bata na nasa sinapupunan nya. Good to know that.

"As if naman papayag si Paris na sumama sayo. Hindi ka nya kilala." Louise blurted out. Isang ngisi ang nakapaskil sa kanyang labi.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Louise is on the floor. Habang nasa itaas nya naman ang babaeng buhat-buhat ko kaninang umaga. Gulo-gulo ang buhok ni Louise at namumula rin ang kanyang dalawang pisngi.

I wonder. Magkakilala ba silang dalawa? If yes, bakit parang wala namang naikukwentong ganoon sa akin si Louise?

"I'm pretty confident na sasama sya sa akin, bitch. Iiwan nya na ang mang-aagaw na katulad mo." I flinched when I heard Autumn's laugh. Maihahalintulad sa isang tawa ng witch 'yun.

"Mang-aagaw ako? Excuse me?"

"Go on. Mag-excuse ka sa dyosang katulad ko." Autumn flipped her hair at the latter. Pero hindi pa rin sya umaalis mula sa pagkakadagan nya kay Louise.

"Fuck you! Get off me! Do you want me to kick you and your baby?" Nanlilisik na ang mata ni Louise. She's gone mad, pero parang hindi man lang naapektuhan 'yung kausap nya.

"You think na hahayaan kitang mangyari 'yun? No wonder, you're really a dumb bitch." She raised her hands. Agad na dumapo ang kanyang palad sa dalawang pisngi ni Louise.

And damn, ilang beses nyang sinampal ng kaliwa't kanan si Louise. Halatang malalakas ang mga 'yun. Hindi pa sya nakuntento, she even punched the latter's face.

"H-Hey, isn't that a little bit too much?" Gusto ko na silang awatin dahil baka mamaya ay kung saan pa 'to mapunta.

Akmang maglalakad na sana ako papalapit sa kanila nang biglang nagbaling ng tingin si Autumn sa akin.

"Wag na wag kang makikielam dito, Paris. Stay in your location." Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.

Wala sa sariling napatango ako bilang sagot. Parang umurong bigla ang lakas ko. Her stares, napakatalim non.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako bigla ng takot. Nanindig din ang balahibo ko. Aish. What's wrong with me?

In the end, napagdesisyunan ko na lang na mag-stay sa kinatatayuan ko, katulad ng sinabi nya.

"What can you say about Autumn's actions?" Someone said.

Napatingin ako sa aking tabi at hindi ko maiwasang magulat nang makitang nasa malapit na pala ang babaeng kasama ni Autumn. Sya rin 'yung babae na kumausap sa doctor.

Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala sya sa tabi ko.

"I... Uhm.... I don't know. But I guess it's quite surprising?" Hindi ko ine-expect na kayang gawin 'yun ni Autumn. Louise seems defenseless. Wala syang magawa.

"Manood kang mabuti. Those are just an example of what she can do sa mga nagbabalak na sumira sa relationship nyo."

I frowned. "Relationship? Ngayon araw ko nga lang kayo nakita." Pinipilit talaga nila na may namamagitan sa amin ni Autumn.

That's impossible. Unang-una ay maganda si Autumn. She can't love someone like me, who's an average person. And as far as I remember, gusto ko 'yung mga soft types ng girls.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon