Chapter 17

1.6K 24 1
                                    

Dahil sa nabalitaan nila mommy ang nagyari sa akin ay hindi na ako nagulat ng dumating sila. bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mata ng makita ako. Nong araw din na iyon ay agad na nila kaming pinag-empake at ora mismo kaming bumiyahe pa-Maynila. Ewan ko kung anong nangyari kay Katrina dahil hindi ko na siya nakita. Siguro ay pinauna na ni Eros dahil alam niyang hindi niya ito maisasabay dahil kasama namin ang magulang ko.

"Doc ganda, are you okay po?" napapitlag ako ng kalabitin ako ng pasyente ko.

She is Jillian at may leukemia ito. Ewan ko ba, medyo nagugustuhan ko na ang pagbabantay at pag-tatrabaho sa children ward. Napakakukulit kasi nila eh.

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang kinurot ang matambok niyang pisngi. "I'm okay, Jillian. Pahinga ka na ha? babalik ako ulit dito mamaya." tumango ang bata at sinunod ang sinabi ko.

Inayos ko pa ang kumot niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto ng bata. Ilang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari sa Pangasinan. Nakabalik na din kami sa trabaho. So far, wala namang nagbago. Ang cold pa rin sa akin ni Eros kahit pa nasa iisang bubong lang kami ay madalas gabi na siyang umuwi at maagang umaalis. Minsan nga iniisip ko, may asawa pa ba ako? para kasing hindi pa nga kami tuluyang nagkakalapit pero ramdam ko na ang tuluyan niyang pagdistansya sa'kin.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na pinupuntahan niya si Katrina eh. Kapag hindi siya umuwi sa akin ibig sabihin no'n ay nasa kandungan siya ng bruhang 'yon. Parang nawalan na ako ng lakas umangal pa sa kanila. Parang tanggap ko na na wala talaga akong pag-asa sa kanya.

"Doc Alex, hinahanap ka po ni doc Khyle." ani ng nakasalubong kong nurse. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

Pagpasok ko sa opisina ko ay nakita ko siya doon na prenteng nakaupo habang kumakain ng siopao.

"What's up, pretty doctor!" inirapan ko siya bago tuluyang naupo sa swivel chair ko.

"Bolero. Napadalaw ka? May kailangan ka na naman no?"

Tumayo siya sa sofa at lumipat sa upuan sa harap ng table ko.

"Uhm, ano kasi, itatanong ko lang sana kung alam mo kung saan nagtatago si Yumi? missing in action na naman eh." nakangusong aniya kaya naman ay di ko maiwasang matawa.

"Kahit alam ko kung nasaan siya ay hindi ko pa rin sasabihin sayo lol asa ka."

"Talaga? kahit sabihin kong may VIP ticket ako ng concert ng BTS?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Masyado kasing mabilis naubos ang vip seat kaya hindi ako nakabili.

"Sounds tempting but no. Hindi ko pa rin sasabihin." pero shocks! chance ko na 'yon makita si baby V!

"VIP ticket plus meet and great after concert, ayaw mo pa rin?" naningkit ang matang tanong niya.

Napanguso ako. Sorry, besh. Marupok ako kay baby taetae huhu.

"Deal."

Napapalakpak ito ng marinig ang sagot ko. Agad ko namang sinabi ang kinaroroonan ni Yumi. Di na siya nagtagal at agad na ding nagpalam, mukhang 'yon lang talaga ang pakay niya tsk.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga report tungkol sa condition ng mga pasyente ko. Napaangat lang ang paningin ko ng may kumatok sa pinto.

"Come in."

"Dumalaw si mommy, pinapabigay niya." ani ni Eros na siyang pumasok.

"Okay. Pakilapag na lang diyan." ani ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng report pero ilang sandali pa ay nagtaka ako ng hindi pa rin siya umaalis.

"May kailangan ka pa?"

Umiling siya. "HIndi ako makakauwi mamaya." tumango ako ng hindi siya tinitignan.

Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon