"I love you, Alexandrite. I really do." may pagsusumamong sabi niya. I look at him and I feel nothing but hatred.
F*ck your so called love!
"You love me? bakit ngayon lang?! bakit kailangan mo pa akong saktan ng paulit-ulit hanggang sa iwan kita para lang ma-realized mo na mahal mo ako? hindi mo talaga ako mahal!"
He looked at me and what shocked me is that, he kneel and hugged me tight. Sinubsob niya ang mukha sa puson ko at bahagyang humikbi doon. Tinangka kong alisin ang mga braso niyang nakapulupot sa akin pero ayaw niyang tanggalin.
"Please, paniwalaan mo naman ako.. mahal na mahal talaga kita eh.. sorry sa lahat ng nagawa ko.. patawarin mo na ko.. please, love me again.. hindi ko kaya ng wala ka.."
Umiling ako at umiwas ng tingin. "I'm sorry pero wala na ang dating Ylorra na handang magpakatanga sayo. I already learned my lesson at hindi ko hahayaang ibaba ulit ang sarili ko para lang sa isang katulad mo. I already realized my worth at tama ka, I am not worth it for your love dahil deserve kong mahalin ng higit pa sa kaya kong ibigay na pagmamahal. Mas may karapat-dapat pa na lalaking kaya akong mahalin higit pa kahit kanino."
He shook his head nonchalantly. "Just one chance please.. hayaan mo akong patunayan ang pagmamahal ko sayo.." He said while sobbing.
Natawa ako ng pagak. "Chance? wala ng chance, Eros! I already gave you enough chances before! Nagpakatanga ako ng tatlong taon sayo! Hinabol kita na parang aso kahit pa ilang ulit mong pinamukha sa akin na hindi mo ako magugustuhan! ngayon, anong karapatan mo para humihingi pa ng chance?"
I pushed him at nagtagumpay akong humiwalay sa kanya.
"Pakiusap lang, kung pwede huwag ka ng magpapakita pa sa akin? huwag mo ng ipaalala sa akin na minsan sa buhay ko ay nagpakababa ako para lang sa walang kwentang taong kagaya mo."
Iniwan ko na siya doon at dali-daling pumasok sa kotse ko. My eyes immediately create pools as I entered my car. Marahas ko iyong pinalis at agad na nagmaneho pauwi ng bahay ko. Pagdating sa gate ay agad kong inayos ang sarili ko. Tinago ang anumang bakas ng pag-iyak. Ayaw na ayaw kong nakikita niya akong mahina. I should be brave for him.
Suot ang magandang ngiti ay binuksan ko ang pinto. Rinig ko ang bahagyang hagikhik niya sa buong bahay, marahil ay nakikipaglaro na naman sa alaga naming aso.
"Mom! where did you go? bakit po ang tagal mong umuwi?" tanong niya at bahagyang naupo sa lap ko ng makaupo ako sa sala. Tumango ako sa yaya niya na agad na nagtungo sa kusina.
"How's your day, love?" tanong ko. Bahagya niyang isiniksik ang sarili sa katawan ko at ipinalibot ang maliit niyang braso sa bewang ko.
"I'm fine, mom! I just got bored so I played with momo." Tukoy Niya sa alaga naming aso.
Ginulo ko ang buhok niya at saka pinisil ang pisngi niyang matambok.
"That's good, love. Kumain ka na ba?" Tumango siya at napanguso sa harap ko.
"Mom..can I ask you something?" May pag-aalinlangang tanong Niya.
"Hmm." I murmured.
"Where's my dad? ayaw niya ba sa atin? bakit yong ibang baby kasama ang daddy nila, ba't ako hindi? masama ba akong bata kaya ayaw niya sa akin?"
I sighed heavily and pinch his nose. "Your dad is just busy working, love. Uuwi din siya once na madami na siyang ipon."
He pouted. "But Lolo and Lola have a lot of money already, can we just hingi to them so that dad will be with us?"
"When you grow up, you will understand, love. Let's sleep na? Your dad won't like it if you sleep late."
Napayuko siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita Kaya Naman ay binuhat ko na siya papunta sa kuwarto namin.
I'm sorry, love.
Sorry for hiding you to your daddy. Sa ngayon, ikaw at ako muna.
Tayo lang munang dalawa.
BINABASA MO ANG
Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)
RomanceSalvador Series 1: Eros Matthew "If chasing you is the only way to get you, I'm willing to chase you until you could no longer runaway from me. Mark my words, Doc. Magiging akin ka rin." Ylorra Alexandrite Marcoza is a typical rich bratty heiress wh...