Chapter 30

2.2K 20 1
                                    

Last 4 chapters before the epilogue. I just want to say thank you for making it this far. Hope you enjoy the remaining chapters 💙

*****

Pagpasok sa opisina ko ay agad akong napahilot sa aking sintido. Sa dami ng bumati sa akin ay bigla akong na-stress bigla. Parang pinagsisisihan ko tuloy na pumasok pa ako.

Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok. Bumungad sa paningin ko ang mukha ng sekretarya ko na gaya ng iba ay suot din ang kakaibang ngiti.

What's really the tea?

"Good morning, Doc, ito na po 'yong mga bagong proposals regarding sa pagpurchased ng mga bagong equipment para po dito sa hospital." aniya at inabot sa akin ang isang folder.

"May appointment ba ako ngayong araw?" tanong ko habang binabasa ang ilang proposal.

"Wala naman po, Doc. Kailangan lang po ng pirma niyo sa mapipiling proposal po within this week."

Tumango-tango ako bago ngumiti at tumingin sa kanya. "I'll just study this at home. Anyways, you can take your break kung wala naman masyadong gagawin dito."

"Sige po, Doc. Thank you." ngumiti lang ako at nagsimula ng ayusin ang mga dadalhin ko ng bigla akong tawagin ulit ng sekretarya ko na hindi pa pala nakakalabas.

"hmm? Do you still need something?"

She smiled widely bago umiling. "Wala naman po, Doc. I just want to Congrats you po on your upcoming wedding. Best wishes po sa inyo!" masayang sabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Wedding?

Kanino naman ako ikakas--Damn, EROS! Ano na naman kayang pinaplano ng bwesit na lalaking 'yon?!

Busangot ang mukha ko ng lumabas ako ng ospital, pekeng ngiti lang ang isinusukli ko sa mga bumabati pa rin sa akin. Tila sila kilig na kilig sa pakulo ng lalaking 'yon. Sa totoo lang hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa mansyon ng hindi sumasabog.

Pagkaparada ko ng kotse ko sa garahe ay dahan-dahan ko munang kinalma ang sarili ko. For once, ayaw kong tuluyang masira ang araw ko dahil lang sa lalaking 'yon. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay rinig ko na ang tawanan nila sa may dining area. Binaba ko muna ang bag ko sa sala bago ako nagtungo sa kinaroroonan nila.

"Mommy!" sigaw ni Rhenzo dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin. Binuhat ko ang anak ko at naupo sa bakanteng silya.

I smiled as I kiss my son's cheek before looking up on their visitors. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makasalubong ang nakangiting mukha nila tito Mathius at tita Serene.

So sila ang bagong business partners nila dad? How? I mean, dati naman ng business partners ang pamilya namin.

"Buti nakapunta ka, hija. It's nice to see you again." marahang sabi ni tita na sinuklian ko lamang ng ngiti.

"Nice to see you here din po. Kayo ang bagong business partners nila dad?" Tanong ko at bahagyang sinulyapan sila daddy na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Actually, Hija. I am n--"

"Its me. Ako ang bagong business partner ni daddy." Bahagyang napataas ang kilay ko sa taong simingit sa usapan namin at mas lalo pa iyong tumaas ng tuluyan na siyang tumambad sa harap ko.

Daddy, huh? Feelingero!

I looked at him with my brows up. This

bastard doctor standing proudly in front of me with his annoying grin. I rolled my eyes. Kung wala lang dito ang magulang namin baka kanina ko ba binura 'yang ngiti niya!

Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon